Partager

CHAPTER 3

Auteur: Henny Djayadi
Nabulabog ang buong paligid sa sigaw ni Dennis.

Naalimpungatan ang mga kapitbahay dahil sa ingay at nagtipon sa labas ng pintuan. Galit at puno ng duda silang nakatitig kay Warren.

“Sinubukan niyang galawin si Celine! Pilit siyang pumasok sa bahay tapos binugbog pa ako!” pagsisinungaling ni Dennis habang nakahandusay sa sahig at nagsasakit-sakitan.

“Hindi 'yan totoo!” umiiyak na sigaw ni Celine. Humarang siya sa harap ni Warren para protektahan ito. “Hindi gano’n si Tito Warren! Pumasok lang siya para tulungan ako kasi binubugbog ako ni Papa! Please, maniwala po kayo sa akin!”

Lalo lang nagpatingkad sa hinala ng mga tao ang pagtatanggol ni Celine sa lalaki, kaya lalong uminit ang ulo ng nagkakatipong kapitbahay. Nang makita pa nilang gulo-gulo ang damit ni Celine, nagsimula nang kumalat ang kung anu-anong hinala nila.

“Baka nga may kalokohang ginagawa ‘yang dalawa. Bakit naman pupunta ang isang mayaman sa ganitong iskwater sa gitna ng gabi kung walang malisya, 'di ba?” hirit ng isang kapitbahay mula sa likod.

“Tumpak! Kaysa naman dungisan nila 'tong lugar natin at magdala ng kamalasan, ipakasal na lang natin sila ngayon din!” hiyaw ng isa pang kapitbahay, na tinanguan naman ng iba.

Lalong lumaki ang mga mata ni Celine at bumilis ang tibok ng puso niya.

“Hindi po totoo ‘yang iniisip niyo! Huwag niyo po kaming pagbintangan!”

Sinakop ng takot si Celine. Ayaw niyang masira ang buhay ng Daddy ng bestfriend niya dahil lang sa kamalasan niya. Sa usapan pa lang nila kanina, malinaw na pangarap ni Warren na makasama ang ibang babae sa future nito… isang babaeng ka-level nito!

Pero, ito mismo ang gustong mangyari ni Dennis. Pera lang ang mahalaga sa kaniya…

“Gusto ko ng bayad—”

“Bilisan niyo! Puntahan niyo si Pastor” sigaw ng isang residente na pumutol sa sasabihin sana ni Dennis.

Samantala, nanatiling tahimik si Warren habang pinagmamasdan ang lumalalang gulo. Napatingin siya kay Celine na nanginginig sa takot. Sa dami ng pera at kakilala ni Warren, kayang-kaya niyang tumawag ng lawyer o ng mga tauhan niya para ipagtabuyan ang mga tao at umalis na lang. Pero kapag ginawa niya iyon, maiiwang nanganganib ang babaeng nasa harap niya. Posibleng bugbugin ulit ito ng malupit nitong ama at itakwil ng mga kapitbahay nila doon.

May magagandang pangarap nga si Warren para sa future nila ni Megan, pero ang sitwasyon ngayon ay usapin na ng buhay at kamatayan para sa kawawang dalaga na nasa harap niya. Na-realize niyang ngayong gabi, may kapangyarihan siyang iligtas si Celine.

Huminga nang malalim si Warren at tumindig nang maayos. “I will marry Celine.”

Napalingon sa kaniya si Celine, hindi makapaniwala sa narinig. “Tito Warren… hindi niyo kailangang mag-sacrifice!”

Tinapik ni Warren ang balikat ni Celine para pakalmahin ito, pero ang tingin niya ay nanatiling nakatitig kay Dennis. Matalim, nagbabanta, at walang takot.

Kaysa mag-abot ng pera sa manginginom na ito, pinili na lang ni Warren ang pagpapakasal kay Celine. Ang impromptu marriage na ito ay isa lang namang informal at unregistered religious marriage.

