Mag-log inDahan-dahan kong binuksan ang p***o ng kwarto at siniguradong walang nakatingin sa hallway. Naglakad ako papunta sa kabilang kwarto. Ito ang silid ng matapobre kong hipag na si Kathleen.
Pagpasok ko sa walk-in closet niya, tama nga ang hinala ko. Punong-puno ito ng mga mamahaling designer dresses, sapatos, at mga alahas. Naghalungkat ako nang mabilis hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang kulay itim na strapped long dress na may magagandang ruffles sa laylayan. Isinuot ko ito agad. Sakto ang fit nito sa katawan ni Vanessa, at dahil sa itim na kulay nito, lumabas ang maputing balat at magandang kurba ng katawan niya. Para akong isang tunay na maharlika mula sa Hacienda Lin sa suot ko. Naupo ako sa harap ng vanity table at kinuha ang cellphone. Naalala ko ang mga video tutorial tungkol sa paglalagay ng make-up na napanood ko habang nagpapahinga ako sa ospital noong isang araw. Gamit ang talino at bilis ng kamay ko, maingat kong nilagyan ng make-up ang mukha ko. Matalas na kilay, smokey eyes, at pulang-pulang lipstick ang inilagay ko na bumagay sa itim kong gown. Kahit ako ay namangha sa sarili nang tumingin ako sa salamin. Ang dating mukhang kawawa at haggard na si Vanessa ay nagmukhang isang mapanganib at napakagandang diyosa. Pumaikot-ikot pa muna ako upang namnamin ang sandaling ito. Pagkatapos, binuksan ko ang camera ng phone ko at sinimulan ang isang live video sa social media account ni Vanessa. Sa modernong panahong ito, natutunan ko mula sa mga alaala niya na ang publiko ang pinakamabilis na hukom para durugin ang reputasyon ng isang tao. Paglabas ko sa hallway, bumungad sa akin ang isa sa mga muchacha na nasampal ko kanina. Tinawag ko siya nang mahina at agad ko siyang minanduhan na bumaba nang nauuna sa akin at palihim na itutok sa hagdan ang hawak niyang phone para makuha nang buo ang eksena sa live broadcast ko. Nanginginig sa takot na tumango ang katulong at agad na sumunod. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan nang may buong self-confidence at poise. Halos malaglag na ang panga ng lahat ng naroroon sa taglay kong karisma. At alam ko 'yon! Hindi sila makapaniwala na ang babaeng may benda pa sa noo ay magmumukhang reyna sa gitna ng pa-party ng sarili niyang asawa. Kitang-kita kong pati si Calix ay natulala at hindi maalis ang tingin sa akin. Pero nang tumama ang paningin ng hipag kong si Kathleen na nakatayo sa gilid ng hagdan sa akin ay biglang nanlaki ang mga mata nito at namula sa sobrang galit. Paboritong designer dress pala niya ang suot ko! Alam ko naman iyon mula sa alaala ni Vanessa, kaya nga ito talaga ang pinili ko. Kasabay na kasabay ng pag-apak ko sa huling baitang ng hagdan, biglang sumugod si Kathleen at binigyan ako ng isang malutong at malakas na sampal sa pisngi. Umalingawngaw sa buong sala ang sampal na iyon. Pakiramdam ko ay namanhid ang kaliwang pisngi ko sa lakas ng pagkakadampi ng palad niya. Medyo nalasahan ko pa ang kaunting dugo sa gilid ng labi ko. "Ang kapal ng mukha mong suotin ang paborito kong gown!" sigaw ni Kathleen habang nanggagalaiti sa galit at dinuduro ang mukha ko. "Magnanakaw ka talaga, Vanessa! Palamunin ka na nga lang sa bahay na ito, pati damit ko ninanakaw mo pa! Wala kang hiya! Isa ka lang hamak na basura na pinulot ng kuya ko!" Hindi pa nakuntento si Kathleen. Hinablot niya ang buhok ko at marahas akong itinulak sa balikat kaya napaupo ako sa huling baitang ng hagdan. Agad namang lumapit si Doña Clara na may hawak na baso ng wine at ibinuhos iyon mismo sa ulo at mamahaling gown na suot ko sa harap ng lahat ng bisita nila. "Bagay lang sa'yo 'yan!" sigaw ni Doña Clara habang nakapamewang. