The Triple Crown's Treasure
Title: The Triple Crown's Treasure.
SYNOPSIS
Sa edad na 21, biglang gumuho ang mundo ni Cherry. Ibinenta siya ng mga sakim niyang kamag anak. Ang nakabili sa kanya? Walang iba kundi ang mayaman at makapangyarihang head ng San Miguel family.
Si Cherry ay isang passionate na writer at painter, ito ang mismong trabaho niya kung saan siya kumikita at nabubuhay. Pero para magkaroon ng kakaiba at nag liliyab na inspirasyon sa mga sinusulat niyang bestseller erotic novels at mga paintings, secret habit niya ang makipag one night stand sa mga total strangers. Ang bago at tahimik niyang buhay ay biglang magugulo nang makilala niya ang kanyang tatlong bagong stepbrothers.
Sila ang tatlong bilyonaryong tagapagmana na may hawak din sa madilim na mundo ng underground syndicate.
Pero may isang malaking sikreto na hindi alam ng stepfather niya, bago pa man sila naging magkakapamilya, nakasama na ni Cherry sa kama ang bawat isa sa kanila sa magkakaibang oras at lugar!
Habang sinusubukan ni Cherry na mag focus sa trabaho at sining niya, unti-unting masisira ang boundary nila bilang "magkakapatid." Nang malaman ng tatlong magkakapatid ang secret habit niya, magsisimula ang isang selos at nakababaliw na obsesyon.
Dito na malalaman ni Cherry ang totoong dahilan. Hindi siya inampon dahil sa awa. Dinala siya sa pamilyang ito para maging sentro ng mundo ng tatlong magkakapatid. Sa piling ng isang stepfather na nagbubulag bulagan lang at sa higpit ng kapit ng tatlong gwapo at mapanganib na heirs, malulunod si Cherry sa karangyaan at bawal na pag ibig.
Mapanganib ang mundong ito pero para sa isang artist na naghahanap ng wild na inspirasyon, baka ito na ang kanyang ultimate masterpiece.