Mag-log inTatlong araw ang lumipas mula nang puntahan ako ng magaling na si Calix sa ospital. Simula rin nang supalpalin ko ang matapobreng si Doña Clara sa telepono nang tumawag ito nang araw ding iyon, hindi na nagpakita pa ang kahit sino sa pamilya nila. Ngayon ay ang discharge day ko, at handa na akong umuwi para makaharap nang personal ang pamilya niyang mapangmata!
Paglabas ko ng ospital, nakita ko si Calix na nakasandal sa mamahaling sasakyan niya habang nakakapit sa braso niya si Cianne. Naglakad ako palapit sa kanila nang nakataas ang noo. Nitong mga nakaraang araw sa silid ko ay pinag-aaralan ko na ang pagsasalita nang ayon sa panahong ito. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hahayaan kong ang kaisipang galing kay Vanessa ang dumaloy sa akin. Marami naman akong natutunan sa mga alaala niya kahit ilang araw pa lang ang nakalipas. Pagkakita sa akin ni Cianne, agad itong umirap at mabilis na naglakad papunta sa front seat ng sasakyan, handa nang buksan ang p***o sa tabi ng driver's seat. Bigla namang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Maya bago ako umalis sa kwarto kanina. "Essa, huwag na huwag kang papayag na sa likod ka na naman uupo! Lagi mong iniiyak sa akin noon na parang driver at kabit ang nasa harap tapos ikaw na legal na asawa ang mukhang katulong sa backseat! Ngayong palaban ka na, agawin mo ang pwesto mo!" Napangisi ako. Tama si Maya. Ang trono ng legal na asawa ay hindi ibinibigay sa isang kerida. Kaya bago pa man mahawakan ni Cianne ang door handle ng front seat, binilisan ko ang lakad ko. Marahas kong sinagi ang balikat niya kaya napaatras siya, at mabilis kong binuksan ang p***o sabay upo sa passenger seat. "Aray! Ano ba, Vanessa?!" tili ni Cianne habang sapo ang balikat niya. "Ako ang uupo diyan! Lumipat ka sa likod!" Ibinaba ko ang bintana ng kotse at tinitigan siya nang malamig mula ulo hanggang paa. "Excuse me? Asawa ka ba? Sa pagkakaalam ko, ang legal na asawa ang umuupo sa harap, at ang mga kabit o alalay ay sa likuran. Kung ayaw mong sumakay sa backseat, maglakad ka." "Calix! Tingnan mo ang ginawa niya sa akin!" sumbong ni Cianne sabay papadyak na parang bata. Susugod na sana si Calix para palipatin ako, pero tinaasan ko lang siya ng kilay at tinitigan nang matalim. "Subukan mo akong palabasin dito, Calix, at tatawagan ko ngayon din ang HR department ng jewelry company niyo para ikwento kung paano mo binubugbog at pinagtataksilan ang asawa mo. Tingnan natin kung matuloy pa 'yang promotion mo." Natigilan si Calix at napamura nang mahina. Padabog siyang sumakay sa driver's seat, habang si Cianne naman ay halos umusok ang ilong sa inis habang padabog na sumakay sa backseat. Buong biyahe, tahimik lang ako sa harap habang nagpaparinig at nagdadabog si Cianne sa likod. Hindi ko siya pinansin. Ang sarap lang sa pakiramdam na unti-unting bawiin ang mga bagay na dapat ay sa katawang ito. Pagdating namin sa malaking gate ng mansyon ng mga Buenaventura, bumaba agad ako nang hindi hinihintay na pagbuksan. Pagpasok ko sa malaking p***o ng sala, agad akong sinalubong ng malakas na tugtugin at tawanan mula sa loob. Kumunot ang noo ko at natigilan ako sa nakita. Puno ng mga lobo, mamahaling bulaklak, at mga bisita ang buong lugar. Halos mga kamag-anak lang din nila ang naroroon, at sa gitna ng malaking backdrop ay nakasabit ang isang malaking banner. Congratulations! Soon-to-be Husband and Wife, Calix and Cianne! Napatanga ako nang ilang segundo bago gumuhit ang isang nakakainsultong smirk sa labi ko. Grabe! Ang bilis naman nilang mag-celebrate. Kakagaling ko lang sa aksidente at ni hindi pa napipirmahan ang divorce papers, pero nagpa-surprise engagement party na agad ang pamilya ni Calix para sa anak nila at sa kabit nito? Mabilis na pumasok sa sala si Cianne mula sa likod ko. Nawala agad ang simangot niya at halos maiyak siya sa tuwa habang isa-isang niyayakap ang mga kamag-anak