ANG MALAKING engrandeng bulwagan ng hotel ay puno ng mga tanyag na negosyante, pulitiko, at mga socialites. Ang string quartet ay tumutugtog ng mahinang classical music, at ang mga kristal na chandeliers ay nagbibigay ng marangyang kinang sa buong paligid.Gaya ng nakagawian, nakatayo si Geia sa tabi ni Jaylord. Suot ang isang makintab at eleganteng itim na evening gown, nagmistula siyang anino at perpektong harang ng kanyang boss laban sa mga kababaihang kanina pa nagpaplano kung paano makakalapit sa bilyonaryong CEO. Everyone in their circle knew Geia was his date not out of romance, but out of absolute convenience. Siya ang 'ultimate shield' nito."Miss Chan," nakangiting lumapit ang isang anak ng senador. "Is Mr. Lopez available for a short dance?"Bago pa man makasagot siya, malamig na nagsalita si Jaylord mula sa likuran niya, sumisimsim ng whiskey. "I don't dance. And I'm currently discussing important matters with my secretary. Excuse us."Napahiya ang babae at mabilis na luma
Last Updated : 2026-11-05 Read more