LOGINMishaela's point of view
"Dalawang taon na tayong kasal, Mishaela," mariing panimula ni Malachi at may halong bigat pa ang boses. "Two years since we signed that marriage contract in front of Grandpa and Grandma. Legal na legal 'yun. Nakarehistro pa nga sa gobyerno. Ikaw lang ang nag-iisang Mrs. Ventura." Binaba ko ang kutsara ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Alam ko, Chi. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon." "Pero tignan mo ang nangyayari," mapait siyang ngumiti, bakas ang frustration sa mga mata niya. Hinahagod ko lang ng tuluyan ang kamay niya. Ganito na siya kapag nag-rarant. "Ano ba 'yang marriage certificate na ipinagmamalaki ni Lavena sa media? It's a complete fake. Gawa-gawa lang naman nina Dad at Mom para linlangin ang publiko at maikasa ang merger sa kumpanya ng pamilya ni Lavena. They forged signatures, bribed officials, lahat na lang ginawa nila para lang magmukhang siya ang legal wife." "At alam kong hindi mo sila pinapatulan dahil may mas malaki kang dahilan," dugtong ko nang mahina at paalala na rin. Kawawa naman ang bebe na 'yan. Tumango lang si Malachi, pero nagdilim pa rin ang ekspresyon. "Hindi lang basta business merger ang habol nila, Mishaela. Dad has been using the company to launder dirty money for years, at ang pamilya ni Lavena ang pinakamalaking kasabwat niya. Kung aaminin ko ngayon sa publiko na peke ang kasal namin ni Lavena at ikaw ang totoong asawa ko, magigising sila. Itatago nila lahat ng ebidensya, at baka pati ikaw, ilagay nila sa panganib." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ito ang dahilan kung bakit pumayag ako sa setup na 'to. Sa mata ng buong mundo, ako ang walang-hiyang kabít. Ako ang sumisira ng pamilya. Pero sa likod ng lahat ng panghuhusga, ako ang kakampi ng asawa ko sa paglilinis ng sarili niyang pangalan. "Malapit na ba?" tanong ko. "Malapit mo na bang makuha ang lahat ng ebidensya?" Huminga siya nang malalim at hinila ang upuan ko palapit sa kanya hanggang sa magkadikit na ang mga tuhod namin. "Konting-konti na lang. Nasa akin na ang offshore bank records ng daddy ni Lavena. Ang kulang na lang ay ang pirma ni Dad sa huling illegal shipment next month. Kapag pumirma siya, tapos na ang laro nila. Sabay-sabay silang babagsak." Hinaplos ko ang pisngi niya, pinapawi ang kunot sa noo niya. "Then I can wait. Kahit sampung gala pa ang puntahan ko, kahit ilang baso pa ng wine ang ibuhos ni Lavena sa akin, kakayanin ko. Basta ikaw ang kasama ko sa dulo." Natigilan si Malachi sa sinabi ko. Tinitigan niya ako nang matagal, isang klase ng titig na parang sinasabi niyang hindi siya makapaniwalang may babaeng kayang magtiis nang ganito para sa kanya. "God, what did I do to deserve you?" he mumbled, sabay kabig sa batok ko at marahang idinampi ang labi niya sa labi ko. Mainit at mabagal lang 'yun, ramdam na ramdam ko ang puno ng pasasalamat sa halik niya. Napapikit ako at kumapit sa kwelyo ng polo niya, parang may tambol at naghahabulan sa dibdib ko dahil sa mabilis na tibok ng puso naming dalawa. Nang humiwalay siya, idinikit niya ang tungki ng ilong niya sa ilong ko. "I promise you, Mishaela," he stated at halos dumadampi na ang labi sa balat ko sa bawat salita. "Kapag natapos 'to, ipapagsigawan ko sa buong mundo na ikaw ang asawa ko. At sisiguraduhin kong walang sinuman ang makakapagpaiyak sa'yo ulit." Tumaas ang sulok ng labi ko at kumalat na naman ang init sa dibdib ko. Lavena can keep her fake paper and her loud mouth. Dahil sa huli, nasa akin ang katotohanan, at nasa akin ang puso ng lalaking pinag-aagawan nila. ✧✧✧ Kakatapos ko lang ubusin ang huling patak ng chamomile tea nang biglang sunod-sunod na nag-vibrate ang phone ni Malachi sa ibabaw ng marmol na mesa. Mom Calling... Nagkatinginan kaming dalawa. Walang emosyon ang mukha ni Malachi habang nakatitig