LOGINVanessa’s Point of View
“Dmn, why are you still there? Let’s go.”
Nakita ko si Darius na nakasimangot na nakatingin sa akin bago lumipat ang tingin kay Mommy. "Tita—I mean, Mom, kunin ko na po ang anak n'yong matigas ang ulo."
Natawa nang mahina si Mommy sabay takip ng bibig gamit ang kanyang kamay, habang ako naman ay halos malaglag ang panga sa gulat. Aba, aba! Anong 'Mom' agad ang tawag niya kay Mommy? Napaka-smooth ng bekibels ko!
“Sige, iho. Ingatan mo ang prinsesa namin ha? At ikaw Vanessa, huwag mo masyadong saktan o utos-utusan ang mapapangasawa mo,” nakangiting bilin ni Mommy habang makahulugang nakatingin sa aming dalawa.
“Huwag kayong mag-alala, Mom. Ako na po ang bahala sa kanya. Tutal, mabilis lang naman siyang utuin gamit ang pagkain, kaya madali ko siyang mapapaikot,” sarkastikong bulong ni Darius sa gilid ko bago ako hinila sa braso palabas ng living room.
“Hoy! Anong sabi mo? Sinong mabilis utuin ha?!” singhal ko habang nagmamadaling humahakbang para sabayan ang mahahaba niyang mga binti. “At tsaka kailan ka pa natutong tumawag na 'Mom' kay Mommy? Ang kapal ng mukha mo, Darry!”
Binitawan niya ang braso ko paglabas namin sa pintuan at hinarap ako nang may nakataas na kilay. Napakagwapo niya talaga kahit kailan—kahit noong nag-aaway kami sa past life ko, hindi ko maikakailang artista ang peg ng lalaking ito. Ang kaso, ang sungit-sungit! Parang laging pinag-iinitan ng mundo.
“Una sa lahat, aksidente ang pagtawag ko ng 'Mom' na iyon, okay? Nadala lang ako sa momentum ng delusional serye na pinasok mo,” asik niya habang binubuksan ang p***o ng kanyang mamahaling itim na sports car. “Pangalawa, anong kalokohan na naman ba ang pumasok sa kokote mo at ako pa talaga ang napili mong ipakasal sa sarili mo? Wala ka bang matinong maisip, Vanessa? Anong klaseng laro na naman ba 'to para magpapansin sa Hendrix na 'yon?”
Sumakay na rin ako sa passenger seat habang nakasimangot. Pagkapasok na pagkapasok niya sa driver's seat ay agad ko siyang hinarap.
“Anong kalokohan ka diyan? Sinabi ko na ngang gusto ko na siyang layuan! Ayoko na kay Hendrix, period. No more chasing, no more kat*angahan!” depensa ko. “Tsaka anong masama kung ikaw ang pinili ko? Ikaw ang best friend ko, diba? Edi 'best friends to lovers' ang peg natin! Very modern romance lang.”
Napapikit si Darius at napahilot sa kanyang pelote habang mahigpit na hinawakan ang manibela.
“Best friends to lovers? Baliw ka ba? Sinong nagsabi sa’yong…—I mean, alam mong hindi kita pwedeng maging girlfriend o asawa!” mabilis na bawi niya habang medyo naiilang ang tingin. “At isa pa, babae ka! Babae ang type ko... I mean, lalaki! Argh, bwisit! Ang gulo mo kasi kausap!”
Napatitig ako sa kanya habang nakatagilid ang ulo ko. Ganyan talaga kapag bagong out o naguguluhan pa sa identity, nabulol pa ang lolo mo! Hahaha, cute.
“Eh ano naman ngayon kung bading ka? Pwede naman tayong maging platonic married couple! Living under one roof, chikahan sa gabi tungkol sa mga pinapanood nating K-drama, tapos kanya-kanya tayong buhay pagdating sa personal matters! Perfect arrangement, diba?” nakangiting suhestiyon ko pa, sabay kindat sa kanya.
Tiningnan niya ako nang napakalalim. Yung mga titig niyang diretso sa mata ko na tila gustong basahin ang buong kaluluwa ko.