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang papel mo rito sa pamamahay na ito?! Tagaluto, tagalaba, at tagalinis ka lang ng dumi namin! Kahit magsuot ka pa ng mamahaling damit, amoy sibuyas at katulong ka pa rin! Tingnan mo ang sarili mo, nakakahiya ka sa mga bisita namin!" Lumapit din si Cianne na nakakapit sa braso ni Calix at tumawa nang malandi habang tinitingnan ako nang may pandidiri. "Oo nga naman, Vanessa. Noong nakaraang linggo lang, pinaglinis ka ni Tita Clara ng banyo gamit ang lumang toothbrush dahil hindi mo nalinis nang maayos ang sapatos ko. Tapos ngayon nag-aambisyon kang magsuot ng designer dress? Hubarin mo 'yan bago mo pa masira!" Nakatitig lang ako sa sahig habang tumutulo ang pulang wine mula sa buhok ko papunta sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang matinding pagkapahiya at sakit na ilang taon palang tiniis ng totoong Vanessa sa poder ng demonyong pamilyang ito. Ginawa siyang alipin, pinagkaitan ng pagkain, sinasaktan sa tuwing nagkakamali, at pinagtatawanan sa harap ng ibang tao. Kumulo nang husto ang dugo ko. Sa amin, ang mga taong naglalakas-loob na dumura o magbuhos ng inumin sa akin ay binabaon ko nang buhay sa kahihiyan. Hinding-hindi ako papayag na ganito ang gawin sa akin. Kahit katawan ito ni Vanessa, kaluluwa ko ang nakatira rito. Kung akala nilang mapapaluhod nila ako sa harap ng mga bisita nila, nagkakamali sila nang malaki. Ibabalik ko sa kanila nang sampung beses ang bawat sampal at pang-iinsultong ibinigay nila sa katawang ito. Sa gitna ng paghuhuramentado at paninigaw nila sa akin, biglang umalingawngaw sa buong sala ang malakas na iyak ko. Napahawak ako sa namumula kong pisngi, yumuko sa huling baitang ng hagdan, at humagulgol na parang isang kawawang biktima. "Patawad po... patawad po, Mommy Clara, Kathleen..." hikbi ko habang pinapanginginig ang balikat ko. "Gusto ko lang naman pong magmukhang disente sa harap ng mga bisita... hindi ko po alam na magagalit kayo nang ganito..." Nagulat ang lahat. Kahit si Doña Clara at si Calix ay natigilan dahil akala nila ay lalaban ako gaya kanina. Ngumisi nang tagumpay si Kathleen at akmang sasampalin ulit ako para ipahiya pa lalo. Pero habang nakayuko ako at nakatakip ang kamay ko sa mukha ko, unti-unting naglaho ang luha sa mga mata ko. Sa loob-loob ko, walang kahit katiting na takot o sakit akong nararamdaman. Sa halip, isang nakakalokong ngiti at nakakapangilabot na mahinang tawa ang pumalit sa pekeng iyak ko. Iniangat ko ang ulo ko at tinitigan si Kathleen nang nakangisi habang may bakas pa ng luha at pulang wine sa pisngi ko. Natigilan si Kathleen at napaatras nang bahagya. "A-Anong tinatawa-tawa mo diyan?! Nababaliw ka na ba?!" Hindi ako sumagot agad. Sa halip, dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at itinuro ang katulong na si Inday na nakatayo sa gilid at nakatutok sa amin ang hawak nitong cellphone. "I was on live, tapos sinampal mo ako?" bulong ko sa aking nakakakilabot na boses, sapat lang para marinig nila sa harap. "I am just so happy because they now see how badly you treat me." Nanlaki ang mga mata ni Kathleen. Biglang namutla ang buong mukha niya at gamuntik na siyang matumba sa kinatatayuan niya nang mapagtanto niya ang nangyari. "A-Anong live?! Pinagsasasabi mo?!" nanginginig niyang sigaw. Naglakad ako palapit kay Inday na nanigas na sa takot at kinuha ko ang hawak niyang cellphone. Kitang-kita sa screen ng phone ang live broadcast ko kung saan libo-libong tao na ang nanonood at bumabaha na ng galit na comments laban sa pamilya nila! Itinaas ko ang phone ko at itinapat sa mukha ko para makita nang malinaw ng buong mundo ang namumula at bakas ng sampal sa pisngi ko, ang basang-basa kong buhok mula sa wine, pati ang mga luha sa mata ko. Huminga ako nang malalim at nagsalita nang may halong pagmamakaawa sa boses ko para makuha ang buong simpatya ng publiko. "Sa lahat po ng