Isang birthday celebration. Isang basong wine. At isang gabing magiging simula ng pinakamalaking pagbabago sa buhay ko.Maaga kong ipinagdiwang ang aking kaarawan sa isang exclusive bar kasama ang ilan sa aking mga kaibigan at katrabaho. Masaya ang lahat, ngunit ilang beses ko pa ring sinilip ang cellphone ko, umaasang darating ang fiancé kong si Adrian. Ilang oras na ang lumipas, ngunit wala pa rin siya. Muli akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya."I'm sorry, baby. Something came up at work. I promise I'll make it up to you. Just wait for your surprise. Don't go home early. Make your day memorable, and don't worry, I have a special surprise for you."Napangiti ako at agad na nag-reply."You better make it worth the wait."Kahit nadismaya, pinili kong intindihin siya. Alam kong marami siyang responsibilidad sa trabaho at ayaw kong sirain ang gabing pinaghirapan ding ihanda ng mga kaibigan ko. Ilang sandali pa ay lumapit ang isang staff member at naglagay ng basong wine sa harap
Last Updated : 2026-11-12 Read more