Partager

Chapter 4

Auteur: Angela Black
last update Date de publication: 2026-11-18 21:02:20

[IRISH POV]

Napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo ni Sir Greg kay Miss Ivy mula nang matapos ang emergency meeting kahapon. Kung dati ay malugod niya itong tinatanggap sa kanyang opisina, ngayon ay tila wala na siyang interes na makipag-usap dito. Ilang beses ko na ring nasaksihang sinusubukan ni Miss Ivy na lapitan siya, ngunit malamig na tingin lang ang tugon ni Sir Greg.

“Greg, can we talk?” narinig kong tanong ni Miss Ivy habang nakatayo sa harap ng opisina ni Sir Greg.

“I’m busy, Ivy. Whatever it is, you can discuss it with my secretary.”

“But this is about us. We haven’t even talked properly since yesterday.”

Ibinaba ko ang hawak kong dokumento at bahagyang napatingin sa kanilang direksyon. Hindi ko intensyong makialam, pero hindi ko rin maiwasang marinig ang kanilang pag-uusap dahil malapit lang ako sa pintuan.

“There’s nothing to discuss right now,” malamig na sagot ni Sir Greg.

“You're treating me like a stranger!”

“Then give me a reason not to.”

Natahimik si Miss Ivy. Ilang sandali pa ay mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. Samantalang si Sir Greg naman ay bumalik na sa loob ng kanyang opisina na para bang walang nangyari.

Napailing ako. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong pinag-usapan nila pagkatapos ng emergency meeting, pero halatang malaki ang naging epekto ng mga dokumentong nakita namin para tratuhin ni Sir ang fiancée niya nang gano’n.

“Uy, Irish!”

Napalingon ako nang tawagin ako ni Grace.

“Are you okay? Kanina ka pa tulala diyan.”

“Nothing. May iniisip lang.”

“About Sir Greg and Miss Ivy?”

Napabuntonghininga ako. 

“Please, Grace. Ayaw kong pag-usapan ang personal nilang buhay.”

Tumawa siya nang bahagya bago inilapag ang isang folder sa mesa ko.

“Anyway, may kailangan lang akong asikasuhin. I’ll be back later.”

“Saan ka pupunta?” tanong ko. 

“May kukunin lang ako.”

Hindi na ako sumagot. Ilang oras ang lumipas bago ko tuluyang natapos ang mga dokumentong ipinagawa sa akin. Habang inaayos ko ang mga ito ay biglang tumunog ang aking cellphone.

Isang hindi kilalang numero ang tumatawag.

“Hello?”

“Irish Fuentes?”

“Yes. Who’s this?”

“Mas mabuting itigil mo na ang pakikialam mo sa mga bagay na hindi mo naiintindihan.”

Napakunot ang noo ko.

“Excuse me? Who are you?”

“Isa lang itong babala. Huwag mong piliting alamin ang mga bagay na hindi naman dapat para sa ’yo.”

Bago pa ako makapagtanong ay bigla nang naputol ang tawag. Napatitig ako sa cellphone. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi ako makikialam?

May ilang segundo akong nanatiling tahimik bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa. Sinubukan kong huwag bigyan ng malaking kahulugan ang natanggap kong tawag, pero hindi maalis ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Lalo na nang maalala ko ang mga letratong nakita ko sa confidential folder ni Sir Greg.

Hindi kaya may kinalaman ’yun doon?

Pagsapit ng hapon ay napansin kong hindi pa rin bumabalik si Grace. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit hindi niya sinasagot ang cellphone niya.

“Excuse me, nakita mo ba si Grace?” tanong ko sa isa naming katrabaho.

“Kanina pa siya umalis, Irish.”

Tumango ako. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman gawain ni Grace ang umalis nang matagal. Muling ko siyang tinawagan, pero wala pa ring sumasagot.

Hindi na ako nakatiis at nagpasyang magtungo sa opisina ni Sir Greg.

“Sir, may problema po ako.”

Napaangat siya ng tingin mula sa mga dokumentong binabasa.

“What is it, Miss Fuentes?”

“Grace is missing. Kanina pa po siya umalis pero hindi ko na siya makontak.”

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

“Since when?”

“Almost two hours ago, Sir.”

Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan si Mr. Collins.

“Find Grace. Check every possible location she might have gone to. I want an update as soon as possible.”

