Partager

Chapter 3

Auteur: Angela Black
last update Date de publication: 2026-11-18 20:57:24

[IRISH POV]

“Get out of my office!”

Halos mapatalon ako sa lakas ng boses niya. Agad akong napayuko at mabilis na tumango.

“Yes, Sir. I’m sorry again.”

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong lumabas ng opisina saka lamang nakahinga nang maluwag nang tuluyang sumara ang p***o.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Nang makita ko si Sir Greg sa hallway, agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko pa rin alam kung paano siya haharapin matapos ang nangyari nang gabing ’yun.

Good heavens! Akala ko talaga katapusan ko na. Akala ko matapos ang pag-uusap namin kahapon ay masesante na ako.

Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit siya galit niya sa akin. Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit siya ang napunta sa silid ko nang gabing ’yun. Besides, hindi ko naman alam na CEO pala siya. Saka malay ko ba, lasing ako no’n, e.

Mayamaya pa ay tumunog ang telepono sa tabi ko. Kaagad ko itong sinagot.

“Bring me a cup of coffee.”

“Right away, Sir.”

Bakit pati kape ako na rin ang nagtitimpla hindi naman ako personal assistant niya? Napabuntonghininga na lang ako bago sinunod ang utos niya. Pagdating sa office niya ay mabilis kong inilapag sa table ang tasa ng kape. Nang matapos ay dali-dali akong lumabas. 

“Irish, anong nangyari?” tanong ni Grace nang makabalik ako sa aming departamento.

Napangiwi ako. 

“Ewan ko sa boss mo, Grace. Pati kape ako pa ang inuutusan.”

“Boss natin, Irish.”

“Whatever! Basta ang sungit niya. Parang hindi marunong ngumiti.”

Napailing si Grace at agad akong hinila palapit sa mesa ko.

“Magtrabaho ka na lang. Huwag mong kalimutan na first day mo ngayon. Ayaw kong mawalan ka agad ng trabaho.”

“I know.”

Naupo ako at inayos ang mga gamit ko. Ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako gagawa ng anumang bagay na maaaring makakuha ng atensyon ni Sir Greg. Lalo’t may fiancée na siya. Pero mukhang hindi ganoon kadali ang gusto kong mangyari.

Dahil banda alas kuwatro ng hapon, kasalukuyan akong nag-aayos ng mga dokumentong ipinasa sa akin nang biglang tumunog ang telepono sa mesa ko.

“Marketing Department. This is Irish Fuentes speaking.”

“Come to my office. Bring the documents on my desk.”

Napapikit ako nang makilala ang boses sa kabilang linya.

“Siya na naman! Ako naman ang nakikita niya. Wala na bang iba empleyado rito?” reklamo ko sa isip.

I

“Miss Fuentes!” 

Napaigtad ako nang marinig ang pagtaas ng kanyang boses. 

“Yes, Sir.”

Kinuha ko ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa ko at agad na nagtungo sa opisina niya. Pagkapasok ko ay nakita kong abala siya sa pagbabasa ng ilang papeles. Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ako.

“Here are the documents, Sir.”

Ipinatong ko ang mga ’yun sa harap niya.

“Did you check everything?”

“Yes, Sir. I already reviewed them.”

“Make sure there are no errors. I don’t tolerate mistakes.”

“Yes, Sir.”

Tumango ako at agad na nagpaalam. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas, muli niya akong tinawag.

“Miss Fuentes.”

Napahinto ako.

“Yes, Sir?”

“Prepare a summary of these reports. I want them on my desk before five.”

Napatingin ako sa orasan. Alas-kuwatro na!

“Sir, may I ask why I have to do it? Isn’t this supposed to be handled by your personal assistant?”

Unti-unti niyang iniangat ang tingin sa akin at kumunot ang kanyang noo.

“Are you questioning my instructions, Miss Fuentes?”

“No, Sir. I’m just asking.”

“Then do what I told you.”

“Yes, Sir.”

That marked the beginning of his endless stream of instructions. Sometimes, he would ask me to retrieve documents, while other times, he would assign me to deliver reports to the boardroom.