“Pack your things, Celine Pagkatapos nating ikasal, ilalayo na kita sa lugar na 'to.”

“Kailangan mo magbigay ng dowry, gago!” hirit ni Dennis.

“Of course, pero para kay Celine 'yon, hindi para sa 'yo.”

“Hindi pwede 'yon! Kailangan mong magbigay ng—”

Bago pa man masabi ni Dennis ang halagang gusto niya, dumating na ang Pastor na magkakasal sa kanila.

“Sino ang ikakasal?”

“Ito pong dalawa, Pastor,” turo ng isang kapitbahay kina Warren at Celine.

“Kumpleto ba ang mga requirements? Paano ang dowry?”

Kumuha si Warren ng ilang libong papel mula sa kaniyang leather wallet. Iyon na lang ang natitirang cash niya, at inilapag iyon sa wooden table.

“This is all the cash I have on me right now. I hope it suffices as a dowry,” malamig at walang emosyong wika ni Warren.

Sa harap ng lokal na Pastor at dalawang residenteng nagsilbing witness, ginanap ang biglaan at unofficial marriage.

Walang magarbong decorations, walang masasayang ngiti, at lalong walang pag-ibig.

Nakatungo si Celine habang pinipiga ang nanginginig niyang mga daliri. Sa tabi niya, nakaupo nang diretso si Warren, binibigkas ang pagtanggap sa wedding vows—parang pumipirma lang ng isang ordinary contract sa isang business deal.

“Is it valid?”

“Valid ito.”

Ang iisang salitang iyon ang nagpatibay sa lahat.

Nakatitig si Dennis mula sa sulok ng bahay, nagtatagis ang panga habang pinapanood ang nangyayari. Galit na galit at namumula ang mga mata niya habang nakatitig sa perang nasa ibabaw ng lamesa. Naglaho sa isang iglap ang pag-asa niyang huthutan ng pera ang mayaman na lalaki.

Hanggang sa tumayo si Warren, inayos ang medyo nagusot niyang suit, at tinitigan si Dennis nang sobrang nakatatakot.

“Celine is now my wife. All rights and responsibilities regarding her rest with me. So…” huminto si Warren, malamig at mariin ang boses. “Kapag ginulo mo pa uli ang asawa ko, sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan.”

Kinuyom ni Dennis ang kaniyang mga kamao hanggang sa mamuti ang mga buto ng kanyang daliri

Sumabog ang galit at poot sa dibdib niya. Wala man lang ibinigay na pera si Warren sa kaniya! Ang mas malala pa, tinangay ng mayamang lalaki si Celine, ang tanging pinagkakakitaan niya.

Nang gabing iyon din, mabilis na inilayo ni Warren si Celine mula sa maruming lugar na ‘yon.

Sa buong biyahe, sobrang bigat ng katahimikan sa loob ng kotse. Nakatitig lang si Celine sa labas ng bintana, dinadamdam at tinututulan ang kapalaran niyang tuluyang nabago sa loob lang ng isang oras.

Huminto ang kotse sa isang mamahaling subdivision sa gitna ng lungsod. Inakay ni Warren si Celine papunta sa isang engrande at modern-minimalist na building. Isang exclusive residential property na pagmamay-ari niya bilang investment.

Binuksan ni Warren ang pinto ng isang malawak na suite na may mga luxurious amenities na hindi man lang naisip ni Celine na nage-exist pala.

Lumingon ang lalaki at tumitig ang kaniyang mata kay Celine na naiilang na nakatayo malapit sa pintuan.

“Starting tonight, you’ll live here. Everything, from the amenities to your security, is taken care of. Hindi na makakapasok ang tatay mo rito.”

Huminga nang malalim si Celine, pilit na kinukuha ang natitirang lakas ng loob niya.

“Tito… bakit niyo pa ginawa 'to? 'Yung kasal kanina… hindi naman kailangan 'yon. E paano na po si Miss Megan?”

