분야별
상태 업데이트 중
모두진행 중완성
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
Romance
9.9168.7K 조회수연재 중
리뷰 보기 (31)
읽기
서재에 추가
Analyn Bermudez
Hala!! grabeh Tama nga ako binayaran pla SI Judy ni Tiffany hays..Buti nlng nabisto niya agad...sana maputulan din Ng pakpak itong mahaderang nanay ni Harrison sobrang kontrabida na Ms A asan naba Sina grandpa at grandma baka skali Sila Ang makaputol sa sungay Ng nanay ni Harrison hahaha
Chelle
Hello Guys! Happy to share this achievement to all of you that this book is got promoted to non-exclusive to exclusive. This is all for you my dear readers. CONGRATULATIONS sa ating lahat. Thank you sa walang sawang pagsuporta sa story na ito. God bless you all ......🫶🩷...
전체 리뷰 보기
Defend Me, Ninong Azrael

Defend Me, Ninong Azrael

Lumaki si Lara sa isang mahirap at magulong pamilya. Lasinggero ang ama, at madalang ang ina sa bahay dahil sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pagkamatay ng ina dahil sa isang "aksidente," nagsimula ang kanyang paghihirap. Sa edad na 16, sinaktan siya at inabusong sekswal ng kanyang tiyuhin at pinsan. Ang pinakamasakit, pati ang ama niya na dapat ay maging sandalan niya, ay pinagtangkaan din siyang abusuhin. Dalawang beses siyang nagbuntis at nagpa-abort sa pamimilit na rin ng mga hayup na nang-abuso sa kanya. Sa edad na 18, tumakas siya at nagmakaawang makapasok sa kumbento. Doon niya aksidenteng nakita si Azrael Fove, isang mayamang abogado na "ninong" niya. Tinulungan siya nito at kinupkop. Nangako rin ito na proprotektahan siya at kailanman ay hindi nito uulitin ang ginawa ng mga lalaking sumalbahe sa kanya. Ngunit paano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay malabag ng Ninong Azrael niya ang pangako nito at magbunga pa iyon ng isa na namang binhi sa kanyang sinapupunan? Paano kahaharapin ni Lara ang pagbabalik ng matinding takot na minsan na niyang kinasadlakan, matapos isang lalaki na naman ang dapat na proprotekta sa kanya ang siya pang muling nagwasak sa kaniya? At kahit pa sabihin niyang may namumuo na siyang pagtingin ko sa lalaki, paano niya pa rin niya haharapin ang katotohanan na magkakaanak na sila nito? Gayong bago pa siya pumasok sa buhay nito ay meron nang babae na mahal at nakatakda nang pakasalan nito?
Romance
103.0K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
The Pregnant Virgin

The Pregnant Virgin

Angielyn Jarina is supposed to be the sole heiress of her deceased parents inheritance kung hindi lang sana sumingit sa eksena ang bruhang step sister ng kanyang ama na siyang umangkin sa lahat ng mana na dapat ay nakapangalan sa kanyang papa. They're living just fine pero nayanig ang kanyang buhay sa biglaang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ang insidenteng ito ang nagtulak sa kanya para bawiin ang dapat ay pag-aari nila. Nag-iisa na lang siya! She got no parents now to wipe her tears when she feels so down. Kailangan niyang makuha ang gusto! Pero may malaking pero sa sitwasyon. Magiging posible lang ang nais niyang mangyari sa isang kundisyon — within a year, she must get pregnant! But she didn't want to take the risk of being a stranger's rush hour bride so she planned everything thoroughly. Her actions and decisions were calculated flawlessly. Everything is settled... That's what she thought! Pero nagkamali siya. Kung kailan akala niya ay umaayon na sa kanyang plano ang lahat ay saka naman siya biniro ng tadhana. Naihanda na ang lahat. Naisagawa na ang mga dapat gawin sa proseso. Tapos na sana... ang lahat. Not until she found out that she mistakenly used someone's sperm. Mabuti sana kung galing sa isang ordinaryong tao ang kanyang nagamit pero sa dami ba naman ng tao sa mundo, bakit pagmamay-ari pa iyon ng isang kilalang abogado? What will Angielyn do when it's already too late for a plan B?
Romance
9.9107.1K 조회수완성
읽기
서재에 추가
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10627 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Marreid to the secret Billionaire

