LOGIN“At ano namang magagawa mong bakla ka?” maangas na tanong ni Hendrix kay Darius.
Napakunot ang noo ko at agad na pumagitna sa kanilang dalawa. If Darius is my hero, I will be his hero too. Hindi ko pababayaan ang aking bekibels.
“Puwede ba, Hendrix, huwag ka na diyan mag-assume na gusto pa kita. And yes, he’s gay, but still, narinig mo naman mula sa kanya, hindi ba? Sumang-ayon na siyang pakasalan ako, bakit ba ipinagpipilitan mo pa ring ikaw ang gusto kong pakasalan?” galit na sabi ko sa kanya.
“Vanessa, nag-aalala lang si Hendrix sa kaibigan niyang si Darius!” singit ni Tricia bago napalitan ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Sabagay, you look good together. Isang baboy at isang bading—BB, in short, parehas bobo! Kaya hayaan na natin sila sa gusto nila, Hendrix.”
Sa paulit-ulit nilang pagpipilit na si Hendrix ang pipiliin ko, napagod na lang din ako. Tumingin ako kay Mr. Dawson at hindi na binigyang-pansin pa si Tricia.
“Mr. Dawson, I hope you respect my decision. As you can see, mukhang pumayag na rin naman si Darius, so I hope you will give your blessing sa aming dalawa.”
Kinakabahan man ay pinilit kong maging kalmado. Kailangan kong gawin ang lahat para baguhin ang mga nangyari noon; kailangan kong gawin ang lahat para maprotektahan ang lahat ng mayroon ako ngayon.
“If it is what you want, pumapayag ako.”
Tumayo siya, senyales na aalis na siya, habang si Mommy naman ay naiwang nakaupo sa sofa. “Mauna na ako, honey,” paalam nito kay Mommy bago ito hinalikan sa noo.‘How sweet… kung ganun din sana siya sa kaisa-isang anak niya,’ sabi ko sa aking isipan habang nakatingin pa rin sa kanila ni Mommy.
“Pagsisisihan mo ito, Vanessa! Alam kong ginagawa mo lang ito para magpapansin sa akin. Pero dahil sa kahihiyang ginawa mo sa akin, kahit bilhan mo pa ako ng isang isla, hinding-hindi kita pipiliin,” madiin na sabi ni Hendrix sa akin kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.
Palibhasa’y nasanay na sa tuwing humihingi ako ng sorry sa kanya at binibilhan ko siya ng mga mamahaling gamit mapatawad lang ako. P’wes, ngayon hinding-hindi na ito mangyayari.
Umalis siya sa aking harapan, kasunod nito si Tricia at ang kanyang Mommy at Daddy. Rinig na rinig ang pagkabog ng mga paa niya hanggang sa makalayo siya sa amin.
“Darry, I’m sorry nadamay ka pa,” agad kong sabi kay Darius habang nakanguso.
Darry—ito ang tawag ko sa kanya noong maging mas malapit kami sa past life ko.
Hindi niya ako pinansin, walang emosyon ang kanyang mukha. Umiling siya bago lumayas sa harapan ko. Ngayon, ang natira na lang sa living room ng mansiyon namin ay ako, si Mommy, at ang ilang mga katulong.
‘It’s fine, siguro nagulat lang din siya. Hindi naman niya alam na ganito ang mangyayari. Siguradong maging siya ay inaasahan na rin na si Hendrix ang pipiliin kong pakasalan at hindi siya. Pero hinding-hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon.’
Nakangiti akong lumapit kay Mommy, tumabi ako sa kanya sa sofa at yumakap sa kanyang braso.
“My precious daughter, sigurado ka na ba sa desisyon mo? I mean, I’m not against your decision, but… masaya ka ba?” mahinahong tanong ni Mommy habang mahigpit at puno ng pagmamahal na hawak ang aking kamay.
“Opo, Mommy, huwag mo akong alalahanin. Mabait po si Darius, alam ko at sigurado akong hindi niya ako sasaktan. Hinding-hindi ko po pagsisisihan ang desisyon kong ito.”
Ngumiti siya sa akin nang makita kung gaano ako kadesidido. Alam kong hanggang ngayon, maging si Mommy ay hindi naniniwala na tinigilan ko na talaga si Hendrix. Sigurado ako r’on.
“Napakatigas ng ulo mo, anak. Pero kahit na ganun, nandito lang ako para sa ‘yo, palagi. Ganun din ang Daddy mo; hindi mo lang alam, pero sobra-sobra ang pag-aalala niya sa ‘yo. Kaya sana ngayon, hindi na ito isang klase ng pakana mo lang para magpapansin kay Hendrix dahil siguradong malulungkot ang Daddy mo,” malumanay na sabi ni Mommy sa akin.