“Yes, Sir.”

Pagkababa niya ng tawag ay bumaling siya sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya. Hindi ko akalain na may itinatago rin naman pa lang siyang kabaitan; na kahit simpleng empleyado niya lang ako ay hindi siya nagdadalawang isip na tulungan ako.

“Did she tell you where she was going?” 

“No, Sir. Basta sinabi lang niyang may aasikasuhin siya.”

“Did you receive any suspicious calls or messages?”

Natigilan ako. Paano niya nalaman?

“Actually, someone called me earlier. They told me to stop asking questions. Paano n’yo po nalaman, Sir?” kunot-noo kong tanong.

“Why didn't you report it immediately?”

“I thought it was just a prank call.”

“Don’t assume things like that, Miss Fuentes. Not when your safety is involved.”

Safety ko? May good sides din pala ang cold na CEO na ito.

“I'm sorry, Sir.”

“From now on, report everything suspicious. Understood?”

Tumango ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin. Una, ang mga letrato ko sa confidential folder. Pangalawa, ang pangalan ni Dexter sa mga dokumento. At ngayon, ang biglaang pagkawala ng pinsan ko. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit sunod-sunod itong mga pangyayari?

Makalipas ang ilang oras ay dumating si Mr. Collins sa opisina ni Sir  Greg. Nagkataon naman na nandito ako sa loob ng opisina dahil may pinaayos na mga dokumento si Sir. 

“Sir, we found something.”

Agad akong napatingin kay Mr. Collins.

“What is it?” tanong ni Greg.

“Grace's car was found in a secluded area outside the city.”

Nanlaki ang mga mata ko. Pero naroon pa rin ang pagtataka.

“What? Is she there?”

Umiling si Mr. Collins bago sumagot.

“Unfortunately, no. Her car was abandoned. We also found her cellphone inside.”

Napahawak ako sa gilid ng mesa. Hindi maaari. Paano nangyari ’yun? Paanong nangyaring bigla na lang nawawala ang pinsan ko?

“Did you check the phone?” malamig na tanong ni Sir Greg.

“Yes, Sir. Our team recovered several messages. There's a conversation involving a hotel, and one of the names mentioned was Dexter Simon.”

Biglang nanikip ang dibdib ko. Dexter? Siya na naman? Bakit palagi na lang siyang involved sa mga pangyayari?

Napatingin ako kay Sir Greg, ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtatanong.

“Send me all the recovered messages. I want to know who she's been communicating with and what her connection is to Dexter Simon,” si Sir Greg ang sumagot.

“Understood, Sir.”

Nang tuluyang makaalis si Mr. Collins ay ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin ni Sir. Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. Tapos na rin ang pinapagawa niya.

“Sir . . .” mahinang sambit ko.

Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga magulang ni Grace. Paano na lang kung hahanapin nila sa akin si Grace?

“Is my cousin involved in this?” walang kagatol-gatol kong tanong.

Sana lang talaga hindi involved si Grace sa nangyayari dito ngayon sa kompanya.

“I don't know yet.”

“Then what about Dexter? Bakit siya paulit-ulit na lumalabas sa mga dokumentong may kinalaman sa akin?”

Hindi agad sumagot si Sir Greg. Sa halip ay tumayo siya at lumapit sa malaking bintana ng kanyang opisina.

“There's a possibility that our encounter at the hotel wasn't accidental.”

Parang binuhusan nang malamig na tubig ang buo kong katawan. Posible nga bang sangkot si Dexter dito?

“What? Bakit naman po niya gagawin ’yun?”

Lumingon siya sa akin.

“Someone may have deliberately arranged that night. Dahil kung hindi, bakit ako napunta sa room mo at bakit hindi na rin bumalik ang escort na sinasabi mo?”

Hindi ako nakapagsalita. May punto si Sir Greg. Bakit nga ba hindi na bumalik ang lalaking nirentahan ko nang gabing ‘yun? 

Ibig sabihin, maaaring hindi simpleng pagkakamali ang nangyari sa hotel? May taong nagplano na mapunta siya sa silid ko?

Pero bakit? At ano ang kinalaman ni Dexter sa lahat ng ito?

