Mark Me, Mr. Lawrenceville
APHRODITE
Ang pungay sa mata tuwing titingin sa kaniya, ang lambot ng titig at kakaibang paghanga sa mga mata.
Halos gustong sampalin ni Margarette ang kaniyang sarili dahil sa mga iniisip. Hindi na, hinding-hindi na babalik lahat sa dati.
"Ngayon lang naman, Marga eh!"
Pinaikot ni Margarette ang swivel chair na kinauupuan at inabot ang ibang papeles sa likurang lamesa.
"Ayoko nga, Nin. Alam mo namang wala akong alam diyan eh."