Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at siniguradong walang nakatingin sa hallway. Naglakad ako papunta sa kabilang kwarto. Ito ang silid ng matapobre kong hipag na si Kathleen.Pagpasok ko sa walk-in closet niya, tama nga ang hinala ko. Punong-puno ito ng mga mamahaling designer dresses, sapatos, at mga alahas. Naghalungkat ako nang mabilis hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang kulay itim na strapped long dress na may magagandang ruffles sa laylayan.Isinuot ko ito agad. Sakto ang fit nito sa katawan ni Vanessa, at dahil sa itim na kulay nito, lumabas ang maputing balat at magandang kurba ng katawan niya. Para akong isang tunay na maharlika mula sa Hacienda Lin sa suot ko.Naupo ako sa harap ng vanity table at kinuha ang cellphone. Naalala ko ang mga video tutorial tungkol sa paglalagay ng make-up na napanood ko habang nagpapahinga ako sa ospital noong isang araw.Gamit ang talino at bilis ng kamay ko, maingat kong nilagyan ng make-up ang mukha ko. Matalas na kilay, smoke
Dernière mise à jour : 2026-11-17 Read More