The Maid Who Stole My Heart (Filipino)
Tumango muli siya sa harapan ko at nagsalita, "Oo. Pinagdarasal ko talaga ang mama n'yo para gumaling na talaga ito nang tuluyan. Naawa kasi ako sa inyo ng mga kapatid mo, eh. Hindi madali ang problemang kinakaharap n'yo ngayon. Malalampasan n'yo rin ito. Magtiwala lang talaga kayo sa Panginoon dahil Siya na ang bahala na ayusin ang lahat. Hindi Niya kayo pababayaan basta maniwala lang kayo sa Kanya."
Nginitian ko ang aking kaibigan na si Izza sa sinabi niyang 'yon sa akin. "Maraming salamat sa sinabi mong 'yon sa akin, Izza. Maraming salamat rin na pinagdarasal mo ang mama ko na gumaling na ito. Maraming salamat talaga sa 'yo!" naluluhang sabi ko sa kanya.
인기 회차