Hindi makatulog si Althea.Nasa harap niya ang larawang ipinadala ng hindi kilalang sender. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang label sa kahon.NATIONAL GYMNASTICS TRAINING CENTER.Ilang taon na niyang pilit kinakalimutan ang lugar na iyon.Doon siya unang natutong mangarap. Doon niya ginugol ang halos buong kabataan niya. At doon din nagsimulang gumuho ang buhay na pinaghirapan niyang buuin.Hindi niya inakalang babalik siya roon bilang isang doktor na naghahanap ng katotohanan.Kinuha niya ang lumang folder mula sa cabinet.Nasa loob nito ang ilang dokumento tungkol sa aksidente niya: initial medical assessment, rehabilitation recommendations, at final clearance bago ang huling kompetisyon niya.Tatlong beses na niyang sinuri ang mga iyon noon.Pero ngayon, may isang bagay siyang napansin.Ang batch reference sa isang treatment record ay kapareho ng code na nakita niya sa larawan.PR-001.“Hindi maaari,” bulong niya.Agad niyang tinawagan si Sebastian.Kinabukasan, maagang nagkita si
最終更新日 : 2026-11-25 続きを読む