Zoe Zamora-Villamor’s POV"W-Wala, Nate. Nag-uusap lang kami. Uhm… dati kaming magkakilala," mabilis na pagtanggi ko kay Warren habang pilit na inaayos ang buhok ko at ang sarili ko, at nakita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito—mula sa pagiging desidido ay napalitan ito ng bahagyang kaba at pag-aalinlangan sa presensya ng taong kaharap namin.Hindi na nagtanong pa si Nate, pero ang titig niya kay Warren ay parang isang babala na kayang pumatay kahit walang sinasabi. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko bago tuluyang hinawakan ang siko ko para ilayo ako sa lalaking iyon."If that's so, I'll excuse my wife," malamig at may awtoridad na sabi ni Nate, sapat para tuluyang tikumin ang bibig ni Warren.Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang mainit at mahigpit na kamay ni Nate na dumampi sa likod ng bewang ko at marahang inilapit ako sa kanyang tagiliran. Ang simpleng galaw na iyon ay nagdala ng kakaibang depensa, init, at kapangyarihan sa pagkatao ko—parang si
Last Updated : 2026-11-11 Read more