Michellara
“Kailangan mong gampanan ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan ako ng tagapagmana,” malamig na kondisyon ng tiyuhin ng dapat sana niyang mapapangasawa, na buong puso naman niyang tatanggapin basta’t hindi siya tuluyang maikasal sa taksil niyang groom.
★★★
Isang gabi bago ang kanyang kasal, muntik nang mapahamak si Jane sa tinatahak niyang liblib na daan nang harangin siya ng mga armadong lalaki. Sa gitna ng matinding panganib, desperado siyang tumawag sa kanyang fiancé na si Kian. Pero sa halip na tulong, pangungutya ang natanggap niya habang nasasaksihan ang kataksilan nito kasama ang sarili niyang pinsan na si Scarlet.
Durog sa dobleng pagtataksil, dumating si Aviv Averoné, ang tiyuhin ni Kian, at iniligtas siya mula sa kapahamakan. Dahil sa galit at desperasyon, nakiusap si Jane na ito na lamang ang pumalit bilang groom niya.
Isang katahimikan ang namayani matapos ang kanyang pakiusap. Ngunit kalaunan ay pumayag din si Aviv kapalit ng isang malamig na kondisyon: kailangan niyang gampanan ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan ito ng tagapagmana.
Inakala ni Jane na ang kasal nila ni Aviv ay isa lamang malamig na transaksyon. Pero unti-unti niyang napagtanto na higit pa sa isang kasunduan ang nais nitong mabuo sa pagitan nila.
Ngayong pag-aari na siya ng makapangyarihang tiyuhin ng kanyang dating fiancé, isang bagong laro ng pag-ibig at pagnanasa ang magsisimula.
Sa pagitan ng malamig na kasunduan at nagbabagang emosyon, mahahanap ba ni Jane ang tunay na kaligtasan sa piling ng lalaking kanyang pinili?
10.8K