“Hey, sis. Have you noticed how Sir Greg has been calling Irish into his office quite often lately? She practically looks like his personal assistant now.”

“Exactly. Something's fishy.”

“Just leave her alone. Maybe Sir Greg simply has something important for her to do.”

Those were the kinds of remarks I often overheard from my coworkers. However, instead of paying attention to them, I simply shrugged them off.

I went back to working on the summary. I didn't bother Grace either since she was busy with her own tasks. A few minutes later, a woman suddenly entered our department. Her elegant outfit immediately caught everyone's attention.

“Good afternoon, everyone. Kilala n’yo naman siguro ako, right?”

Agad na tumayo ang ilang empleyado.

“Good afternoon, Ma’am Ivy o mas magandang pakinggan kung Mrs. Santilan ang itawag namin sa inyo since engage naman kayo ni Sir Greg,” bati ng isa sa mga kasamahan ko.

Mrs. Santilan? So, siya ang sinasabi ni Grace na fiancée ni Sir Greg?

Napatitig ako sa babae nang marinig ang pangalan niya.

“I’m Ivy Francisco. Ako ang new director sa isa sa mga departments here starting today. I hope we can work together.”

Natigilan ako. Siya ang magiging director sa department kung saan ako nakatalaga? Paano ko siya maiiwasan kung araw-araw kaming magkasama sa iisang lugar?

“Nice to meet you, Ma’am,” bati ko sa kanya. 

“You’re new here?” tanong niya habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

“Yes, Ma’am. I just started today,” sagot ko.

“I see. Well, I hope you know how to do your job properly. Sir Greg doesn’t like incompetent employees.”

Pilit akong napangiti.

“I’ll do my best, Ma’am.”

Tumango siya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Napabuntonghininga ako. Mukhang hindi lang pala ang CEO ang kailangan kong pag-ingatan dito. Pati ang magiging asawa niya ay tila hindi rin madaling pakisamahan. 

“Be a professional, Irish, okay? Huwag mo nang iisipin ang isang gabing ’yun. Makitungo ka nang maayos sa mga boss mo. Huwag kang magpapahalata sa fiancée niya na may nangyari sa inyo ni Greg. Ayaw mo naman maging isang kabit ’di ba?” kausap ko sa sarili. 

Nagmukha na tuloy akong timang. Nakawala nga ako sa pasakit na idinulot sa akin nina Dexter at Mia pero napunta naman ako sa mas magulong sitwasyon ngayon.

Marahas akong bumuntonghininga. Napasulyap ako sa relong pambisig. Gabi na rin pala. Kailangan kong bilisan ‘to para matapos ko na. Ilang sandali pa ay natapos ko rin ang ipinagawang report ni Sir Greg. Inilagay ko ang mga dokumento sa folder at muling nagtungo sa opisina niya.

Ngunit pagdating ko roon ay wala na siya.

Napansin kong bahagyang nakabukas ang isang cabinet sa gilid ng kanyang mesa. May ilang folder na nakasalansan sa ibabaw ng isang maliit na kabinet.

Akala ko ay naroon ang mga dokumentong kailangan kong isauli kaya lumapit ako. Pero natigilan ako nang mapansin ang isang folder na may nakasulat na pangalan ko.

IRISH FUENTES

Kumunot ang noo ko. Bakit may folder na nakapangalan sa akin sa opisina ng CEO?

Dahan-dahan ko itong binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga letrato ko sa loob. May mga kuha sa akin habang papasok sa aming bahay, naglalakad sa kalsada, at maging sa ilang lugar na pinuntahan ko nitong mga nakaraang araw.

What the hell?

“Bakit may mga letrato ako rito?” tanong ko sa isipan. 

Nanginginig ang mga kamay kong isa-isang inilabas ang mga dokumento. Ngunit tuluyan akong natigilan nang makita ang isang pangalan sa isang papel.

DEXTER SIMON.

Nanlamig ang buo kong katawan. Ano ang kinalaman ni Dexter sa mga letrato ko? At bakit may pangalan siya sa isang confidential file sa opisina ni Sir Greg?