Napanguso naman ako; hindi pa talaga sila naniniwala sa akin. Pero kahit na ganun, masaya ako dahil this time, magagawa ko nang baguhin ang takbo ng buhay ko.
“Manang, puwede bang pakikuha ng red box doon sa bedside table? Nakapatong doon,” mahinahong pakisuyo ni Mommy kay Manang. Tumango naman ito bago umalis sa harapan namin.
“May ibibigay ako sa ‘yo, ‘nak; ingatan mo ‘to. Galing ito kay Grandmother mo; ibinigay niya ito sa akin noong pakasalan ko ang Daddy mo, and in my opinion, it’s time to give it to you now,” nakangiting sabi ni Mommy sa akin. Saktong dumating naman si Manang dala-dala ang pinakuha ni Mommy. Binuksan ito ni Mommy at bumungad ang napakagandang kwintas.
“Halika, isusuot ko sa ‘yo,” sabi ni Mommy, tumayo, at nagtungo sa likuran ko. “I don’t know if you really meant what you said earlier, but I hope you’ll find happiness in everything you do. Always remember, nandito kami palagi ng Daddy mo.”
“Don’t worry, Mom, hindi na ito isang paraan para magpapansin sa lalaking iyon,” taas-noo kong sabi sa kanya habang hinahawakan ang pendant ng kwintas na isinuot niya sa akin. “Oo nga pala, Mommy, ngayon… kailangan ko na bang tumuloy kina Darius?” nag-aalinlangang tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at napatawa. “Ikaw talaga, oo naman! Dahil ganun ang tradisyon natin. Sa oras na nakapagdesisyon ka na, kailangan mo nang sumama sa lalaking napili mong pakasalan.”
‘Eh? Alam kong aware si Darius sa tradisyon na ‘to, pero bakit hindi niya ako inintay o isinama pauwi?’ halos mapangiwing tanong ko sa aking sarili.
“Damn, why are you still there? Let’s go.”
ITUTULOY
Vanessa’s Point of View“Darius, sumama ka muna sa akin, may kailangan tayong pag-usapan,” seryosong wika ni Daddy gamit ang kanyang mababa at pormal na tono.“W-wait, Mr. Dawson, walang kasalanan si Darry—I mean, Darius! He didn’t even know na siya ang pipiliin ko!” mabilis kong saad habang nag-papanik na hinawakan ang kanang braso ni Darius.I don’t know if I’m just seeing things, pero tila may dumaang malalim na lungkot sa mga mata ni Mr. Dawson nang sabihin ko iyon. Bakit kaya? Baka naman mas gusto niya talaga si Hendrix para sa akin noon para sa negosyo... hinding-hindi ako papayag!Dumapo ang tingin niya sa kamay ko na mahigpit na nakakapit sa braso ng aking fiancé.“Don’t worry, I don’t bite humans,” malamig at kibit-balikat na sabi ni Mr. Dawson sa akin habang pinipigilan ang pag-angat ng gilid ng labi niya.Dahan-dahan namang inalis ni Darius ang kamay ko mula sa braso niya. “I’ll be back,” bulong nito, bago biglang kinuha ang aking palad at dinala sa kanyang mga labi para ha
Third Person's Point of View“Sis, kailangan ko nang tumakbo! Babalikan kita bukas, bye!” sigaw ni Vanessa kay Kiesha nang lumabas ito mula sa locker room, hulas sa pawis pero mabilis pa sa alas-kuwatro kung kumilos.Naiwan namang umiling-iling si Kiesha habang nakatingin sa direksyon kung saan unti-unting naglaho ang kaibigan. “Anong babalikan bukas, aalis na rin naman ako. Itong babaeng ‘to talaga! Hay naku!” naiiling na bulalas ni Kiesha sa sarili.Hindi nagtagal ay lumapit sa kanya si Coach Yhomer, may suot na maliit na ngiti sa labi. “Emergency?” tanong nito kay Kiesha habang nakatingin sa bakanteng pasilyo. “Nahh… siguro sinundo lang ng kanyang fiance,” kibit-balikat na sagot ni Kiesha bago naglakad patungo rin sa locker room para magbihis.Naiwang nakatayo si Yhomer at nakatitig sa pinto kung saan lumabas si Vanessa. Ang mga mata nito ay may kakaibang ekspresyon—may bahagyang pagkaulila o pagka-intriga. Ngunit para saan? At para kanino kaya?Sa kabilang banda…Pagbukas na pagbu
