Zoe Zamora-Villamor’s POVPagpasok namin ni Sammy sa kanyang kwarto, pilit kong pinapanatili ang kalma sa aking mukha kahit na nararamdaman ko pa rin ang matinding antak at pangangapal ng pisngi ko. Umupo kami sa tabi ng malambot niyang kama. Kinuha niya ang paborito niyang stuffed toy at inilagay iyon sa kandungan niya habang nakatingin sa akin gamit ang kanyang malalaking inosenteng mata."Mommy, I heard you and Dad got married?"Napatigil ako sa biglaang tanong niya. Napatitig ako sa bata, bahagyang naudyok ang puso ko sa narinig."Why wasn't I invited? Am I not special to you?" malungkot at nakatungong tanong ni Sammy, habang pinaglalaruan ang mga daliri niya sa stuffed toy."No, Sammy. Don't think of it that way," pambabawi ko agad habang inayos ang buhok niya. "That was unplanned, kaya walang naging party. Gusto lang namin ni Daddy na bigyan ka ng happy family, because you are so special to us."Agad namang ngumiti si Sammy at mabilis na lumapit para yakapin ako. "Really, Mommy?
Last Updated : 2026-11-11 Read more