Kinabukasan, maagang nag-impake si Amara. Lilipat na sila sa Villacorta mansion. Sa una, natatakot siya. Limang taon na ang nakalipas mula nung huli siyang tumapak sa bahay na yun. Maraming masasamang alaala ang bumalik sa kanya."Mommy, malaki ba yung bahay ni Daddy?" Tanong ni Liam, excited."Oo, baby. Sobrang laki. May garden pa dun. Pwede kang tumakbo ng tumakbo," sagot ni Amara, pilit ngumiti.Pagdating nila sa mansion, sinalubong sila ni Doña Elena. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Doña Elena si Amara ng mahigpit."Amara, anak. Patawarin mo ako. Limang taon kitang hinusgahan. Limang taon kong hinayaan na si Celine ang magdikta sa pamilyang to. Pero ngayon, nandito ka na. Bumalik ka na. At hindi na kita papabayaan," sabi ni Doña Elena, umiiyak.Naiyak din si Amara. "Mama, matagal ko na pong gustong bumalik. Pero natakot po ako na hindi niyo ako tanggapin.""Anak, ikaw ang pamilya namin. Ikaw at si Liam," sagot ni Doña Elena.Lumapit si Liam kay Doña Elena. "Lola, ikaw po ba yung
Last Updated : 2026-11-10 Read more