ni Calix. Suot pa rin niya ang vintage ring na inagaw kay Vanessa, at kung umasta siya ay parang siya na ang totoong reyna ng pamamahay na ito. "Thank you so much, Tita Clara! Thank you rin, Kathleen! Hindi ko akalain na ipaghahanda niyo kami ni Calix ng ganito kagandang party!" malanding sabi ni Cianne habang nagpapahid ng pekeng luha habang katabi ang matapobreng kapatid ni Calix. "Syempre naman, hija!" sagot ni Doña Clara habang nakangisi nang malapad. "Ikaw ang bagay na mapangasawa ng anak ko, lalo na ngayong maipo-promote na siya bilang Sales Supervisor! Hindi katulad ng walang kwentang babaeng 'yon na puro kamalasan lang ang dala sa pamilya namin!" Nagtawanan ang lahat ng naroroon. Kumulo ang dugo ko. Sa Hacienda Lin, walang kahit sino ang naglakas-loob na ipahiya ako nang ganito. Ang makita na nagdiriwang ang mga lintang ito habang akala nila ay umiiyak sa sulok ang kawawang si Vanessa ay isang malaking insulto sa pagkatao ko. Humakbang ako papasok sa gitna ng sala, kaya unti-unting humina ang tawanan at napalingon silang lahat sa direksyon ko. "Ito na ang happiness niyo?" malakas kong tanong na umalingawngaw sa buong sala. "Pathetic." Natigilan ang lahat. Nanlaki ang mga mata ni Doña Clara at nabitawan naman ni Cianne ang hawak niyang baso ng wine na kaa-abot lang ni Kathleen, habang putlang-putla naman si Calix nang makita akong nakatayo sa harap nila. Naglakad ako palapit sa kanila nang nakataas ang noo, balewala ang benda sa noo ko at ang mga gasgas sa braso ko mula sa aksidente. "At sino ang may sabi na may magpapakasal?" tanong ko ulit habang tinitingnan sila isa-isa nang may matinding pandidiri. "Don't you all know that I didn't sign the divorce papers? Calix? Why not tell your delusional parents?" Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang matinding gulat. Inakala siguro nila na sa telepono lang ako matapang noong isang araw, kaya hindi nila inaasahan na haharapin ko sila nang harapan. Ang babaeng dati ay laging nakayuko at umiiyak, ngayon ay nakatitig sa kanila na parang handa silang lamunin lahat. "Umurong na ba ang mga dila niyo ngayon?" sita ko sa kanila sabay halukipkip. Nagdilim ang mukha ni Calix sa sobrang kahihiyan sa harap ng mga kamag-anak. Lumapit siya sa akin at akmang hihilain ako palayo para pigilan akong magsalita, pero agad ko siyang hinarangan ng kamay ko. "Stop, Calix!" matalas kong sabi. "Alam ko na ang sasabihin mo, so just shut up. Pero sige, tutal ay may party rito, aakyat na ako sa kwarto. I should wear my best dress para i-congratulate kayo!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tinalikuran ko silang lahat at naglakad ako paakyat sa hagdan nang may buong kompiyansa, ramdam na ramdam ang mga matang nakasunod sa likod ko. Pag-akyat ko sa second floor, agad na sumunod ang dalawang katulong papunta sa dulo ng hallway kung saan naroon ang kwarto ko. Akala ko ay tutulungan nila ako o magtatanong kung may kailangan ako. Pero pagliko ko sa may p***o, narinig ko silang nagbubulungan nang malakas at nagtatawanan. "Grabe, ang kapal talaga ng mukha ni Ma'am Vanessa, 'no?" bulong ng isa, na hindi ko mawari kung sino dahil nakatalikod ako sa kanila. "Nagtatapang-tapangan pa sa baba, eh palamunin lang naman siya rito." "Sinabi mo pa," gatong naman ng kasama nito. "Halatang-halata namang ayaw niyang makipaghiwalay kay Sir Calix dahil habol niya lang ang pera! Ang ungrateful niya sa pamilya ni Doña Clara, eh pinatira na nga siya rito nang libre!" Napapikit ako't naikuyom ang aking mga kamay, at saka dahan-dahan akong humarap sa kanilang dalawa. Sa sobrang inis ko, hindi na ako nagdalawang-isip. Lumapit ako sa kanila at binigyan ko ng tig-isang malakas na sampal sa pisngi ang dalawang tsismosang katulong. Napaatras ang dalawa habang sapo ang namumula nilang pisngi, gulat na gulat at hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Kayo ba ang amo rito?!" sigaw ko