INICIAR SESIÓNVanessa’s Point of View
Lahat ay natigilan at nagulat sa isinigaw ko. Hindi makapaniwala ang lahat dahil alam ng pamilya kung gaano ko kamahal si Hendrix. Pero ngayon, halos ipagsigawan ko na gusto kong makasal sa aking best friend—na isang bading pa?
“Damn! Are you stupid?” galit na asik ni Hendrix sa akin. “I didn’t know na ganito ka kadesperada sa pagpapapansin sa akin. Magpapakasal ka sa isang bading to get back at me? Sa tingin mo ba hahabulin kita? Never in your wildest dreams, Vanessa!” Walang kaabog-abog na sabi ni Hendrix habang bakas sa mukha nito ang labis na kaarogantehan.
“I changed my mind. I don’t want you anymore. Mas gusto ko na si best—I mean, si Darius. I want him... only him.”
“Are you sure? I thought you didn’t get along well?” tanong ni Mr. Dawson sa akin.
“Well, he’s my best friend… and I know na hindi niya ako sasaktan kahit anong mangyari!” sagot ko sa kanya.
But he only became my best friend in my previous life. Ang totoo ay laging kaming magkabangayan ni Darius sa lahat ng bagay dahil ayaw na ayaw nito ang ginagawa kong paghahabol kay Hendrix. Only to find out na nagseselos pala siya sa akin, dahil type niya si Hendrix. Nalaman ko lang ang lahat ng ito dahil naging mag-best friend kami ni Darius pagkatapos kong makasal kay Hendrix. And that’s when I found out he was gay, kaya pala never naging threat si Darius kay Hendrix noon; ako lang ang huli na nakaalam na bading ito.
“Wala ka na ba talagang maisip na ibang tactics, Vanessa? Sinasabi mo lang iyan para makuha ang atensyon ni Hendrix sa akin, tama ako diba?”
Ang gulo naman nila. Bakit ba mas magaling pa sila? Hindi nga si Hendrix ang aking gusto, ayoko nang maulit pa iyong pinagdaanan ko—panaginip man ito o totoong past life ko.
“Alam ko… alam naming lahat na naririto kung gaano mo ako kamahal. Kung gaano ka kapatay na patay sa akin. Pero dahil sa ginagawa mo, mas lalong hindi mo makukuha ang atensyon ko. Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito sa mga delusion mo!” Hinawakan ni Hendrix ang braso ko; mahigpit ang pagkakahawak niya rito at kita ko ang pamumula ng balat ko senyales ng diin ng kanyang kapit. “Itatak mo ito sa kokote mo, kahit kailan hindi ako nagkaroon ng paki sa ‘yo. Ayukong sayangin ang buhay ko sa isang tabachoy na katulad mo! Ano lang bang alam mo? Kumain? Maghabol? At ano? Magmakaawa na ikaw ang piliin ko, na pumayag ako na pakasalan ka? Mahiya ka naman, Vanessa!”
Hindi ko mapigilang mapangisi bago hinablot ang aking braso mula sa kanya. Nabitawan niya ako pero hindi nito inaalis ang kanyang titig sa akin.
“I only want Darius, siya lang ang gusto ko. Total isa siya sa aking playmates, it means kasama siya sa choices, am I right, Mr. Dawson?” taas-noo kong sabi sa kanila.
“Yes, but—fine. Do what you want,” tila sumusukong sagot niya sa akin.
Kinindatan ko si Darius; hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero bahala na si Batman. Nakita ko ang gulat sa kanyang malalamig na mga mata. Napakagwapo niya talaga. Bakit ngayon ko lang narealize? I was blindly in love with Hendrix before, kaya hindi ko nakikita sa aking harapan ang mga good items, tsk.
Sa nakaraang buhay ko, siya ang palaging nandiyan para sa akin at tumulong sa akin. Noong magpakasal kaming dalawa ni Hendrix, nakuha ng pamilya niya ang lahat ng ari-arian namin na pinaghirapang itaguyod ng aking mga lolo. At ngayon, hindi ko hahayaan na may kahit katiting na mawala sa akin, sa amin ng pamilya ko.
“What the hell? Huwag kayong maniwala sa baboy na ‘to! Takaw-atensyon lang ang babaeng ito!”
Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo niya? Hindi ko nga siya gusto, at hinding-hindi ko na siya magugustuhan pa.
“Buo na ang desisyon ko, Mr. Dawson. I only want Darius as my groom. Kaya kung maaari sana ay makuha ko ang inyong basbas para sa aming dalawa.”
Hindi ko alam ngunit tila nakita ko ang pagdaan ng pagkaamaze sa mga mata ni Mr. Dawson. Pero baka namamalikmata lang ako. Bakit naman siya maaamaze sa anak niyang palpak, hindi ba? Akmang magsasalita na siya nang biglang humagulhol ng iyak si Tricia.
“V-Vanessa… I know you hate me… but hindi mo naman kailangang gumamit ng ibang tao para magpapansin kay Hendrix… dahil kahit anong gawin mo, hindi ka niya pipiliin,” umiiyak na sabi niya sa akin. “At dahil doon, mas lalo akong naaawa sa ‘yo. Ganyan na nga ang itsura mo… desperada ka pa.”
“Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Tricia. Tanggapin n’yo na lang ang desisyon ko. Masyado kang mapagpanggap. Akala mo mauubusan ka ng lalaki, p’wes simula ngayon, sa ‘yong-sa ‘yo na ‘yang Hendrix mo! Lamunin mo ng buo. At isa pa, ayokong marinig mula sa inyo na kinukuha ko lang ang atensyon ni Hendrix; nag-aaksaya lang tayo ng oras dito. My decision is final!”
Sa sobrang inis ko sa kanya, pakiramdam ko namumula na ang matataba kong pisngi. Sino ba naman kasing hindi maiinis? Sobrang mapagpanggap. ‘Yung mga sinasabi niya parang lason na ibinalot sa balat ng candy.
Agad na lumapit si Hendrix sa kanya at niyakap ito. Napakaarte. Hay nakuuu!
“Masama ba ako, baby? Wala naman akong ginagawang mali, diba? Bakit ang sasakit ng mga sinabi niya sa akin? Nag-aalala lang naman ako para kay Darius dahil kaibigan mo siya at ayukong gamitin lang siya ni Vanessa,” sabay hagulhol nito sa dibdib ni Hendrix.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nagtama ang tingin namin ni Hendrix nang lumingon siya sa akin. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa labis na galit. Hay naku! Sige lang, magalit ka lang hanggang mamatay ka sa galit.
“Vanessa! Ang sama-sama na nga ng itsura mo, napakapangit pa ng ugali mo! Palagi mo na lang pinaiiyak si Tricia! Humingi ka ng tawad sa kanya, ngayon din!” may diin na sigaw niya sa akin.
Napataas ang aking kilay at hindi makapaniwalang itinuro ang sarili ko.
“Ako? Bakit? Anong ginawa ko sa baby-ngotan mong ‘yan? Wow! Kasalanan ko na ngayon na umiyak siya dahil gusto niya? NEVER!” pagtataas ko rin ng boses sa kanya.
Napapikit naman ako nang itaas niya ang kanyang kamay. Diyos ko, isang sampal lang at pababagsakin ko ang buong pamilya nila!
Ngunit ilang segundo na akong nakapikit at wala pa ring dumadapong sampal sa aking mukha kaya binuksan ko na ang aking mga mata.
I saw someone’s broad shoulder. Nasa harapan ko ito na tila pinoprotektahan ako.
“That’s enough, tanggapin na lang natin ang naging desisyon ni Van,” kalmadong sabi ng taong nasa harapan ko.
Doon ko lang napagtanto na si Darius pala ito. Hawak-hawak niya ang kamay ni Hendrix na dapat ay tatama sa pisngi ko.
“She’s mine now, kaya wala kang karapatan na hawakan o saktan siya. Kahit kailan.”
Nanlalaki ang mga mata kong napahawak sa aking dibdib; parang tumibok nang mabilis ang aking puso matapos niyang sabihin iyon.
ITUTULOY
Third Person's Point of View“Sis, kailangan ko nang tumakbo! Babalikan kita bukas, bye!” sigaw ni Vanessa kay Kiesha nang lumabas ito mula sa locker room, hulas sa pawis pero mabilis pa sa alas-kuwatro kung kumilos.Naiwan namang umiling-iling si Kiesha habang nakatingin sa direksyon kung saan unti-unting naglaho ang kaibigan. “Anong babalikan bukas, aalis na rin naman ako. Itong babaeng ‘to talaga! Hay naku!” naiiling na bulalas ni Kiesha sa sarili.Hindi nagtagal ay lumapit sa kanya si Coach Yhomer, may suot na maliit na ngiti sa labi. “Emergency?” tanong nito kay Kiesha habang nakatingin sa bakanteng pasilyo. “Nahh… siguro sinundo lang ng kanyang fiance,” kibit-balikat na sagot ni Kiesha bago naglakad patungo rin sa locker room para magbihis.Naiwang nakatayo si Yhomer at nakatitig sa pinto kung saan lumabas si Vanessa. Ang mga mata nito ay may kakaibang ekspresyon—may bahagyang pagkaulila o pagka-intriga. Ngunit para saan? At para kanino kaya?Sa kabilang banda…Pagbukas na pagbu
Vanessa’s Point of View“Buti pinayagan ka ng asawa—ng fiance mo,” nakangiting bungad sa akin ni Kiesha habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Kahit may sarili naman akong kotse at driver, ipinagpilitan talaga ng gaga na sunduin ako sa mismong mansyon ni Darius.“Yes naman! Medyo galit nga lang ata siguro kasi akala niya aagawan ko siya ng lalaki,” sagot ko habang nag-aayos ng buhok sa rearview mirror. “Like, hello? Hindi naman siya mauubusan ng lalaki sa ganda niyang 'yan, noh! Nagseselos lang 'yon kasi baka maunahan ko siyang makipag-close sa bagong coach.”Natatawa namang napapailing si Kiesha sa akin. “Ewan ko sa'yo, Vanessa. Baka balang araw magulat ka na lang sa mga teorya mo.”Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Powerjobs Gym. Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa napakalawak at kumpletong pasilidad, agad na kaming sinalubong ng isang matangkad na lalaki.He’s tall—pero kung tutuusin, mas matangkad pa rin at mas malapad ang balikat ng bekibels kong fiance na si Darius. Gwa