nanonood ngayon..." sabi ko habang pinipilit kong panginginigin ang boses ko, "pasensya na po kung nakita niyo ang ganitong eksena. Kakagaling ko lang po sa aksidente at galing lang ako sa ospital, pero ito po ang sumalubong sa akin sa sarili kong pamamahay. May pa-engagement party po para sa asawa ko at ng kabit niya habang legal pa kaming kasal, at sinasaktan po ako ng pamilya niya kapag hindi ako sumusunod sa gusto nila." Nagkagulo ang buong sala. Kanya-kanya nang takip ng mukha sina Doña Clara at Kathleen habang nagpapanic si Calix at pilit inaagaw ang cellphone sa kamay ko. Pero huli na ang lahat. Kitang-kita na ng buong bansa ang totoong kulay ng pamilya nila. At nagsisimula pa lang ang paghihiganti ko para kay Vanessa.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at siniguradong walang nakatingin sa hallway. Naglakad ako papunta sa kabilang kwarto. Ito ang silid ng matapobre kong hipag na si Kathleen.Pagpasok ko sa walk-in closet niya, tama nga ang hinala ko. Punong-puno ito ng mga mamahaling designer dresses, sapatos, at mga alahas. Naghalungkat ako nang mabilis hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang kulay itim na strapped long dress na may magagandang ruffles sa laylayan.Isinuot ko ito agad. Sakto ang fit nito sa katawan ni Vanessa, at dahil sa itim na kulay nito, lumabas ang maputing balat at magandang kurba ng katawan niya. Para akong isang tunay na maharlika mula sa Hacienda Lin sa suot ko.Naupo ako sa harap ng vanity table at kinuha ang cellphone. Naalala ko ang mga video tutorial tungkol sa paglalagay ng make-up na napanood ko habang nagpapahinga ako sa ospital noong isang araw.Gamit ang talino at bilis ng kamay ko, maingat kong nilagyan ng make-up ang mukha ko. Matalas na kilay, smoke
Tatlong araw ang lumipas mula nang puntahan ako ng magaling na si Calix sa ospital. Simula rin nang supalpalin ko ang matapobreng si Doña Clara sa telepono nang tumawag ito nang araw ding iyon, hindi na nagpakita pa ang kahit sino sa pamilya nila. Ngayon ay ang discharge day ko, at handa na akong umuwi para makaharap nang personal ang pamilya niyang mapangmata!Paglabas ko ng ospital, nakita ko si Calix na nakasandal sa mamahaling sasakyan niya habang nakakapit sa braso niya si Cianne.Naglakad ako palapit sa kanila nang nakataas ang noo. Nitong mga nakaraang araw sa silid ko ay pinag-aaralan ko na ang pagsasalita nang ayon sa panahong ito. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hahayaan kong ang kaisipang galing kay Vanessa ang dumaloy sa akin. Marami naman akong natutunan sa mga alaala niya kahit ilang araw pa lang ang nakalipas.Pagkakita sa akin ni Cianne, agad itong umirap at mabilis na naglakad papunta sa front seat ng sasakyan, handa nang buksan ang pinto sa tabi ng driver's seat.B
Dalawang oras na ang nakalipas simula nang magising ako at natapos ko ring halungkatin ang lahat ng memorya ng totoong may-ari ng katawan kung nasaan ako ngayon.Pagmamay-ari ito ni Vanessa Buenaventura. At ako naman ay si Evelyn, ang ikalawang anak ng mahistrado mula sa Bayan ng Dever.Napangisi na lang ako habang nginunguya ang matamis na mansanas na hawak ko. Binuhos lang naman ng babaeng ito ang buong buhay niya sa pag-iyak at pagmamakaawa sa asawa niya at sa mga in-laws niya na tinatrato siyang parang basura.Nakakatawa pero sadyang kaawa-awa!Sa Hacienda Lin at sa buong bayan namin, ako lang ang pwedeng mangmaliit kanino man. Matalino ako at sanay akong laging nasusunod. Ngunit ang huling naalala ko bago ako mapunta rito ay isang malagim na pangyayari. Sariwa pa sa akin ang duguan kong katawang nakahandusay sa malamig na sahig ng mansyon namin matapos akong traydurin ng sarili kong pamilya.Kasabay ng biglang pagdilim ng langit dahil sa isang paglalaho ng araw, naalala ko pa ang