Hindi ko alam kung ano ang mas dapat kong ikatakot—ang katotohanang may sumusubaybay pala sa bawat kilos ko o ang posibilidad na may kinalaman ang dating kasintahan ko sa lahat ng nangyari?

“Miss Fuentes!”

Halos mabitawan ko ang hawak na folder nang marinig ang boses sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko ang personal assistant ni Sir Greg na nakatayo sa pintuan.

“What are you doing with that folder?”

Napalunok ako. Patay na! 

“I—I was just looking for something,” alibi ko.

“What? Are you stealing confidential company documents?”

“Hindi! I mean, no! I didn’t steal anything!”

Lumapit siya at mariing tinuro ang folder na hawak ko.

“Put that down! You’re coming with me. Ipatanggal kita! Sir Greg needs to know about this!”

“Sir, mali po ang iniisip ninyo.”

“Kay Mr. Santilan ka na lang magpaliwanag.”

Pagdating namin sa isang private room ay bahagya pa akong natigilan nang makitang halos maghalikan na ang dalawa. Akala ko umuwi na sila, nandito pa pala sa kuwartong ito naglalandian.

“What's going on?” kaagad na salubong sa amin ni Miss Ivy.

Kinakabahan ako. Hindi ako puwedeng matanggal. Matagal kong pinangarap ang trabahong ito. May pangalan naman ang mga magulang ko. May ilang negosyo rin naman kami pero mas pinili kong sundin ang pangarap ko.

“Nakita ko po siyang may hawak na confidential documents.” 

“What?! Investigate her!” mariing utos ni Miss Ivy na siyang ikinagulat ko.

Ni hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko. Tuluyan akong natigilan. 

Mukhang mas malaking problema na naman ang haharapin ko. At ang pinakamasama, hindi ko pa rin alam kung bakit may mga letrato ako sa opisina ng CEO.

Kinabukasan, maaga akong pumasok kahit may isyu sa kompanya. Hindi ako puwedeng magpapaapekto sa nangyari dahil unang-una ay malinis naman ang konsensya ko.

“Irish, pinapatawag ka ni Sir sa emergency room. May nagawa ka bang labag sa utos niya?” salubong sa akin ni Grace.

Hindi ako sumagot. Kinakabahan akong pumasok sa emergency meeting room. Naroon ang mga board members, si Mr. Collins na siyang personal assistant ni Sir Greg, Miss Ivy, at si Sir Greg na nakaupo sa pinakadulo ng mahabang mesa.

“Miss Fuentes, explain why you were caught holding confidential documents in my office,” malamig na tanong sa akin ni Greg.

“Sir, I wasn’t stealing anything. I only found the folder while looking for the documents you asked me to return. I was surprised to see my name on it, so I opened it.”

“And you expect us to believe that?” singit ni Mr. Collins.

Napalunok ako. Hindi ipinapahalatang kinakabahan ako.

“I’m telling the truth—”

“Enough,” putol ni Greg sa sasabihin ko.

“The reason we’re holding this meeting isn’t just about the documents she found. It’s about the financial irregularities discovered within this company.”

Napatingin ako kay Sir Greg na nakakunot ang noo. Ano namang kinalaman ko sa financial irregularities na ‘yan? Bago pa lang ako sa kompanyang ito?

“According to our investigation, millions of company funds have been transferred to unauthorized accounts using falsified financial reports,” patuloy ni Sir Greg bagay na ikinagulat ng mga board members.

“Who is responsible for this?” tanong ng isang board members na tila hindi makapaniwala.

“That’s what we’re about to find out,” sagot ni Sir Greg.

Tahimik lamang akong nakaupo habang hawak sa isang kamay ang ballpen. Sigurado naman akong hindi ako ’yun.

Agad na tumayo si Miss Ivy. Napatingin ako sa kanya. Hindi siya mapakali. 

“Greg, I don’t understand why we’re discussing this in front of an ordinary employee. She’s the one who was caught handling confidential files. She should be the one under investigation!”

“Sit down, Ivy,” malamig na utos ni Sir Greg.

Inilapag ni Mr. Collins ang ilang dokumento sa mesa.

“These are the records of the unauthorized transactions, including the company that received the funds and the authorization documents,” singit ni Mr. Collins.

