“You’re a bad man, Dad!”Ang tili ni Kendra ang agad na pumutol sa halikan nina Warren at Megan.Gulat na napalingon ang dalawa at nakitang nakatayo roon si Kendra, mabilis at galit na galit ang paghinga, habang si Celine naman ay nakatayo sa likod nito na animo’y naging estatwa at namumutla ang buong mukha.Agad na binitiwan ni Warren si Megan at humakbang palapit, bumalik sa malamig at may awtoridad niyang aura.“Mind your manners, Kendra. We have a guest.”“Guest? Guest ang tawag mo sa malanding 'yan?” turo ni Kendra gamit ang nanginginig niyang daliri kay Megan.Huminga nang malalim si Megan at pilit na ngumiti nang mahinahon, kahit na bakas sa mga mata niya ang kaunting pagkainsulto.“Kendra, kami ng Daddy mo…”“Manahimik ka!” galit na sigaw ni Kendra. “Wala kang karapatang magsalita rito.” Lumingon siya ulit kay Warren. “Dad, you promised you’d get back together with Mommy! Why are you here in this house, acting all intimate with this woman?” “Sobra na, Kendra!” Ang matalim na b
Read More