Marreid to the secret Billionaire

Lumaki si Celestine Navarro sa bahay na kailanman ay hindi naging tahanan. Sa ilalim ng pang-aapi ng kanyang madrasta na si Margarita at ng maldita niyang stepsister na si Veronica, natutunan niyang maging matatag, tahimik, pero palaban. Isang araw, bigla siyang pinapirma sa isang arranged marriage contract—isang kasal na hindi niya maintindihan. Wala siyang ideya kung sino ang lalaki sa papel, at tanging sinabi lang ng abogado ay: “Mas gusto niyang manatiling pribado. Pero simula ngayon, nasa ilalim ka ng kanyang proteksyon.” Ang lalaking iyon ay si Adrian Cruz—isang malamig, makapangyarihang Bilyonaryo at CEO sa isang malaking kumpanya na sanay makuha ang gusto niya. Sa harap ng mundo, isa siyang taong walang emosyon at walang kahinaan. Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan, may lihim siyang dahilan: minsan niyang nasaksihan kung paanong hinamak si Celestine ng sarili nitong pamilya. At mula noon, hindi na siya mapalagay. Tahimik niyang inayos ang kasunduan ng kasal—isang paraan para masiguro na walang sinumang makakasakit kay Celestine muli. Habang patuloy siyang binabastos at minamaliit ng mga Navarro, patago namang nakamasid sa kanya ang lalaking handang ipaglaban siya… kahit hindi pa niya kilala. Hanggang isang gabi, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero: “Hindi mo na kailangang harapin sila mag-isa.” —A.C. Hindi niya alam, ang lalaking iyon ay ang mismong asawa niyang hindi pa niya nakikita—ang lalaking tahimik pero mapanganib magmahal. At kapag dumating ang araw na mabunyag ang katotohanan, malalaman ng lahat… na ang babaeng minamaliit nila ay asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki sa lungsod.
Romance
10248 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Trystan Lerwin Wuizon

Trystan Lerwin Wuizon

breathe.shaiy
Trystan Lerwin Wuizon is known for being a young, handsome billionaire and woman hater. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kaniyang ina sa ama niya. He hated her because she chose her boyfriend over him. Si Ashanti Ruiz Salazar ay anak ng isang doktor at abogado. Ang gusto ng mga magulang niya ang maging isa siyang doktor, abogado o enhinyero. Pero ang gusto niya ay ang maging isang flight attendant. Hinayaan siya ng mga magulang niya dahil akala nila ay magbabago pa ang isip ni Ashanti. Butthey found out that Ashanti enrolled in a different school just to be a flight attendant. Due to disappointment, pinalayas nila ang anak at sinabing bahala na siyang buhayin ang sarili niya. Walang kaso ito kay Ashanti dahil matagal niya na itong pinagplanuhan. She had different part time jobs para madagdagan ang savings niya. So, she'll survive. Years after, she graduated and finally reached her dream. Her batch celebrated their success at a newly opened bar. It was the grand opening kaya discounted lahat. Pinaghalong saya at lungkot ang naramdaman ni Ashanti. Saya dahil natupad na ang pangarap niya at lungkot dahil hindi pa din siya kinakausap ng mga magulang niya. Uminom siya hanggang sa tuluyan na siyang malasing. Pagkagising niya kinabukasan ay wala siyang matandaan at nasa isang hindi pamilyar na kuwarto na siya habang nakahiga sa tabi ng isang lalaki nang walang kahit na isang saplot sa katawan. Dahil sa takot at kaba, agad na nagbihis si Ashanti at umalis. Hindi na siya nagpakita pa kahit kailan sa lalaking iyon. Lumipas ang ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya at ang ama ay isang estranghero para sa kaniya! Magkikita pa kaya silang muli? O mananatili na lamang isang sikreto ang naging bunga ng isang mainit na gabing pinagsaluhan nila?
Romance
5.8K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.7K 조회수완성
읽기
서재에 추가
이전
1234
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status