“Sir, I want to know the truth,” sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Napalunok ako nang matitigan siya sa malapitan. He was incredibly handsome. He had a sharp nose, a well-defined jawline, and a pair of eyes that always seemed serious. He was tall, broad-shouldered, and carried himself with elegance. He looked every inch like a wealthy and powerful man—cold, intimidating, and undeniably attractive.

Tinitigan niya ako nang ilang segundo.

“I'll find out, Irish. But for now, I need you to stay out of trouble.”

Tumango ako kahit napakarami ko pang gustong itanong.

Kinabukasan, habang abala ang buong departamento sa paghahanda para sa nalalapit na engagement celebration nina Sir Greg at Miss Ivy, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang tensiyon sa paligid.

Malaki ang event na gaganapin sa isa sa mga pag-aari ng Santilan International Corporation. Maraming bisita ang inimbitahan, kabilang ang mga business partners, investors, at mahahalagang personalidad. Bilang isa sa mga empleyadong naatasang tumulong sa paghahanda, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang mga utos ng aming department head.

Samantala, ilang beses kong nakita si Sir Greg na nakikipag-usap sa mga opisyal ng kompanya. Hindi niya ako gaanong pinapansin, ngunit may mga pagkakataong nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

Agad kong iniwas ang aking paningin. Hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan ang mga kilos niya. May fiancée siya at kahit hindi maganda ang relasyon nila ngayon, hindi pa rin tama na magkaroon ako ng anumang pag-asa sa isang lalaking nakatakda ng magpakasal sa iba. Ayaw ko ring maulit na naman ang dati. At kung titibok man ulit ang puso ko, sana sa tamang tao na. Sa taong hindi gugustuhing saktan ako.

“Miss Fuentes.”

Napalingon ako. Si Sir Greg.

“Yes po, Sir?”

“Have you eaten?”

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. 

“Not yet, Sir. I’m still working on the arrangements.”

“Then take a break. You’ve been working since this morning.”

“I'm fine, Sir.”

Hindi siya sumagot agad. Sa halip ay inilapag niya ang hawak na folder sa mesa.

“That's not what I asked.”

Napatingin ako sa kanya.

“Yes, Sir. I'll take a break.”

Tumango siya bago umalis.

Napailing ako nang bahagya. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ‘yun. Minsan napakalamig, minsan naman ay may ganitong pagkakataong ipinakikita niyang nag-aalala siya. Pero hindi ako dapat magpadala. Hindi ngayon. Lalo na’t ilang oras na lang at magaganap na ang pag-aanunsyo ng kasal nila ni Miss Ivy.

———

“Ang ganda naman ni Miss Ivy!”

“Oo nga! Ang mahal pa ng suot niya!”

Tahimik lang akong nakatayo sa harap habang dinig na dinig ko ang mga bulungan sa paligid. Maraming tao ang dumalo sa selebrasyon. Sa kabilang side kung saan nakatayo sina Sir Greg at Miss Ivy ay doon nakaupo ang pamilya ni Sir Greg. 

“Okay! Ladies and gentleman! Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na maraming-maraming salamat sa pagpunta ninyo sa selebrasyong ito!” anunsyo ni Mr. Collins. 

Nagpalakpakan ang mga bisita. Ibinigay ni Mr. Collins ang mike kay Sir tanda na siya na ang magsalita sa harap. Napalunok ako nang makitang kapit na kapit ang paghawak ni Miss Ivy sa balikat niya.

“Good evening, everyone! Gusto ko lang pong magpasalamat—”

“Itigil ninyo ’yan! Walang magaganap na kasal dahil kasal na sa iba ang babaeng ’yan! Nilinlang kayo ni Ivy!”

Lahat napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang dali-daling lumapit sa kinaroroonan nina Miss Ivy at Sir Greg na may hawak na brown envelope. 

“Who the hell are you? Bakit ka nanggugulo rito?” tanong ni Sir Greg. 

“Kasal na sa iba ang babaeng ‘yan, Sir! May asawa na siya at may anak na! Kaya huwag kayong magpaloko sa kanya! May ebidensya ako, kung ayaw n’yong maniwala, problema n’yo na ‘yan!” derektang sabi ng babae.

Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Sir. Kung kanina ay seryoso siya, ngayon naman ay tila hindi maipinta ang kanyang mukha habang nakatingin sa babaeng katabi niya.