Isa-isang sinuri ng mga board members ang mga papeles. Mayamaya pa ay napatingin ang isa sa kanila sa babaeng nagsabing paimbestigahan ako.

“Miss Francisco, can you explain why your signature appears on these documents?”

Biglang namutla si Miss Ivy.

“What? That's impossible!”

“According to our investigation, the company receiving the funds is registered under your name,” dagdag ni Sir Greg.

“Greg, you have to believe me! I have nothing to do with this!”

“Then explain why your signature is on every transaction authorization.”

Nagsimulang magbulungan ang mga board members.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang babaeng nag-akusa sa akin kahapon ay siya pa lang sangkot sa nawawalang pondo ng kompanya. Pero bago pa matapos ang meeting, muli akong tinawag ni Sir Greg.

“Miss Fuentes, you mentioned that you saw another name in the folder last night. Who was it?”

“Dexter Simon, Sir. My ex-boyfriend,” deretso kong sagot.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

“Dexter Simon?” ulit niya.

Tumango ako.

“Why is his name connected to your investigation?” tanong ni Mr. Collins.

Hindi agad sumagot si Sir Greg. Sa halip, tumingin siya kay Mr. Collins.

“Find out everything about Dexter Simon. I want his complete background and his connection to these transactions.”

“Yes, Sir.”

Napalunok ako. Bakit pati si Dexter ay nasangkot sa lahat nang ito? At kung may kinalaman siya sa mga letrato kong nasa opisina ni Sir Greg, ibig sabihin ba nito ay matagal na akong minamanmanan ng isang taong hindi ko inaasahan?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 6

    GregI couldn't explain why Irish had been constantly on my mind these past few days. No matter how busy I was with work, I couldn't seem to get her face out of my head, especially the way she had looked at me during our last conversation.I wanted her to give me a chance. Hindi ko alam kung gaano katagal ang kailangan kong hintayin, pero handa akong maghintay. Sa unang pagkakataon, gusto kong makilala ang isang babae nang hindi iniisip ang opinyon ng pamilya ko o ang magiging epekto nito sa pangalan ng kompanya.But there was one thing I couldn't ignore.The scandal.Hindi pa rin tuluyang nawawala sa mga balita ang tungkol sa naudlot kong kasal kay Ivy. Mas lumala pa ang sitwasyon nang kumalat ang mga letrato namin ni Irish sa hotel. I knew how cruel people could be, especially when they had no idea what really happened.At ang pinakamasakit, si Irish ang higit na naapektuhan.I picked up my phone and opened our conversation. Ilang minuto kong pinagmasdan ang huli kong mensahe sa kan

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 5

    IRISH POV]I never expected the news about what happened at Sir Greg and Miss Ivy’s engagement celebration to spread so quickly. After the scandal, almost every newspaper and online entertainment page published articles about their canceled wedding. However, things became even more controversial when photos of Greg and me at the hotel surfaced.Hindi nagtagal ay nakarating agad ’yun sa kompanya. Pagpasok ko pa lang sa opisina kinabukasan ay naramdaman ko ang kakaibang pagtingin sa akin ng mga katrabaho ko. May mga nagbubulungan habang dumadaan ako, samantalang ang iba ay hindi man lang nagtangkang itago ang kanilang panghuhusga.“She's the woman in the pictures, right?”“I heard she's the reason the CEO called off his wedding.”“Maybe that's why he keeps giving her special treatment.”Napayuko ako at nagkunwaring walang naririnig. Pero kahit anong pilit kong magpakatatag, hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi nila. Wala silang alam sa totoong nangyari. Hindi nila alam na hindi k

