Sweet Revenge (Tagalog)Naisip ni Emerald na hiwalay na si Jace Higginson matapos ang isang taong pagsasama dahil sa pambabalewala nito sa kanya at hayagang pambababae. Pagkatapos ng limang taon, bumalik siya sa bansa upang makipagtulungan sa kumpanyang pag-aari ng kanyang dating asawa at kung maaari ay makapghiganti na rin.
Ano ang gagawin niya kapag nakita niya ang kakaibang Jace, na hindi siya mapalagay sa tuwing magkikita sila? Ano ang gagawin niya kapag ang kanyang inaakalang dating asawa ay asawa pa rin niya dahil hindi naman pala niya pinawalang bisa ang kanilang kasal? Ibibigay kaya ni Emerald kay Jace ang kanyang karapatan sa kanilang anak na nabuo bago siya umalis at iniwan ito?
Alamin kung paano susubukan ni Emerald na labanan ang sarili niyang damdamin kay Jace at ang pananabik nitong makuha siya ulit habang sinusubukan nitong hanapin ang kanyang yaya na sa kalaunan ay magbubunyag ng kanyang tunay na pagkatao.