“Platonic?” sarkastikong ulit niya, sabay halakhak nang mahina na tila bang naiinis na ewan. “Vanessa, gaano ba katigas yang ulo mo? Sa tingin mo ba talaga matitiis kitang kasama sa iisang bahay nang parang wala lang? Sa dinami-dami ng taon na pinanood kitang magpakagago sa ibang lalaki... tingin mo ba laro lang 'to para sa akin?”
Kumunot ang noo ko. Ano raw? Pinanood akong magpakagago kay Hendrix? Ah, sabagay! Nagseselos nga pala siya no’n kasi type niya si Hendrix sa past life ko! Kawawa naman pala ang bekibels ko, nasasaktan sa unrequited love niya kay Hendrix.
“Naintindihan kita, Darry. Masakit talaga kapag ang gusto mo ay may gustong iba. Pero huwag kang mag-alala! Simula ngayon, tutulungan kitang makapag-move on kay Hendrix!” buong tiwala kong sabi sabay tapik sa balikat niya.
Napatunganga si Darius sa akin. Para siyang nawalan ng lakas ng loob at napasandal na lang sa kanyang upuan, bago bumuntong-hininga nang napakalalim.
“Diyos ko, tutulungan mo 'ko? Ang tanga mo talaga kahit kailan, Vanessa,” bulong niya sa sarili habang pinalalabas ang sasakyan sa gate.
“Hoy, narinig ko 'yon!” asik ko.
“Manahimik ka diyan at mag-seatbelt. Tutal ikaw ang nagdesisyon nito, panindigan mo. Dahil sisiguraduhin kong sa bahay ko... hindi ka makakatakas sa akin.”
ITUTULOY
Vanessa’s Point of View“Darius, sumama ka muna sa akin, may kailangan tayong pag-usapan,” seryosong wika ni Daddy gamit ang kanyang mababa at pormal na tono.“W-wait, Mr. Dawson, walang kasalanan si Darry—I mean, Darius! He didn’t even know na siya ang pipiliin ko!” mabilis kong saad habang nag-papanik na hinawakan ang kanang braso ni Darius.I don’t know if I’m just seeing things, pero tila may dumaang malalim na lungkot sa mga mata ni Mr. Dawson nang sabihin ko iyon. Bakit kaya? Baka naman mas gusto niya talaga si Hendrix para sa akin noon para sa negosyo... hinding-hindi ako papayag!Dumapo ang tingin niya sa kamay ko na mahigpit na nakakapit sa braso ng aking fiancé.“Don’t worry, I don’t bite humans,” malamig at kibit-balikat na sabi ni Mr. Dawson sa akin habang pinipigilan ang pag-angat ng gilid ng labi niya.Dahan-dahan namang inalis ni Darius ang kamay ko mula sa braso niya. “I’ll be back,” bulong nito, bago biglang kinuha ang aking palad at dinala sa kanyang mga labi para ha
Third Person's Point of View“Sis, kailangan ko nang tumakbo! Babalikan kita bukas, bye!” sigaw ni Vanessa kay Kiesha nang lumabas ito mula sa locker room, hulas sa pawis pero mabilis pa sa alas-kuwatro kung kumilos.Naiwan namang umiling-iling si Kiesha habang nakatingin sa direksyon kung saan unti-unting naglaho ang kaibigan. “Anong babalikan bukas, aalis na rin naman ako. Itong babaeng ‘to talaga! Hay naku!” naiiling na bulalas ni Kiesha sa sarili.Hindi nagtagal ay lumapit sa kanya si Coach Yhomer, may suot na maliit na ngiti sa labi. “Emergency?” tanong nito kay Kiesha habang nakatingin sa bakanteng pasilyo. “Nahh… siguro sinundo lang ng kanyang fiance,” kibit-balikat na sagot ni Kiesha bago naglakad patungo rin sa locker room para magbihis.Naiwang nakatayo si Yhomer at nakatitig sa pinto kung saan lumabas si Vanessa. Ang mga mata nito ay may kakaibang ekspresyon—may bahagyang pagkaulila o pagka-intriga. Ngunit para saan? At para kanino kaya?Sa kabilang banda…Pagbukas na pagbu