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 4

    [IRISH POV]Napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo ni Sir Greg kay Miss Ivy mula nang matapos ang emergency meeting kahapon. Kung dati ay malugod niya itong tinatanggap sa kanyang opisina, ngayon ay tila wala na siyang interes na makipag-usap dito. Ilang beses ko na ring nasaksihang sinusubukan ni Miss Ivy na lapitan siya, ngunit malamig na tingin lang ang tugon ni Sir Greg.“Greg, can we talk?” narinig kong tanong ni Miss Ivy habang nakatayo sa harap ng opisina ni Sir Greg.“I’m busy, Ivy. Whatever it is, you can discuss it with my secretary.”“But this is about us. We haven’t even talked properly since yesterday.”Ibinaba ko ang hawak kong dokumento at bahagyang napatingin sa kanilang direksyon. Hindi ko intensyong makialam, pero hindi ko rin maiwasang marinig ang kanilang pag-uusap dahil malapit lang ako sa pintuan.“There’s nothing to discuss right now,” malamig na sagot ni Sir Greg.“You're treating me like a stranger!”“Then give me a reason not to.”Natahimik si Miss Ivy. Ila

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 3

    [IRISH POV]“Get out of my office!”Halos mapatalon ako sa lakas ng boses niya. Agad akong napayuko at mabilis na tumango.“Yes, Sir. I’m sorry again.”Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong lumabas ng opisina saka lamang nakahinga nang maluwag nang tuluyang sumara ang pinto.Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Nang makita ko si Sir Greg sa hallway, agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko pa rin alam kung paano siya haharapin matapos ang nangyari nang gabing ’yun.Good heavens! Akala ko talaga katapusan ko na. Akala ko matapos ang pag-uusap namin kahapon ay masesante na ako.Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit siya galit niya sa akin. Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit siya ang napunta sa silid ko nang gabing ’yun. Besides, hindi ko naman alam na CEO pala siya. Saka malay ko ba, lasing ako no’n, e.Mayamaya pa ay tumunog ang telepono sa tabi ko. Kaagad ko itong sinagot.“Bring me a cup of coffee.”“Right away, Sir.”Bakit pati kape ako n

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 2

    “IRISH! Are you out of your mind? Kanina pa kita tinatawagan!”Napangiwi ako habang nakadikit sa tainga ko ang cellphone. Pagkatapos kong makapagbihis ay agad akong lumabas ng hotel. Hindi ko na hinintay pang magising ang lalaking nakasama ko kagabi. Tutal, nag-iwan naman ako ng pera bilang bayad sa serbisyo niya.“Good morning din sa ’yo, Grace,” nakangiti kong sagot.“Good morning? Alas-diyes na ng umaga! Nakalimutan mo bang may trabaho ka ngayon?” Bigla akong natigilan.Shit!Napatingin ako sa cellphone ko para tiyakin kung tama ba ang oras na sinabi niya.“Oh, my God! I’m late!”“Talaga? Ngayon mo lang nalaman? Irish, first day mo ngayon sa bagong trabaho. Huwag mong sabihing nakalimutan mo. Irish, tandaan mo, kilala sa buong Asya ang kompanyang papasukan mo!” bulyaw sa akin ni Grace.Napahawak ako sa aking noo. Paano ko nga ba nakalimutan ’yun? Ilang linggo ko ring hinintay ang pagkakataong ito. Sa wakas ay natanggap ako bilang marketing assistant sa isang kilalang kompanya sa M

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 1

    IRISH POV]“Happy anniversary, sweetheart!”’Yun sana ang mga salitang inaasahan kong marinig mula sa lalaking limang taon kong minahal. Pero sa halip na isang romantikong gabi at isang proposal, isang tagpong hindi ko kailanman inakalang masasaksihan ang sumalubong sa akin.Nakatayo ako ngayon sa pintuan ng silid at halos hindi makapaniwala sa nakita. Ang kasintahan kong si Dexter ay nasa kama kasama ang babaeng buong buhay kong itinuring na kapatid—ang matalik kong kaibigan na si Mia.“Wow! What a beautiful surprise, Irish.”Parang wala lang sa kanila ang nangyari. Parang hindi sila ang mga taong sumira sa pagmamahal at tiwala ko.Nanginginig ang mga daliri ko habang mahigpit na nakahawak sa maliit na kahon na nasa loob ng aking handbag. Nandito ang singsing na nakita ko sa bulsa ni Dexter dalawang araw na ang nakalipas.Akala ko, ’yun ang simula ng bagong yugto ng relasyon namin. Ang hindi ko alam ay ’yun pala ang magiging simbolo ng pinakamalaking kahihiyang mararanasan ko sa tana

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status