Niluwagan ni Warren ang kaniyang necktie; halatang-halata ang pagod sa kaniyang may-edad nang mukha.

“That was only an informal religious marriage, Celine. Sa mata ng batas, hindi tayo nakatali sa isa’t isa. Besides, kung anuman, pwede naman akong maghiwalay anytime.”

Nang marinig ang salitang casual lamang na binigkas ni Warren, kumirot nang matindi ang dibdib ni Celine.

Tumingala siya at sinalubong ang matalas na tingin ng tatlumpu't pitong taong gulang na lalaki.

“Kung ganun po, hiwalayan niyo na ako ngayon din. Ayokong maging pabigat, at lalong ayokong makagulo sa buhay niyo.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife   CHAPTER 50

    Sa cubicle niya, hindi maitago ni Celine ang matinding pagkabalisa na gumugulo sa isip niya.Tuluyan nang nawala ang concentration niya sa paggawa ng scale model ng isang modern minimalistang housing cluster. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa executive corridor, ang daanang karaniwang nilalakaran ni Warren.Hindi mapakali ang intern. Gustong-gusto na niyang hanapin si Warren at sabihin dito ang masasamang balak nina Felice at Jonathan… ang sabwatan na hindi niya sinasadyang marinig sa ospital kaninang umaga.Pero nang malapit nang magtanghali, may nakita siya sa dulo ng hallway na nagpabigat sa dibdib niya.Hindi si Warren ang dumating, kundi si Megan.Elegante itong naglalakad at may dalang paper bag na puno ng pagkain. Diretso itong pumasok sa office ni Warren nang may confidence at style.Biglang nag-alab ang selos sa dibdib ni Celine, kasabay ng matinding pag-aalala. Nakatitig lamang siya sa saradong pinto ng office ni Warren habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay sa laylay

  • She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife   CHAPTER 49

    “Don't take too long to convince your father,” iritableng wika ni Felice. “Hindi na ako bumabata, Jonathan. If this keeps getting put off, Warren might stop looking my way altogether.” Napahalakhak si Jonathan sa reklamo ng dati niyang hipag. Sa tingin niya, sa wakas ay nagsisimula nang bumigay si Felice sa aging effect, kahit daan-daang milyon na ang nagastos nito sa iba’t ibang mamahaling beauty treatments.Pero hindi nagtagal ang pagtawa niya. Napabuntong-hininga siya nang may mapagtanto.“Gusto ko rin namang matapos agad ’to, Fel. Pero nitong mga nakaraang araw, lalong mahirap basahin ang isip ni Dad. Lalo na matapos akong mabigong makuha ang contract para sa mega-project na Arcade Square.”Sa likod ng pader sa corridor, halos dumagundong ang puso ni Celine. Wala na siyang gaanong oras dahil kailangan na rin niyang pumasok sa internship. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili at lakasan ang loob.Nagkunwari siyang kagagaling lang sa direksyon ng elevator bago lumapi

  • She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife   CHAPTER 48

    Dahan-dahang pumasok si Warren sa VIP hospital room na kinaroroonan ni Kendra.Pagkasara pa lang ng kahoy na pinto, agad na tumayo si Olga, isang middle-aged na babaeng nag-aalaga kay Kendra mula pa noong araw na iyon. Ginhawa ang mababakas sa mukha nito nang makita siya.“Ay, Sir Warren. Nandito na po pala kayo,” mahinang bati ni Olga.“Yes. Thank you for looking after Kendra today. Pwede ka nang umuwi at magpahinga,” sagot ni Warren. Mahina man ang boses niya, taglay pa rin nito ang awtoridad ng isang boss.Bago pa makaalis ang babae, muli siyang pinigilan ni Warren.“Oh, and one more thing. Could you bring some of Kendra’s favorite food from home tomorrow? That way, she won’t get bored with the hospital menu.” “Opo, sir. Dadalhan ko po siya bukas ng umaga,” magalang na sagot ni Olga bago tuluyang lumabas ng silid.Nang muling bumalik ang katahimikan sa loob ng kuwarto, lumapit si Warren sa kama ni Kendra. Tinitigan niya ang nag-iisa niyang anak na nakasandal sa ilang unan, habang n

