Dalawang araw na ang lumipas mula nung mahuli si Don Ricardo.Tahimik na ang mansion. Sa wakas, nakakatulog na ng mahimbing si Amara. Nakakalaro na ng walang takot si Liam at si Lucas sa garden. At si Rafael, sa unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo, nakangiti na ulit habang nagkakape sa terrace."Mama, tingnan mo! Nakagawa kami ng bahay-bahayan ni Lucas!" sigaw ni Liam, tumatakbo papunta kay Amara."Ang galing naman ng mga anak ko," sabi ni Amara, niyakap silang dalawa.Pero habang masaya sila, may isang bagay na hindi alam ni Amara. Sa kulungan, hindi tahimik si Don Ricardo.Kinagabihan, bumalik ulit yung babaeng nakaitim sa kulungan. Naka-black dress, naka-sunglasses kahit gabi, at may dalang isang folder."Ricardo, may dala akong magandang balita at masamang balita," sabi ng babae."Ano yung magandang balita?" tanong ni Don Ricardo, nakakapit sa rehas."Yung magandang balita, may tao pa rin akong nasa lo
Last Updated : 2026-11-17 Read more