Hindi agad inanunsiyo ang resulta matapos ang huling demonstrasyon.Matapos ang sunod-sunod na tanong mula sa mga hurado, pinabalik muna ang bawat pangkat sa kani-kanilang upuan habang nagpupulong ang mga tagasuri. Sa malaking bulwagan, maririnig ang mahinang usapan ng mga mag-aaral, guro, at magulang. May ilang batang halatang kinakabahan. Ang iba naman ay abala sa pagkuha ng litrato ng kanilang mga proyekto.Sa tabi ng mesa kung saan nakalagay ang Project Hope Plus, nakaupo sina Isabella, Alexander, Nathan, at Camille.Hindi mapakali si Camille. Paulit-ulit niyang inaayos ang gilid ng kanilang poster kahit wala namang kailangang ayusin.“Sa tingin ninyo, may pag-asa pa tayo?” tanong niya.“Of course,” sagot ni Nathan habang nakatingin sa kanilang prototype. “Hindi naman ibig sabihin na nagkaproblema tayo sa sensor ay wala na tayong laban.”“Pero hindi natin nagawa ang buong demonstration na gaya ng plano,” sabi ni Alexander.Tumingin sa kaniya si Isabella.“Hindi ba sinabi natin na
Last Updated : 2026-11-04 Read more