sa kanila nang may matinding awtoridad. "Baka nakakalimutan niyong muchacha lang kayo! Know your place! O baka gusto niyong mawalan ng trabaho?! I command you both to shut your mouths kapag nasa paligid ako!" Nanginginig sa takot na napayuko ang dalawa at hindi na nakapagsalita. Inirapan ko sila sabay tinalikuran at saka pumasok sa silid ni Vanessa. Ni-lock ko ang p***o at agad na binuksan ang malaking cabinet niya para maghanap ng maisusuot. Pero kumunot ang noo ko nang makita ang laman ng closet nito. Puro lumang blouse, kupas na palda, at mga murang damit na pambahay lang ang naroon. Mukhang walang kahit isang eleganteng damit ang babaeng ito! Nakakagigil talaga! Lahat ng pera ng asawa niya ay napunta sa luho ng nanay, ng kapatid, at ng kabit nito. Napahalakhak na lang ako nang mag-isa. Eh 'di kung walang matinong damit dito, kukuha ako sa iba.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at siniguradong walang nakatingin sa hallway. Naglakad ako papunta sa kabilang kwarto. Ito ang silid ng matapobre kong hipag na si Kathleen.Pagpasok ko sa walk-in closet niya, tama nga ang hinala ko. Punong-puno ito ng mga mamahaling designer dresses, sapatos, at mga alahas. Naghalungkat ako nang mabilis hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang kulay itim na strapped long dress na may magagandang ruffles sa laylayan.Isinuot ko ito agad. Sakto ang fit nito sa katawan ni Vanessa, at dahil sa itim na kulay nito, lumabas ang maputing balat at magandang kurba ng katawan niya. Para akong isang tunay na maharlika mula sa Hacienda Lin sa suot ko.Naupo ako sa harap ng vanity table at kinuha ang cellphone. Naalala ko ang mga video tutorial tungkol sa paglalagay ng make-up na napanood ko habang nagpapahinga ako sa ospital noong isang araw.Gamit ang talino at bilis ng kamay ko, maingat kong nilagyan ng make-up ang mukha ko. Matalas na kilay, smoke
Tatlong araw ang lumipas mula nang puntahan ako ng magaling na si Calix sa ospital. Simula rin nang supalpalin ko ang matapobreng si Doña Clara sa telepono nang tumawag ito nang araw ding iyon, hindi na nagpakita pa ang kahit sino sa pamilya nila. Ngayon ay ang discharge day ko, at handa na akong umuwi para makaharap nang personal ang pamilya niyang mapangmata!Paglabas ko ng ospital, nakita ko si Calix na nakasandal sa mamahaling sasakyan niya habang nakakapit sa braso niya si Cianne.Naglakad ako palapit sa kanila nang nakataas ang noo. Nitong mga nakaraang araw sa silid ko ay pinag-aaralan ko na ang pagsasalita nang ayon sa panahong ito. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hahayaan kong ang kaisipang galing kay Vanessa ang dumaloy sa akin. Marami naman akong natutunan sa mga alaala niya kahit ilang araw pa lang ang nakalipas.Pagkakita sa akin ni Cianne, agad itong umirap at mabilis na naglakad papunta sa front seat ng sasakyan, handa nang buksan ang pinto sa tabi ng driver's seat.B
Dalawang oras na ang nakalipas simula nang magising ako at natapos ko ring halungkatin ang lahat ng memorya ng totoong may-ari ng katawan kung nasaan ako ngayon.Pagmamay-ari ito ni Vanessa Buenaventura. At ako naman ay si Evelyn, ang ikalawang anak ng mahistrado mula sa Bayan ng Dever.Napangisi na lang ako habang nginunguya ang matamis na mansanas na hawak ko. Binuhos lang naman ng babaeng ito ang buong buhay niya sa pag-iyak at pagmamakaawa sa asawa niya at sa mga in-laws niya na tinatrato siyang parang basura.Nakakatawa pero sadyang kaawa-awa!Sa Hacienda Lin at sa buong bayan namin, ako lang ang pwedeng mangmaliit kanino man. Matalino ako at sanay akong laging nasusunod. Ngunit ang huling naalala ko bago ako mapunta rito ay isang malagim na pangyayari. Sariwa pa sa akin ang duguan kong katawang nakahandusay sa malamig na sahig ng mansyon namin matapos akong traydurin ng sarili kong pamilya.Kasabay ng biglang pagdilim ng langit dahil sa isang paglalaho ng araw, naalala ko pa ang







