LOGIN
Isang birthday celebration. Isang basong wine. At isang gabing magiging simula ng pinakamalaking pagbabago sa buhay ko.
Maaga kong ipinagdiwang ang aking kaarawan sa isang exclusive bar kasama ang ilan sa aking mga kaibigan at katrabaho. Masaya ang lahat, ngunit ilang beses ko pa ring sinilip ang cellphone ko, umaasang darating ang fiancé kong si Adrian. Ilang oras na ang lumipas, ngunit wala pa rin siya. Muli akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya. "I'm sorry, baby. Something came up at work. I promise I'll make it up to you. Just wait for your surprise. Don't go home early. Make your day memorable, and don't worry, I have a special surprise for you." Napangiti ako at agad na nag-reply. "You better make it worth the wait." Kahit nadismaya, pinili kong intindihin siya. Alam kong marami siyang responsibilidad sa trabaho at ayaw kong sirain ang gabing pinaghirapan ding ihanda ng mga kaibigan ko. Ilang sandali pa ay lumapit ang isang staff member at naglagay ng basong wine sa harap ko. "Miss Sinclair, this is from Mr. Adrian. He said it's part of your birthday surprise." "From Adrian?" tanong ko pa nang may kaunting pagtataka. "Yes, ma'am," maikling sagot nito habang nakatayo pa sa harap ko, na tila hinihintay na maubos ko ang ibinigay nitong wine. "Thank you." Napangiti ako. Kahit hindi siya nakarating, naisip kong hindi niya pa rin nakalimutan ang kaarawan ko. Dahan-dahan kong ininom ang wine habang nakikisabay sa tawanan ng mga kaibigan ko, ngunit makalipas ang ilang minuto, biglang uminit ang aking katawan. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimulang lumabo ang paningin ko. "Lexi, are you okay?" tanong ng kaibigan ko. "I think I need some water." Uminom ako, ngunit hindi gumaan ang pakiramdam ko. Sa halip, lalo akong nahilo. "Are you sure you're fine?" "I just need to use the restroom." Tumayo ako at napahawak sa mesa. Isang baso lamang ang nainom ko, kaya bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa akin? Bilang isang taong sanay makinig sa sariling katawan, alam kong hindi normal ang nararamdaman ko. Something was wrong kaya’t magpaalam ako sa mga kaibigan ko at naglakad patungo sa restroom. Ngunit bago pa ako makarating doon, may lalaking biglang humawak sa braso ko. "Where are you going, sweetheart?" Napalingon ako. Hindi ko siya kilala. "Let go of me," wika ko habang nagpupumiglas kahit nanghihina na ang katawan ko. "Come with me." "I said, let go!" Sinubukan kong kumawala, ngunit mas humigpit ang pagkakahawak niya. "Stop making a scene." "Don't touch me!" Sa desperasyon kong makawala, hinablot ko ang bote ng wine na nasa tabi ko at buong lakas na inihampas iyon sa ulo niya. "Fucking hell!" Napaatras siya at agad kong sinamantala ang pagkakataong makawala. Tumakbo ako nang hindi lumilingon. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko, ngunit mas nangingibabaw ang takot na baka maabutan niya ako. Sa dulo ng hallway ay may napansin akong bahagyang nakabukas na p***o. Agad akong pumasok at ni-lock iyon. Hindi ko maramdaman ang pagpatak ng aking mga luha. Gusto kong umiyak, ngunit mas nangingibabaw ang takot at desperasyon kong makatakas mula sa lalaking iyon. Nang humarap ako, natigilan ako. May isang lalaking nakatayo malapit sa malaking bintana. Matangkad, malapad ang balikat, at nakasuot ng mamahaling itim na suit. Dahan-dahan siyang lumingon. "Who the hell are you?" tanong niya. "I'm sorry. I didn't know someone was here." "Then get out." May malakas na kumatok sa p***o. "Open the door!" Agad akong napalingon. "Please, help me!" Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Why should I?" "There's a man chasing me. He tried to take me!" "And you thought hiding in my room was a good idea?" "I don't know! Please, just let me stay here." Muli niya akong tiningnan. "Are you drunk?" "No. Someone put something in my drink. I can barely stand." "What did you drink?" "Wine. Just one glass." Bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse, napalapit ako sa kaniya at kumapit sa harap ng kaniyang suit. "Please, help me." "Miss, step away." Ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sa sobrang takot at pagkalito, bigla ko siyang hinalikan, hindi nagtagal ay naramdaman kong bahagya niya akong inilayo sa kaniya. "What the fuck are you doing?" "I'm sorry..." "Do you even know what you're doing?" Umiling ako. Hindi ko na kayang ituon nang maayos ang paningin ko sa mukha niya. "Please, don't let him take me." "Who?" "The man outside. He won't let me go." "Why is he after you?" "I don't know! I've never seen him before." Muli akong napakapit sa kaniyang damit. "I'll pay you. Whatever you want, I'll give it to you. Just don't hand me over to him." Napatingin siya sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa kaniyang suit. "Do you think I need your money?" "I don't know what else to offer you. I just need your help." Muling kumatok nang malakas sa p***o. "Open this fucking door!" galit na sigaw ng lalaking kanina pa naghahabol sa akin. Napalingon ang lalaki sa direksiyon ng p***o. "Is that the man?" Tumango ako. "Stay here." Nang bahagya siyang lumapit sa p***o, agad akong napahawak sa kaniyang braso. "Please, don't open it." Huminto siya at malamig akong tiningnan. "I said stay here. I didn't say I was opening the door." Napabitaw ako sa kaniya. Nang bumukas ang ilaw sa silid, mas malinaw kong nakita ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil kilalang-kilala ko siya. Isa siya sa mga makapangyarihang taong kinatatakutan at iginagalang sa mundo ng negosyo—si Damon Vaughn. Kilala siya bilang isang ruthless billionaire na walang sinumang maglalakas-loob na suwayin. "Mr. Vaughn..." mahinang sambit ko. "You know me?" "You're Damon Vaughn." "At least you know who you're dealing with." Gusto kong lumayo. Sa lahat ng taong maaari kong hingan ng tulong, bakit siya pa? Hindi ako dapat napunta sa pribadong silid ng isang lalaking tulad niya. "Please... don't be angry." Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. "You're in my private room, you kissed me without permission, and now you're asking me not to be angry?" "I'm sorry. I didn't mean to." "Then what exactly do you want from me?" "Help me." Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya muling nagsalita. "What's your name?" "Lexi..." "Your full name." "Lexi Sinclair." "Listen carefully, Miss Sinclair. No one is taking you out of this room unless I say so." Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. "Thank you..." "Don't thank me yet." Bago pa ako makasagot, tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko. Mabilis niya akong nasalo bago ako tuluyang bumagsak.Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang biglang nanlamig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan ang pamilyar na pigurang ilang taon kong pilit iniiwasang alalahanin. Hindi ko inakalang makikita ko siyang muli, lalo na sa mismong bahay ng aking mga magulang.Mabilis akong umatras mula sa bintana at nagmadaling bumalik sa aking kuwarto. Maingat kong isinara ang pinto, ngunit iniwan ko itong bahagyang nakabukas upang marinig ang anumang pag-uusapan sa sala. Ilang sandali pa, narinig ko ang pagbukas ng pangunahing pinto.“Good evening, Mr. Vaughn. It's an honor to have you here.”“Good evening.”Maikli lamang ang naging tugon ni Damon bago tuluyang pumasok. Maging ang aking ama ay tila nag-iingat sa bawat kilos habang inaakay ang bisita patungo sa sala.“Please, come in. I hope your journey here wasn't too inconvenient.”“I'm here for business. Let's not waste time on unnecessary pleasantries.”Agad na tumango ang aking ama. Inalalayan niya si Damon na maupo bago bumalik sa kan
Maingat kong hinawakan ang kamay ni Bea bago tuluyang lumabas. Sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, babalik ako sa lungsod na minsan kong tinakasan. Hindi na bilang isang babaeng sugatan dahil sa pagtataksil ng lalaking minahal ko. Hindi na rin bilang isang babaeng natakot sa posibilidad na malaman ng ama ng aking anak ang tungkol sa kaniya.Kundi bilang isang babaeng natutong bumangon nang mag-isa. Pagdating namin sa lungsod, hindi ko naiwasang mapatingin sa mga pamilyar na gusali at kalsadang minsan ko nang dinaanan bago tuluyang umalis.Maraming bagay ang nagbago sa loob ng anim na taon. May mga bagong establisimyento, mas matataas na gusali, at mas maraming sasakyang dumaraan sa mga kalsadang dating pamilyar sa akin. Ngunit may mga lugar ding nanatiling halos katulad ng dati.Kasabay ng bawat tanawing nakikita ko ay ang mga alaalang pilit kong ibinaon sa nakaraan. Ang gabing nalaman ko ang pagtataksil ni Adrian. Ang gabing nakilala ko si Damon. At ang mga sumunod na pang
Hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lamang ang posibilidad na patuloy pa rin akong hinahanap ni Damon. Minsan, naiisip ko kung bakit hindi niya na lamang ako tuluyang kinalimutan. Marami na siguro siyang nakilalang babae sa loob ng anim na taon, ngunit hindi ko maiwasang isipin kung bakit tila may mga katanungang iniwan sa kaniya ang bigla kong pagkawala. Hindi siya mukhang isang lalaking sanay na may bagay na hindi niya kayang tuklasin o kontrolin. Kaya minsan, naiisip kong maaaring hindi pa rin siya sumusuko sa paghahanap ng mga kasagutang hindi niya nakuha mula sa akin.Sa loob ng anim na taon, habang maaaring abala siya sa paghahanap sa akin, tahimik ko namang ipinagpatuloy ang buhay ko kasama si Bea. Hindi ko kailanman inakalang ang lalaking iniwan ko ay maaari pa ring naghahanap ng kasagutan tungkol sa gabing iyon. Hindi ko alam kung naaalala pa rin niya ang pangalan ko o kung minsan ay sumasagi pa rin sa isip niya ang babaeng bigla na lamang naglaho sa kaniyang buhay.Marahi
Sa bawat check-up at ultrasound, lalo kong nararamdaman ang pagmamahal sa batang lumalaki sa aking sinapupunan. Unti-unti kong tinanggap na hindi ko kailangang magkaroon ng lalaking kasama upang mabigyan siya ng masayang pamilya. Maaaring hindi kumpleto ang pamilyang bubuuin namin ayon sa nakasanayan ng iba, ngunit sisiguraduhin kong hindi siya magkukulang sa pagmamahal.Handa akong gampanan ang parehong papel bilang ina at ama. Hindi ko hahayaang maramdaman niyang isa siyang batang hindi pinili o hindi minahal. Kung kinakailangan kong akuin ang lahat ng responsibilidad, gagawin ko iyon nang walang pag-aalinlangan.Hindi ko alam kung ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong tama ang naging desisyon kong lumayo. Ang alam ko lamang, mas nanaisin kong lumaki ang anak ko sa isang payak ngunit ligtas na tahanan kaysa sa isang mundong puno ng kapangyarihan, karahasan, at panganib.Lumipas ang mga buwan hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay at pinakakinatatakutan ko. Matapos ang
Wala siyang maisagot, kaya muli akong napatingin kay Sophia."And you. I trusted you.""Lexi, I'm sorry," mahinang sagot nito."Don't. I don't want to hear anything from either of you."Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin. Tinalikuran ko sila at nagtungo sa aking silid. Mabilis kong inilabas ang maleta at inilagay roon ang aking mga damit at mahahalagang dokumento. Pinilit kong pigilan ang mga luhang gustong pumatak, ngunit hindi ko napigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto."Lexi, where are you going?" tanong ni Adrian.Hindi ko na siya nilingon."Leaving.""Don't be unreasonable. We can talk about this.""There's nothing left to talk about.""You're my fiancée!"Napahinto ako at humarap sa kaniya."Not anymore.""Lexi—""Don't ever contact me again, Adrian. We're done."Kinuha ko ang aking maleta at dumaan sa harap niya nang hindi na lumilingon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ngunit ayaw ko nang manatili sa
"Fuck. Stay awake."Rinig kong sabi nito habang bakas pa sa mukha niya ang pagkabalisa."I can't...""What did you drink again?" tanong pa niya habang pinoproseso ang mga pangyayari. "Wine...""How much?""Just one glass."Mahigpit siyang napatingin sa akin bago bumaling sa pinto."Get me my head of security!""Yes, sir!""And find out who the bastard outside is. I want his identity!""Understood, sir!""Get a doctor here. Now!" nagmamadali niyang utos habang bakas ang pag-aalala sa mukha niya.Muli siyang bumaling sa akin. Pilit kong idinilat ang mga mata ko at nang makita kong nakatitig siya sa akin, may kung anong bumubulong sa isip ko. Sa sobrang desperasyon kong makaraos sa miserableng pakiramdam na iyon, inalok ko siyang babayaran ko siya o handa akong maglingkod sa kaniya kapalit ng tulong niya."Do you really want to do this?" tanong niya."Yes... Please, I will do everything. Just help me."Hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang mga labi sa aking labi, bago dahan-dahang