sa screen. Hinayaan lang niya itong mag-ring hanggang sa mamatay. Pero wala pang limang segundo, umilaw na naman ito. Dad Calling... "Hindi mo ba sasagutin?" tanong ko habang hinihilot ang sentido ko. Madalas na nga sumasakit ang ulo ko dahil sa stress, dagdagan pa nito. "Baka importante." "Ang importante lang sa kanila ay kung bakit ko iniwan ang asawa ko sa gitna ng gala para itakas ang kabít ko," walang ganang sagot ni Malachi at pinindot niya ang silent button. Pero parang may sariling buhay ang cellphone niya, sunod-sunod ang pasok ng mga text messages mula kay Lavena. Kahit mula sa kinauupuan ko, kita ko ang previews sa lock screen. Lavena: Malachi, where are you?! Pinapahiya mo ako sa mga bisita! Lavena: Come back here right now! Your parents are furious! Lavena: Don't tell me kasama mo na naman ang hampaslupang babaeng 'yon?! Napairap na lang ako nang palihim. Ang lakas talaga ng loob mag-inarte ng babaeng 'to, akala mo naman may pinanghahawakang totoo. Akmang isasara na ni Malachi ang notifications nang biglang tumunog ulit ang phone niya, pero sa pagkakataong ito, iba ang ringtone. Mas malumanay, at agad na lumambot ang seryosong mukha ng asawa ko. Grandpa Calling... "Now, this one I'm answering," nakangiting sabi ni Malachi bago pinindot ang accept at inilagay sa loudspeaker. "Hello, Grandpa?" "Malachi, apo! Nabalitaan ko na ang nangyari sa gala!" dumagundong ang malakas at buhay na buhay na boses ni Don Alejandro sa buong kusina. "Aba'y magaling! Tama lang na iniwan mo ang maingay na babaeng 'yon. Nasa tabi mo ba ang apo kong si Mishaela?" Napangiti ako at lumapit nang kaunti sa phone. "Good evening po, Lolo." "Mishaela, hija! Naku, pasensya ka na sa katangahan ng anak at manugang ko, ha? Sinabi ko naman sa'yo, kung gusto mo, bukas na bukas din ipapakaladkad ko na 'yang Lavena na 'yan palabas ng kumpanya!" "Alejandro, huwag mo ngang tinuturuan ng marahas ang apo natin!" singit naman ng malambing pero may pagkamataray na boses ni Lola Carmen sa kabilang linya. "Mishaela, darling, puntahan niyo kami rito sa ancestral mansion bukas ng hapon for afternoon tea. Nagpa-bake ako ng paborito mong mango tart. At huwag na huwag mong dadalhin 'yang mag-asawang Rafael at Victoria, Malachi, kung ayaw niyong paghahampasin ko sila ng baston ko!" Napahagalpak ako nang malakas. Kahit kailan talaga, walang preno ang bibig nina Lolo at Lola pagdating sa sarili nilang anak at manugang. "Opo, Lola. Pupunta po kami bukas," sagot ko na may ngiti sa labi. ✧✧✧ Kinabukasan ng hapon, pagpasok pa lang namin ni Malachi sa malawak na garden gazebo ng Montemayor ancestral mansion, sinalubong na agad kami ng mahigpit na yakap ni Lola Carmen at ng malakas na tawa ni Lolo Alejandro. Kung itrato ako nina Don Rafael at Donya Victoria ay parang basahan sa labas ng pínto, dito sa ancestral house, pakiramdam ko ay isa akong reyna. Ang mga katulong ay yumuyuko at bumabati sa akin ng "Good afternoon, Madam Mishaela," habang naka-set up ang mamahaling English tea set sa gitna ng garden. "Naku, tingnan mo nga naman ang apo ko," hinawakan ni Lola Carmen ang magkabilang kamay ko at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Kahit simpleng sundress lang ang suot, ang ganda-ganda pa rin! Hindi katulad nung isa diyan na nagmumukhang Christmas tree sa dami ng pekeng alahas." "Lola!" natatawang saway ni Malachi habang inaalalayan akong umupo. "Totoo naman!" sabat ni Lolo Alejandro habang nagsasalin ng tsaa sa tasa ko, siya mismo ang nagsisilbi sa akin, bagay na ikinagugulat pa rin ng mga bagong bodyguard sa paligid. "Kainin mo na 'yang mango tart, Mishaela. Pinagawa ko 'yan sa chef para mabawasan ang stress mo kagabi. Narinig ko sinabuyan ka raw ng wine nung impaktang Lavena na 'yon?" Napabuntong-hininga ako at kumuha ng isang piraso. "Okay lang naman po, Lo. Hindi naman ako