“Totoo ba ang sinabi ng babaeng ’to, Ivy? Totoo bang may asawa’t anak ka na? Niloko mo ako?!”

Halos manginig sa galit ang boses niya habang mariing nakatitig kay Miss Ivy.

“Sa lahat ng taong makakagawa nito sa akin, hindi ko akalaing ikaw pa! How could you lie to me? Ilang taon kitang pinagkatiwalaan at minahal, Ivy pero ito pala ang itinatago mo sa akin?”

“I can explain—”

“Explain what? Na may sarili ka nang pamilya habang nagpapanggap kang walang itinatago? Na ginawa mo akong tanga sa lahat ng pagkakataon?!”

Napailing si Sir habang tumawa nang pagak. 

“Tell me, Ivy. May balak ka ba talagang sabihin sa akin ang totoo?”

“Please, let me explain. Just calm down.”

“Don’t you dare ask me to calm down! You owe me the truth. And I want to hear it from you—not from someone else!”

“Fine! Gusto mo nang katotohanan? Sige, ibibigay ko sa ’yo  Greg! Hindi naman talaga kita minahal. At never kitang pipiliing mahalin! Ginamit ko lang ang engagement na ito para makuha ko ang tiwala ninyo at para may access ako sa kompanya at negosyo ninyo!” 

“How dare you! How could you do this to us!” 

Tumawa si Miss Ivy habang pumapalakpak. 

“Ang tanga-tanga mo lang kasi, Greg. Ang bilis mong paikutin sa mga palad mo! Anyway, thank you pa rin sa lahat.”

Naglakad na si Miss Ivy. Ni hindi man lang mababakas sa mukha niya na nakokonsensya siya sa ginawa niya. Ilang saglit pa ay huminto siya mula sa paglalakad at muling nagsalita na ikinagulat nang lahat.

“Thanks for your Father anyway, Greg.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 6

    GregI couldn't explain why Irish had been constantly on my mind these past few days. No matter how busy I was with work, I couldn't seem to get her face out of my head, especially the way she had looked at me during our last conversation.I wanted her to give me a chance. Hindi ko alam kung gaano katagal ang kailangan kong hintayin, pero handa akong maghintay. Sa unang pagkakataon, gusto kong makilala ang isang babae nang hindi iniisip ang opinyon ng pamilya ko o ang magiging epekto nito sa pangalan ng kompanya.But there was one thing I couldn't ignore.The scandal.Hindi pa rin tuluyang nawawala sa mga balita ang tungkol sa naudlot kong kasal kay Ivy. Mas lumala pa ang sitwasyon nang kumalat ang mga letrato namin ni Irish sa hotel. I knew how cruel people could be, especially when they had no idea what really happened.At ang pinakamasakit, si Irish ang higit na naapektuhan.I picked up my phone and opened our conversation. Ilang minuto kong pinagmasdan ang huli kong mensahe sa kan

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 5

    IRISH POV]I never expected the news about what happened at Sir Greg and Miss Ivy’s engagement celebration to spread so quickly. After the scandal, almost every newspaper and online entertainment page published articles about their canceled wedding. However, things became even more controversial when photos of Greg and me at the hotel surfaced.Hindi nagtagal ay nakarating agad ’yun sa kompanya. Pagpasok ko pa lang sa opisina kinabukasan ay naramdaman ko ang kakaibang pagtingin sa akin ng mga katrabaho ko. May mga nagbubulungan habang dumadaan ako, samantalang ang iba ay hindi man lang nagtangkang itago ang kanilang panghuhusga.“She's the woman in the pictures, right?”“I heard she's the reason the CEO called off his wedding.”“Maybe that's why he keeps giving her special treatment.”Napayuko ako at nagkunwaring walang naririnig. Pero kahit anong pilit kong magpakatatag, hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi nila. Wala silang alam sa totoong nangyari. Hindi nila alam na hindi k