Vanessa’s Point of View“Buti pinayagan ka ng asawa—ng fiance mo,” nakangiting bungad sa akin ni Kiesha habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Kahit may sarili naman akong kotse at driver, ipinagpilitan talaga ng gaga na sunduin ako sa mismong mansyon ni Darius.“Yes naman! Medyo galit nga lang ata siguro kasi akala niya aagawan ko siya ng lalaki,” sagot ko habang nag-aayos ng buhok sa rearview mirror. “Like, hello? Hindi naman siya mauubusan ng lalaki sa ganda niyang 'yan, noh! Nagseselos lang 'yon kasi baka maunahan ko siyang makipag-close sa bagong coach.”Natatawa namang napapailing si Kiesha sa akin. “Ewan ko sa'yo, Vanessa. Baka balang araw magulat ka na lang sa mga teorya mo.”Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Powerjobs Gym. Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa napakalawak at kumpletong pasilidad, agad na kaming sinalubong ng isang matangkad na lalaki.He’s tall—pero kung tutuusin, mas matangkad pa rin at mas malapad ang balikat ng bekibels kong fiance na si Darius. Gwa
Vanessa’s Point of ViewPagod na pagod akong dumiretso sa kwarto ko pagkausap ko kay Darius sa garden kanina. Dahil sa haba ng araw at sa inis na dinanas ko kina Hendrix at Tricia sa mall, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nang mahimbing habang nakadamit pa.Nagising na lamang ako nang may kumatok nang sunud-sunod sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko, ang isa sa mga kasambahay ay nag-aabang na may dalang ngiti.“Ma’am Vanessa, pinatatawag na po kayo ni Sir Darius sa baba para mag-dinner. Kanina pa po kayo naghihintay sa dining table,” magalang na sabi ni Manang.“Ay, sige po! Sunod na ako,” sagot ko habang kinukusot pa ang mga mata ko.Agad akong nag-ayos nang kaunti bago bumaba. Pagdating ko sa malawak na dining area, nadatnan ko si Darius na nakaupo habang nakataas na naman ang isa nitong kilay—ang paborito niyang porma kapag naiinip o gustong manermon.“Aba, buti naman at nagising ka pa sa mahimbing mong pagkakatulog? Akala ko patay ka na sa taas,” bungad agad nito sa akin h
Vanessa’s Point of View Inis na inis pa rin ako habang nakaupo sa paborito naming coffee shop ni Kiesha malapit sa mall. Muntik na akong masuka sa kaartehan nina Hendrix at Tricia kanina. Buti na lang at hila-hila na ako palayo ni Kiesha bago pa ako makapatay ng buhay sa araw na ‘to. Nag-order si Kiesha ng paborito naming iced caramel macchiato at isang slice ng cheesecake para pampakalma sa nag-uumapaw naming high blood. “Girl, hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa mukha nung Tricia na ‘yon! Sarap ipamigay sa junk shop kasama nung Hendrix na feeling gwapo!” asik ni Kiesha habang padarag na ibinaba ang baso sa lamesa. Natawa ako nang mahina, kahit paano ay nabawasan ang inis ko dahil sa reaksyon niya. Inabot ko ang kamay niya at ngumiti nang tipid. “Salamat, Kiesha ha. Pasensya ka na kung nadadamay ka lagi sa mga kaululan ko noon. Salamat dahil hindi mo ako iniwan kahit kailan,” seryosong sabi ko. Totoo ‘yon. Naalala ko sa past life ko, never din akong iniwan ni Kiesha. No
Vanessa’s Point of View“This is my first time eating this food,” wika ni Darius habang seryosong nakatitig sa plato ng sardinas na hinaluan ko ng itlog at kamatis. Ngunit kahit sinabi niya ‘yon, hindi pa rin tumigil ang kutsara niya sa pagsubo. Para siyang batang napilitang kumain pero noong natikman ay na-in love agad sa sarap.Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang napapailing. “Oh, diba? Sabi ko sa’yo, masarap ‘to. Ituturo ko sa mga kasambahay mo kung paano lutuin ‘to kapag nagustuhan mo pa,” mahinahon kong wika, habang nag-uumapaw ang tuwa sa puso ko.“No– I mean, I want you to cook this for me again next time,” nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.Sino ba naman ang hindi matutuwa? Imagine, na-convert ko agad ang angas at pagiging cold ng aking gay best friend sa simpleng sardinas dish! Napansin ko pa ang mga katulong sa gilid na nagbubulungan at nagtataka—syempre, ngayon lang nila nakitang ganun kaganado kumain ang boss nila.“Darry, hinay-hinay lang. Sige ka, baka mamay