nasaktan." "Aba, kahit na. Kung nandoon lang ako kagabi, ibinuhos ko sa ulo niya ang buong fountain ng hotel." gigil na sabi ni Lolo, sabay baling kay Malachi nang nakakunot ang noo. "At ikaw naman, Malachi! Bilis-bilisan mo na 'yang pag-iimbestiga mo. Nangangati na ang kamay kong ilabas sa vault ang original marriage certificate niyo ni Mishaela. Gusto ko nang makita ang mukha ng tatay mo kapag nalaman niyang wala siyang kapangyarihan sa pamilyang 'to." "Malapit na, Grandpa. Next month, pipirma na sila sa huling kontrata," kalmadong sagot ni Malachi, sabay akbay sa upuan ko. "Kapag nakuha ko na ang kopya, kayo mismo ni Grandma ang mag-aanunsyo sa buong board." "Dapat lang," sumimsim ng tsaa si Lola Carmen, saka tumingin sa akin nang may pilyang ngiti. "By the way, Mishaela, apo... dalawang taon na kayong kasal. Kailan niyo ba kami bibigyan ng apo sa tuhod? Tumitingin na ako ng mga baby cribs online." Muntik na akong mabulunan sa iniinom kong tsaa. Ramdam ko ang biglang pag-init ng buong mukha ko hanggang tainga. "L-Lola naman..." Si Malachi naman, imbes na tulungan akong magpaliwanag, ngumisi lang nang nakakaloko at pinisil ang balikat ko. "Don't worry, Grandma. Kapag natapos 'tong gulo next month, sisiguraduhin kong hindi na kami lalabas ng kwarto ni Mishaela." "Malachi!" siniko ko siya sa tagiliran habang humahagalpak ng tawa sina Lolo Alejandro at Lola Carmen. Sa gitna ng tawanan namin sa gazebo, napangiti na lang ako. Kahit gaano karami ang galit sa akin sa labas ng mansion na 'to, sapat na sa akin na alam kong nasa panig ko ang dalawang pinakamakapangyarihang tao sa pamilya Ventura.Mishaela's point of view "Anong kaguluhan ito?!" Dumagundong ang matinis na boses ni Donya Victoria habang mabilis na naglalakad palapit, kasunod ang nakakunot-noong si Don Rafael. Pagkakita pa lang nila kay Lavena na mukhang basang sisiw at tadtad ng mantsa ng red wine ang mukha at dibdib, nanlaki agad ang mga mata ng matanda. "Mom! Dad!" agad na humagulgol si Lavena, sabay turo sa akin gamit ang nanginginig at malagkit niyang daliri. Tsk. Drama queen talaga ang babaeng 'to. Ano bang nakikita ng mga magulang ni Malachi at gustong-gusto nila ang bruhang 'to? "Si Mishaela! Sinadya niya akong itulak para matapon sa akin ang wine ko! Pinapahiya niya ako sa harap ng mga bisita!" "Wala kang kahihiyan!" sigaw ni Donya Victoria, sabay harang sa daraanan ko. Tiningnan niya ako nang may matinding pandidiri mula ulo hanggang paa. "Hindi ka na nakuntento sa pagsira sa pamilya namin, ngayon naman ay nananakit ka na?! Security! Palabasin niyo ang hampaslúpang babaeng 'to!" Napangisi lang ako
Mishaela's point of view Huminga ako nang malalim bago bumaba mula sa balcony. Tapos na ang drama ko sa itaas. Kung akala ni Lavena ay magmumukmok lang ako sa sulok habang nagpapakasasa siya sa pekeng titulo niya, nagkakamali siya.Pagpasok ko sa malawak na main hall, agad akong nagtungo sa cocktail bar para kumuha ng sparkling water. Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng midnight-blue satin dress, hindi kasing-garbo ng red gown ni Lavena, pero sapat naman na para magmukha akong disente at hindi mukhang desperada sa atensyon.Pero syempre, hindi kumpleto ang gabi kung walang bubuyog na lalapit."Well, well, well... look who decided to crawl out of the shadows," sabi ng matinis na boses mula sa likuran ko.Paglingon ko, naroon na si Lavena, may hawak na naman na baso ng red wine, habang nakasunod sa kanya ang dalawang socialite friends niya na pare-parehong nakataas ang kilay. Tsk. Ang pangit talaga lagi ng dating niya.Inilapag ko nang marahan ang baso ko sa bar counter, saka tiningn