Vanessa’s Point of View“Buti pinayagan ka ng asawa—ng fiance mo,” nakangiting bungad sa akin ni Kiesha habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Kahit may sarili naman akong kotse at driver, ipinagpilitan talaga ng gaga na sunduin ako sa mismong mansyon ni Darius.“Yes naman! Medyo galit nga lang ata siguro kasi akala niya aagawan ko siya ng lalaki,” sagot ko habang nag-aayos ng buhok sa rearview mirror. “Like, hello? Hindi naman siya mauubusan ng lalaki sa ganda niyang 'yan, noh! Nagseselos lang 'yon kasi baka maunahan ko siyang makipag-close sa bagong coach.”Natatawa namang napapailing si Kiesha sa akin. “Ewan ko sa'yo, Vanessa. Baka balang araw magulat ka na lang sa mga teorya mo.”Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Powerjobs Gym. Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa napakalawak at kumpletong pasilidad, agad na kaming sinalubong ng isang matangkad na lalaki.He’s tall—pero kung tutuusin, mas matangkad pa rin at mas malapad ang balikat ng bekibels kong fiance na si Darius. Gwa
Vanessa’s Point of ViewPagod na pagod akong dumiretso sa kwarto ko pagkausap ko kay Darius sa garden kanina. Dahil sa haba ng araw at sa inis na dinanas ko kina Hendrix at Tricia sa mall, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nang mahimbing habang nakadamit pa.Nagising na lamang ako nang may kumatok nang sunud-sunod sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko, ang isa sa mga kasambahay ay nag-aabang na may dalang ngiti.“Ma’am Vanessa, pinatatawag na po kayo ni Sir Darius sa baba para mag-dinner. Kanina pa po kayo naghihintay sa dining table,” magalang na sabi ni Manang.“Ay, sige po! Sunod na ako,” sagot ko habang kinukusot pa ang mga mata ko.Agad akong nag-ayos nang kaunti bago bumaba. Pagdating ko sa malawak na dining area, nadatnan ko si Darius na nakaupo habang nakataas na naman ang isa nitong kilay—ang paborito niyang porma kapag naiinip o gustong manermon.“Aba, buti naman at nagising ka pa sa mahimbing mong pagkakatulog? Akala ko patay ka na sa taas,” bungad agad nito sa akin h
Vanessa’s Point of View Inis na inis pa rin ako habang nakaupo sa paborito naming coffee shop ni Kiesha malapit sa mall. Muntik na akong masuka sa kaartehan nina Hendrix at Tricia kanina. Buti na lang at hila-hila na ako palayo ni Kiesha bago pa ako makapatay ng buhay sa araw na ‘to. Nag-order si Kiesha ng paborito naming iced caramel macchiato at isang slice ng cheesecake para pampakalma sa nag-uumapaw naming high blood. “Girl, hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa mukha nung Tricia na ‘yon! Sarap ipamigay sa junk shop kasama nung Hendrix na feeling gwapo!” asik ni Kiesha habang padarag na ibinaba ang baso sa lamesa. Natawa ako nang mahina, kahit paano ay nabawasan ang inis ko dahil sa reaksyon niya. Inabot ko ang kamay niya at ngumiti nang tipid. “Salamat, Kiesha ha. Pasensya ka na kung nadadamay ka lagi sa mga kaululan ko noon. Salamat dahil hindi mo ako iniwan kahit kailan,” seryosong sabi ko. Totoo ‘yon. Naalala ko sa past life ko, never din akong iniwan ni Kiesha. No
Vanessa’s Point of View“This is my first time eating this food,” wika ni Darius habang seryosong nakatitig sa plato ng sardinas na hinaluan ko ng itlog at kamatis. Ngunit kahit sinabi niya ‘yon, hindi pa rin tumigil ang kutsara niya sa pagsubo. Para siyang batang napilitang kumain pero noong natikman ay na-in love agad sa sarap.Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang napapailing. “Oh, diba? Sabi ko sa’yo, masarap ‘to. Ituturo ko sa mga kasambahay mo kung paano lutuin ‘to kapag nagustuhan mo pa,” mahinahon kong wika, habang nag-uumapaw ang tuwa sa puso ko.“No– I mean, I want you to cook this for me again next time,” nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.Sino ba naman ang hindi matutuwa? Imagine, na-convert ko agad ang angas at pagiging cold ng aking gay best friend sa simpleng sardinas dish! Napansin ko pa ang mga katulong sa gilid na nagbubulungan at nagtataka—syempre, ngayon lang nila nakitang ganun kaganado kumain ang boss nila.“Darry, hinay-hinay lang. Sige ka, baka mamay



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



