Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake
"Ang pagibig ay tulad ng isang sugal, gaano man lalaki ang panalo kung sa maliit na halaga ay takot ka ng matalo.Hinding-Hindi ka papaldo" Abby
"Run and hide all you want Abby, pero kahit saang sulok ng mundo ka man makarating, pag-aari kita at yun ang hindi mo matatakasan." Drake
Si Abby, ulila na sa ina, ay araw-araw na nagtitiis.Talamak kasi sa sugal ang ama niya, kaya mula nang iwan sila ng yumaong ina, siya na ang nagpapakahirap para mabuhay silang dalawa. Mahirap nga namang palakihin ang magulang, madalas na hinaing niya.
Para mabuhay, nagtitinda siyang kendi, tubig, sigarilyo,siomai at kung anu_ano pa sa umaga, sa isang paradahan ng mga jeep. Sa gabi naan ay ume-extra siyang dishwasher sa isang karaoke bar. Dahil kailangang gampanan ang responsabilidad sa maaga edad,hindi na niya natapos ang pag-aaral, kailangan niyang magtrabaho para sa kanila.
May naiwan sanang mana ang ina niya mula sa pamilya nito na hindi nila nakilala at hindi man lang bumisita sa ina niya.Pero lahat iyon ay naubos ng ama niya dahil sa sugal.
Labing walong taon si Abby ng dumating ang masamang balita. Dalawang lalaki, naka-coat and tie, ang dumating at sinabing kukunin na nila ang collateral ng utang ng ama niya.
Nagulat si Abby, pero mas lalo siyang nagulantang nang malaman na siya pala ang collateral.Hindi kasi natupad ng ama niya ang pangako nitong babayaran ang utang sa casino sa loob ng anim na buwan.
Nanlilisik ang mga mata ni Abby habang nakatingin sa ama. Pagkatapos, may kinuha ang lalaki sa bulsa—isang makapal na sobre. “Ito po ang karagdagang limang milyon para sa inyo, sabi ni Boss.”
Ibinenta siya ng ama sa lalaking tinatawag niyang noong Uncle Drake,na ayon sa ama niya ay kinakapatid daw ng yumao niyang Ina.