Vanessa’s Point of ViewPagod na pagod akong dumiretso sa kwarto ko pagkausap ko kay Darius sa garden kanina. Dahil sa haba ng araw at sa inis na dinanas ko kina Hendrix at Tricia sa mall, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nang mahimbing habang nakadamit pa.Nagising na lamang ako nang may kumatok nang sunud-sunod sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko, ang isa sa mga kasambahay ay nag-aabang na may dalang ngiti.“Ma’am Vanessa, pinatatawag na po kayo ni Sir Darius sa baba para mag-dinner. Kanina pa po kayo naghihintay sa dining table,” magalang na sabi ni Manang.“Ay, sige po! Sunod na ako,” sagot ko habang kinukusot pa ang mga mata ko.Agad akong nag-ayos nang kaunti bago bumaba. Pagdating ko sa malawak na dining area, nadatnan ko si Darius na nakaupo habang nakataas na naman ang isa nitong kilay—ang paborito niyang porma kapag naiinip o gustong manermon.“Aba, buti naman at nagising ka pa sa mahimbing mong pagkakatulog? Akala ko patay ka na sa taas,” bungad agad nito sa akin h
Vanessa’s Point of View Inis na inis pa rin ako habang nakaupo sa paborito naming coffee shop ni Kiesha malapit sa mall. Muntik na akong masuka sa kaartehan nina Hendrix at Tricia kanina. Buti na lang at hila-hila na ako palayo ni Kiesha bago pa ako makapatay ng buhay sa araw na ‘to. Nag-order si Kiesha ng paborito naming iced caramel macchiato at isang slice ng cheesecake para pampakalma sa nag-uumapaw naming high blood. “Girl, hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa mukha nung Tricia na ‘yon! Sarap ipamigay sa junk shop kasama nung Hendrix na feeling gwapo!” asik ni Kiesha habang padarag na ibinaba ang baso sa lamesa. Natawa ako nang mahina, kahit paano ay nabawasan ang inis ko dahil sa reaksyon niya. Inabot ko ang kamay niya at ngumiti nang tipid. “Salamat, Kiesha ha. Pasensya ka na kung nadadamay ka lagi sa mga kaululan ko noon. Salamat dahil hindi mo ako iniwan kahit kailan,” seryosong sabi ko. Totoo ‘yon. Naalala ko sa past life ko, never din akong iniwan ni Kiesha. No
Vanessa’s Point of View“This is my first time eating this food,” wika ni Darius habang seryosong nakatitig sa plato ng sardinas na hinaluan ko ng itlog at kamatis. Ngunit kahit sinabi niya ‘yon, hindi pa rin tumigil ang kutsara niya sa pagsubo. Para siyang batang napilitang kumain pero noong natikman ay na-in love agad sa sarap.Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang napapailing. “Oh, diba? Sabi ko sa’yo, masarap ‘to. Ituturo ko sa mga kasambahay mo kung paano lutuin ‘to kapag nagustuhan mo pa,” mahinahon kong wika, habang nag-uumapaw ang tuwa sa puso ko.“No– I mean, I want you to cook this for me again next time,” nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.Sino ba naman ang hindi matutuwa? Imagine, na-convert ko agad ang angas at pagiging cold ng aking gay best friend sa simpleng sardinas dish! Napansin ko pa ang mga katulong sa gilid na nagbubulungan at nagtataka—syempre, ngayon lang nila nakitang ganun kaganado kumain ang boss nila.“Darry, hinay-hinay lang. Sige ka, baka mamay
Vanessa’s Point of ViewPagpasok pa lang namin sa malaki at eleganteng mansyon ni Darius, naging pamilyar agad sa akin ang bawat sulok nito. Hindi na ako nagulat sa mga katulong at personal staff na sumalubong sa amin—dahil sa huling buhay ko, narito na rin ako minsan.Liningon ko si Darius na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang coat. May bahagyangitim sa ilalim ng mga mata nito at halata ang pagod sa kanyang mukha.“Just feel at home, matutulog muna ako, may jetlag pa ako,” maikling sabi niya habang humihikab nang bahagya.Doon ko lang narealize... Hala. Agad nga palang lumipad pauwi si Darius mula sa States nang malaman niyang nakatakda na ang araw ng pagpili ko ng mapapangasawa! Mabuti na lang at umuwi siya agad. Kung hindi, baka natuloy ang kasal ko sa hunghang na Hendrix na ‘yon. Sobrang swerte ko talaga at umabot siya.“Sige na, Darry! Magpahinga ka na. Ako na ang bahala rito,” nakangiting sabi ko sa kanya.Agad siyang umakyat sa masters bedroom habang ako naman ay naiwan sa malaw







