Divorcing The Forgotten Heiress

Divorcing The Forgotten Heiress

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-29
Oleh:  novelYstaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
22 Peringkat. 22 Ulasan-ulasan
129Bab
2.2KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Pagkatapos ng tatlong taon ay winakasan na ni Rana ang bisa ng kasal nila ni Bryson Deogracia. Hindi siya pinahahalagahan ng asawa sapagkat may ibang nilalaman ang puso nito. Malupit rin ang pamilya nito sa kanya. Kaya wala nang dahilan upang ituloy niya ang pagdurusa niya sa pamamahay nito. Nararapat lamang na bumalik siya sa dating buhay. Ang buhay na tinalikuran at kinalimutan niya para sa lalaki.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1: Anniversary

Pinunasan ni Rana ang mga butil ng pawis sa kanyang noo habang inilalapag sa lamesa ang huling putaheng inihanda niya.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Bryson kaya mabilis niya muling inayos ang sarili.

“Buti nalang naka-downy ako. Hindi ako amoy ulam!” ngisi niya sa kanyang utak.

Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya nang sa likuran ng asawa ay ang nakangising mukha ni Pey ang tumambad sa kanya.

Tatlong taon na silang kasal ni Bryson, pero tatlong taon din siyang binabalewala nito.

Sa bawat gabing hindi ito umuuwi sa bahay nila, palaging nagpapadala si Pey ng mapanuksong mensahe, mga larawan nilang dalawa ng lalaki na magkasama.

Lantarang pinapamukha nito, kung ano sila ng asawa niya.

Paalala kung gaano siya kahirap sa isang pilit na pagsasamang walang kaligayahan.

Mahinhin na hinawakan ni Pey ang braso ni Bryson at hinamas-himas ito.

"Pasensya na kung biglaan ang pagdating ko, Rana." ngumisi ito. "Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito? Ang galing mo talaga! Hindi tulad ko, mahina ang katawan. Kaya nga hindi ako pinapayagan ni Bry na magluto, dahil ayaw niyang.. nahihirapan ako," anito sa malambing na tinig at tumingin pa sa kanyang asawa.

Mariing kinagat ni Rana ang kanyang mga labi. Pinigilan niyang igalaw ang kamay na may hawak na sandok.

“Nakaranas na kaya ‘tong masampal ng sandok?” aniya sa kanyang utak. 

Ngunit alam niyang sa huli ay siya lang rin ang masasaktan.

Hindi siya ang kakampihan ng asawa.

Ang pagdala sa babaeng ito sa kanilang pamamahay ay matinding paalala na kailanman ay hindi siya mamahalin ni Bryson.

Isa lang ang nasa puso nito. At iyon ay si Pey.

Sarkastiko siyang ngumiti sa dalawa.

"Iba na talaga ang trend ngayon, ‘no? Pati mga kabit ay puwede nang pumasok sa bahay na parang siya ang may-ari? Feeling slayable ka?"  malamig na wika ni Rana.

Napangiwi si Pey na parang batang nasaktan. Halos masuka si Rana.

"Hindi kami ganun ni Bry. Huwag kang magkamali ng akala, Rana.” nakanguso nitong sambit.

“Hindi lang yata sandok ang maisasampal ko rito.” tiim bagang niyang pinipigilan ang mga salitang nasa dulo na ng dila niya.

“Sinabi kasi ng doktor na hindi maganda kung puro takeout lang ang kinakain ko. Kaya nag-ask ako ng favor kung pwedeng makikain rito dahil narinig ko kay Bry na masarap kang magluto." dagdag nito sa mas malungkot na boses.

Lalong kumuyom ang kamao ni Rana.

“Kawawa ang kawali ko rito kapag iyon ang ginamit kong panghampas.”

"Close ba tayo? Kapatid ba kita? Saan mo ba nabili 'yang foundation mo at ang kapal ng mukha mo? Este ng pagkakalagay mo sa mukha mo? Curious lang ako."

Tila pusa itong tumungo.

"Isa lang ang anak ng magulang ko, sa pagkakatanda ko." nakataas na kilay na saad niya rito. "Hindi ba uso ang karinderya sa inyo? Lutong bahay din ang mga ulam doon. At higit sa lahat, nagluto ako para sa asawa ko, hindi para sa 'yo."

Ibinagsak ni Bryson ang palad sa lamesa. Napatalon siya sa gulat at agad na gumihit ang takot sa kanyang dibdib.

"Ano bang problema mo, Rana?! Ganitong klase ba ang pagtrato mo sa bisita? Isang hapunan lang naman, huwag mo ng palakihin."

"Oo nga!" sagot ni Bryenne habang pababa ng hagdan. Ito ang kapatid na babae ni Bryson. Isa ring impakta sa buhay niya.

Nang tumapat ito kay Rana ay humalukipkip ito ng braso at tumaas ang kilay nito.

"Isa pa, kung hindi ka lang pumasok sa eksena at nanggulo, baka si Pey na ang asawa ng Kuya ko ngayon." umupo siya sa hapag-kainan at tinapik ang upuan sa tabi niya. "Halika rito, Feia. Kumain ka nang marami."

Walang nagawa si Rana nang lampasan siya ni Bryson at Pey na humabol pa ng bahagyang bangga sa kanyang braso.

“Ay, sorry.” mahinhing sabi nito.

Umupo na sila.

Magkatabi ang asawa niya at si Pey. Kaya kahit naaalibadbaran siyang katabi si Bryenne ay hindi nalang siya nagsalita.