  • She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife   CHAPTER 47

    Lagpas alas-singko na ng hapon nang mabilis na naglakad si Celine sa sidewalk, sumisingit sa dagsa ng mga taong naglalakad.Panay ang lingon niya sa paligid bago binuksan ang pinto at mabilis na sumakay sa itim na SUV ni Warren. Naka-park ito nang maayos sa may isang kanto ang layo mula sa gusali ng architectural firm.Pagkasandal pa lang ng puwet ni Celine sa leather seat, agad na siyang sinalubong ni Warren na naghihintay sa driver's seat.“Took your sweet time, huh? Kailangan mo pa bang magpaalam kay Anthony bago umalis?”Habol-habol pa ni Celine ang hininga nang lingunin niya ito. Kumunot ang noo niya sa inis.“Hindi no!”Napasinghap naman si Warren at sumulyap sa relo niya.“Then why are you late?” “Dumaan lang po ako sa restroom,” mahinang sagot ni Celine.“Kasama si Anthony?”May halong galit ang boses ni Warren. Bahagi rin nito ang naiwang sama ng loob mula nang tanggihan siya ni Celine sa ospital noong umagang iyon.“Ano ba’ng problema mo, Tito?” nakasimangot na tanong ni Cel

  • She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife   CHAPTER 46

    Inayos ni Warren ang pagkakatayo niya bago matalim na itinuon ang tingin kay Celine. Pinilit niyang panatilihing malamig ang ekspresyon ng mukha.Sa harap ni James, na halos hindi na mapigilang matawa, sinadya ni Warren na isuot ang kanyang professional mask. Nagkunwari siyang isang mahigpit at walang-awang boss.“Celine,” tawag niya gamit ang totoong pangalan nito. Pormal ang tono niya at may bahid ng malamig na pananalita. “Tandaan mong narito ka sa architectural firm na ito dahil sa direct recommendation at request ni Kendra. Learn diligently and show clear progress. Do not let your performance here disappoint her.” Sinadya ni Warren na banggitin ang pangalan ng anak sa harap ng ibang empleyado. Isa itong planadong hakbang… isang palusot para magkaroon siya ng makatuwirang dahilan na bantayan si Celine at manatiling malapit dito sa workplace nang hindi nagbibigay ng dahilan para pag-usapan sila ng ibang tao.Samantala, napayuko na lang si Celine at saka tumango.“Naiintindihan ko p

  • She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife   CHAPTER 45

    “Huwag ka nang mali-late ulit bukas, Celine,” paalala ni Anthony sa seryosong tono.Nasa workstation nila sila noon. Inayos ni Anthony ang ilang blueprint sa ibabaw ng desk bago tiningnan si Celine. Taglay niya ang ekspresyon ng isang professional at mapagkalingang mentor.“Walang saysay ang pagpupuyat mo sa trabaho kung sisimulan mo naman ang umaga nang walang disiplina. At Alcantara Architectural Firm, time management is the top priority.” Napayuko si Celine. Biglang nanlamig ang mga daliri niya habang pinagdidikit ang mga kamay.“Opo, Sir. Sorry na po. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit.”Sa isip-isip niya, kung anu-ano na ang mura niya kay Warren. Sinisi niya ito dahil hindi siya nito pinayagang umalis sa hotel room, kaya wala siyang nagawang kapaki-pakinabang nitong umaga.Pero nang sumagi sa isip niya ang haplos ng mature na lalaki at ang alaala ng pagkakayakap niya sa malapad nitong dibdib, hindi niya kayang magsinungaling sa sarili niya. Namula nang husto ang mga pisngi niya.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status