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 4

    [IRISH POV]Napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo ni Sir Greg kay Miss Ivy mula nang matapos ang emergency meeting kahapon. Kung dati ay malugod niya itong tinatanggap sa kanyang opisina, ngayon ay tila wala na siyang interes na makipag-usap dito. Ilang beses ko na ring nasaksihang sinusubukan ni Miss Ivy na lapitan siya, ngunit malamig na tingin lang ang tugon ni Sir Greg.“Greg, can we talk?” narinig kong tanong ni Miss Ivy habang nakatayo sa harap ng opisina ni Sir Greg.“I’m busy, Ivy. Whatever it is, you can discuss it with my secretary.”“But this is about us. We haven’t even talked properly since yesterday.”Ibinaba ko ang hawak kong dokumento at bahagyang napatingin sa kanilang direksyon. Hindi ko intensyong makialam, pero hindi ko rin maiwasang marinig ang kanilang pag-uusap dahil malapit lang ako sa pintuan.“There’s nothing to discuss right now,” malamig na sagot ni Sir Greg.“You're treating me like a stranger!”“Then give me a reason not to.”Natahimik si Miss Ivy. Ila

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 3

    [IRISH POV]“Get out of my office!”Halos mapatalon ako sa lakas ng boses niya. Agad akong napayuko at mabilis na tumango.“Yes, Sir. I’m sorry again.”Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong lumabas ng opisina saka lamang nakahinga nang maluwag nang tuluyang sumara ang pinto.Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Nang makita ko si Sir Greg sa hallway, agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko pa rin alam kung paano siya haharapin matapos ang nangyari nang gabing ’yun.Good heavens! Akala ko talaga katapusan ko na. Akala ko matapos ang pag-uusap namin kahapon ay masesante na ako.Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit siya galit niya sa akin. Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit siya ang napunta sa silid ko nang gabing ’yun. Besides, hindi ko naman alam na CEO pala siya. Saka malay ko ba, lasing ako no’n, e.Mayamaya pa ay tumunog ang telepono sa tabi ko. Kaagad ko itong sinagot.“Bring me a cup of coffee.”“Right away, Sir.”Bakit pati kape ako n

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 2

    “IRISH! Are you out of your mind? Kanina pa kita tinatawagan!”Napangiwi ako habang nakadikit sa tainga ko ang cellphone. Pagkatapos kong makapagbihis ay agad akong lumabas ng hotel. Hindi ko na hinintay pang magising ang lalaking nakasama ko kagabi. Tutal, nag-iwan naman ako ng pera bilang bayad sa serbisyo niya.“Good morning din sa ’yo, Grace,” nakangiti kong sagot.“Good morning? Alas-diyes na ng umaga! Nakalimutan mo bang may trabaho ka ngayon?” Bigla akong natigilan.Shit!Napatingin ako sa cellphone ko para tiyakin kung tama ba ang oras na sinabi niya.“Oh, my God! I’m late!”“Talaga? Ngayon mo lang nalaman? Irish, first day mo ngayon sa bagong trabaho. Huwag mong sabihing nakalimutan mo. Irish, tandaan mo, kilala sa buong Asya ang kompanyang papasukan mo!” bulyaw sa akin ni Grace.Napahawak ako sa aking noo. Paano ko nga ba nakalimutan ’yun? Ilang linggo ko ring hinintay ang pagkakataong ito. Sa wakas ay natanggap ako bilang marketing assistant sa isang kilalang kompanya sa M

  • I Paid for a Gigolo, but Got a Billionaire   Chapter 1

    IRISH POV]“Happy anniversary, sweetheart!”’Yun sana ang mga salitang inaasahan kong marinig mula sa lalaking limang taon kong minahal. Pero sa halip na isang romantikong gabi at isang proposal, isang tagpong hindi ko kailanman inakalang masasaksihan ang sumalubong sa akin.Nakatayo ako ngayon sa pintuan ng silid at halos hindi makapaniwala sa nakita. Ang kasintahan kong si Dexter ay nasa kama kasama ang babaeng buong buhay kong itinuring na kapatid—ang matalik kong kaibigan na si Mia.“Wow! What a beautiful surprise, Irish.”Parang wala lang sa kanila ang nangyari. Parang hindi sila ang mga taong sumira sa pagmamahal at tiwala ko.Nanginginig ang mga daliri ko habang mahigpit na nakahawak sa maliit na kahon na nasa loob ng aking handbag. Nandito ang singsing na nakita ko sa bulsa ni Dexter dalawang araw na ang nakalipas.Akala ko, ’yun ang simula ng bagong yugto ng relasyon namin. Ang hindi ko alam ay ’yun pala ang magiging simbolo ng pinakamalaking kahihiyang mararanasan ko sa tana

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status