Nasa harapan niya ang lalaki.

Nakatitig ito ng malamig sa kanya kaya hindi niya inatrasan ito. Hindi sila napapansin dahil masayang nag-uusap ang dalawa.

Sumubo siya ng ulam.

Akala niya ay umiwas na ng titig ang kanyang asawa ngunit nanatili ang tingin nito sa kanya. Tinapatan niya. Kung gaano kalamig ang titig nito ay ganoon din ang sa kanya.

Hindi siya pwedeng pati sa asawa ay magmukhang talunan.

Tinaasan niya ito ng kilay. Ngunit hindi nagbabago ang titig nito sa kanya.

Susubo na sana ulit siya ng pagkain ngunit naiilang siya sa titig nito habang tumatagal.

Malamig ang titig ngunit halos tumalon talon na naman ang puso niya.

"Bwisit na lalaking ito! Nasa tabi na nga 'yung kabit. Kung sa kwarto mo 'yan ginagawa, edi.." halos mapatawa siya sa naiisip.

Napapangisi siya sa naiisip na kalokohan.

Inangat niya ang tingin sa asawa at napangisi ng malawak nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya.

Kumunot ang noo nito. Pumikit siya at dahan-dahang isusubo na sana ang kutsara kahit walang laman nang..

Biglang tumunog ang cellphone ni Bryson. Napadilat si Rana at nasusuyang mukha ni Pey ang nasalubong niya. Inirapan niya nalang ito.

Sinagot ito ni Bryson.

"Sige papunta na ako.” anito at mabilis na ibinaba ang cellphone.

"May kailangan akong asikasuhin sa opisina. Rana, ikaw na ang bahala rito. Hindi ako uuwi mamayang gabi," anito bago umalis.

“Hindi na naman uuwi.”

Napatingin si Rana sa dalawa pang natitirang kasama sa mesa. Nawalan na siya ng gana.

"Tapos na akong kumain. Wag kayong mabulunan sana kayo." malamig niyang sabi bago tumalikod at umakyat sa kanyang silid.

Habang naglalakad palayo si Rana ay nakatitig ang dalawa sa kanya.

"Nagalit yata si Rana. Kasalanan ko ba?" tanong ni Pey na kunwaring nag-aalala.

"Maarte talaga 'yon. Huwag mo nang pansinin, Feia. Tikman mo ito..." sabay bigay ng pinggan kay Pey.

Sa kwarto, nakahiga sa kama, nakatitig sa kisame at malalalim na paghinga ang pinapakawalan ni Rana. Paulit-ulit na inaalala ang nagdaang tatlong taon.

Nag-lelecture si Bryson sa isang unibersidad nang una niya itong makita.

Para siyang outsider na nakasilip lang sa bintana ng klase nito. Agad siyang nabighani.

Ang bawat kibot ng labi nito, ang bawat hampas ng kamay, ang matikas nitong tindig, alam niyang hindi lang siya ang natutulala rito.

Napakabanayad ng boses nito habang nagsasalita sa harapan.

Hindi maikakailang, maraming babae ang humahabol dito. 

He even looked like a model because of his height! His fair skin made him even more freakin' hot. Lalaking-lalaki.

The way his long eyelashes flickered when he spoke made her knees wobble.

Na nag-cocontradict sa kanyang makapal na kilay na tila laging nakakunot, ngunit sa pagkabaliw niya rito, ay mas nagiging attractive pa ito sa paningin niya.

At ang saktong tangos nitong ilong.

“Sarap!” sa kanyang isip.

All in all, he has strong features but can make her heart soft. At ang makasal sa kanya ay tila katuparan ng kanyang pangarap.

Pero lahat nang ito ay bumagsak.

Dahil ang pangarap na ito ang sumira at sumisira pa sa buhay niya.

Oo, siya nga ay banayad at mabait—pero hindi sa kanya.

Oo, siya nga ay malakas at maimpluwensya—pero hindi siya nito ipinagtatanggol.

Para mapanatili ang kanilang marupok na pagsasama, isinuko ni Rana ang lahat. Nagpaka-alila siya sa buong pamilya ni Bryson.

Daig niya pa ang all around na kasambahay, dahil hindi naman siya sumusweldo. 

Naglilinis, nagluluto, nagsisilbi sa mga biyenan.

Ultimo paglalaba sa mga underwear nito ay ginawa na niya. Kahit ilang beses siyang inalipusta ng ina at kapatid ni Bryson ay tiniis niya ang lahat at hindi siya kailanman nagreklamo.

Ang iniisip niya, kung mas magsisikap pa siya at mas magpapasensya, baka makita rin ni Bryson ang halaga niya.

Pero ngayon dinala pa rin niya si Pey dito para makikain. Ano ang susunod? Palalayasin na ba siya sa bahay na ito?

Biglang may kumatok sa pinto, naputol ang pagmumuni-muni niya. Pagbukas niya, bumungad si Pey, mukhang malungkot.

"Rana, patawarin mo ako. Hindi ko alam na anniversary niyo pala ngayon ni Bry. Hindi ko sana ginulo ang gabi niyo.”

"Umalis na si Bryson, Pey. Hindi mo na kailangang magkunwaring mabait." matalim na sagot ni Rana. Pagod nang makipaglaro ng plastik-plastikan sa kanya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(22)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
22 Peringkat · 22 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
Tidak ada komentar
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status