“At ano namang magagawa mong bakla ka?” maangas na tanong ni Hendrix kay Darius.Napakunot ang noo ko at agad na pumagitna sa kanilang dalawa. If Darius is my hero, I will be his hero too. Hindi ko pababayaan ang aking bekibels.“Puwede ba, Hendrix, huwag ka na diyan mag-assume na gusto pa kita. And yes, he’s gay, but still, narinig mo naman mula sa kanya, hindi ba? Sumang-ayon na siyang pakasalan ako, bakit ba ipinagpipilitan mo pa ring ikaw ang gusto kong pakasalan?” galit na sabi ko sa kanya.“Vanessa, nag-aalala lang si Hendrix sa kaibigan niyang si Darius!” singit ni Tricia bago napalitan ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Sabagay, you look good together. Isang baboy at isang bading—BB, in short, parehas bobo! Kaya hayaan na natin sila sa gusto nila, Hendrix.”Sa paulit-ulit nilang pagpipilit na si Hendrix ang pipiliin ko, napagod na lang din ako. Tumingin ako kay Mr. Dawson at hindi na binigyang-pansin pa si Tricia.“Mr. Dawson, I hope you respect my decision. As you can see, muk
Última actualización : 2026-11-02 Leer más