Hindi makatulog si Amara ng gabing yun. Paulit-ulit niyang naiisip ang mukha ni Doña Elena kanina sa lobby. Yung pagtitig nito kay Liam. Yung tanong nito na, "Anak ba siya ni Rafael?" Halos mahuli na siya. Halos malaman na nila ang lihim niya. "Mommy, bakit gising ka pa?" Tanong ni Liam na lumabas ng kwarto niya, dala-dala ang kanyang teddy bear. "Hindi ka pa natutulog." "Okay lang si Mommy, baby. Nagwo-work lang," sagot ni Amara at niyakap si Liam. "Mommy, yung matandang babae kanina, sino siya? Bakit niya ako tinititigan?" Tanong ni Liam. "Yun si Doña Elena. Lola siya ng—" Natigilan si Amara. Muntik na niyang sabihin, "Lola mo." Buti na lang napigilan niya ang sarili niya. "Lola siya ng boss ni Mommy," pagtatapos niya. "Ah okay. Mabait ba siya?" Tanong ni Liam. "Hindi ko alam, baby. Matulog ka na." Pagkatapos patulugin si Liam, kinuha ni Amara ang kanyang phone at tinawagan si Denise. "Denise, nakita nila si Liam. Si Doña Elena, nakita niya si Liam. Alam kong nagdududa na
Last Updated : 2026-11-10 Read more