Mishaela's point of view Isang linggo ang lumipas, ngunit para bang ang bawat araw ay may bitbit na mabigat na bakal sa aking dibdib. Ngayong gabi ang napakalaking corporate anniversary banquet ng Ventura Group, isang mandatory, high-profile event kung saan sapilitang pinapapunta ang bawat miyembro ng pamilya at ang kani-kanilang mga asawa para magpanggap na magkaisa sa harap ng daan-daang press.Bago pa man kami humakbang palabas ng VIP lounge patungo sa nagniningning na red carpet, naramdaman ko na ang panlalamig ng aking mga kamay. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng pangamba, dalawang pamilyar at mainit na kamay ang humawak sa magkabilang braso ko.Napalingon ako at nakatayo na roon sina Lolo Alejandro at Lola Carmen. Ang mukha ng lolo ay puno ng matinding pag-aalala, habang ang mga mata ni lola ay nangingilid ang luha."Mishaela, apo ko..." basag ang boses na tawag ni Lola Carmen habang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga daliri ko. "Alam namin... alam naming napakabigat at
Mishaela's point of view "Dalawang taon na tayong kasal, Mishaela," mariing panimula ni Malachi at may halong bigat pa ang boses. "Two years since we signed that marriage contract in front of Grandpa and Grandma. Legal na legal 'yun. Nakarehistro pa nga sa gobyerno. Ikaw lang ang nag-iisang Mrs. Ventura." Binaba ko ang kutsara ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Alam ko, Chi. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon." "Pero tignan mo ang nangyayari," mapait siyang ngumiti, bakas ang frustration sa mga mata niya. Hinahagod ko lang ng tuluyan ang kamay niya. Ganito na siya kapag nag-rarant. "Ano ba 'yang marriage certificate na ipinagmamalaki ni Lavena sa media? It's a complete fake. Gawa-gawa lang naman nina Dad at Mom para linlangin ang publiko at maikasa ang merger sa kumpanya ng pamilya ni Lavena. They forged signatures, bribed officials, lahat na lang ginawa nila para lang magmukhang siya ang legal wife." "At alam kong hindi mo sila pinapatulan dahil may mas malaki
Mishaela's point of view "Sweetheart..." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag ni Malachi, puno rin 'to ng pag-aalala at galit na pinigilan niya kanina pa. Agad niyang binitawan ang pulso ko at maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Mainit ang mga palad niya kumpara sa nanlalamig kong mukha. "Are you okay? Nasaktan ka ba nila? Did my mom touch you?" sunod-sunod niyang tanong, habang sinusuri ng mga mata niya ang bawat pulgada ng mukha ko na parang chine-check kung may galos ako. Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng kimi sa kanya, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, makakahinga na ako nang maluwag. "I'm fine, Chi. Wine lang 'to. Hindi naman umabot 'yung sampal ng mama mo." "Damn it," mahinang mura niya, sabay pikit nang mariin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, pinapakalma ang sarili. "I told you to wait for me in the car. Dapat hindi ka na bumaba mag-isa. Seeing them humiliate you like that in front of everyone... ku
Mishaela's point of view Nanginginig ang dulo ng mga daliri ko habang nakahawak sa strap ng clutch bag ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng Grand Imperial Ballroom, at sa bigat ng mga matang nakatitig sa akin mula pa nang tumapak ako sa red carpet. Suot ko lang ang isang simpleng cream-colored midi dress. Sa gitna ng mga babaeng balot ng mamahaling alahas at couture gowns, nagmumukha akong ligaw na pusa na nakapasok sa palasyo ng mga leon. "Excuse me, coming through," mahinang sabi ko habang umiiwas sa mga waiter na may bitbit na champagne flutes. Kailangan ko lang maibigay itong velvet box sa organizer ng charity auction at makaalis na bago pa lumala ang sakit ng ulo ko. Pero bago pa ako makalapit sa main stage, isang matinis na boses ang pumunit sa mahinang tugtog ng orchestra. "How dare you show your face here?!" Splash. Napasinghap ako nang bumuhos ang malamig at malagkit na red wine mula sa balikat ko pababa sa dibdib ng cream d







