“IRISH! Are you out of your mind? Kanina pa kita tinatawagan!”Napangiwi ako habang nakadikit sa tainga ko ang cellphone. Pagkatapos kong makapagbihis ay agad akong lumabas ng hotel. Hindi ko na hinintay pang magising ang lalaking nakasama ko kagabi. Tutal, nag-iwan naman ako ng pera bilang bayad sa serbisyo niya.“Good morning din sa ’yo, Grace,” nakangiti kong sagot.“Good morning? Alas-diyes na ng umaga! Nakalimutan mo bang may trabaho ka ngayon?” Bigla akong natigilan.Shit!Napatingin ako sa cellphone ko para tiyakin kung tama ba ang oras na sinabi niya.“Oh, my God! I’m late!”“Talaga? Ngayon mo lang nalaman? Irish, first day mo ngayon sa bagong trabaho. Huwag mong sabihing nakalimutan mo. Irish, tandaan mo, kilala sa buong Asya ang kompanyang papasukan mo!” bulyaw sa akin ni Grace.Napahawak ako sa aking noo. Paano ko nga ba nakalimutan ’yun? Ilang linggo ko ring hinintay ang pagkakataong ito. Sa wakas ay natanggap ako bilang marketing assistant sa isang kilalang kompanya sa M
Dernière mise à jour : 2026-11-18 Read More