LOGINIpinagkasundo sina Zoila Cortez at Genesis De Sandoval upang mas mapalawak ang kapangyarihan at kayamanan ng kanilang pamilya. Subalit hindi nila mahal ang bawat isa. Isa lamang itong bangungot para sakanila. May mahal nang iba si Genesis, at gagawin niya ang lahat mawala lang sa buhay niya si Zoila. Mas magiging komplikado pa ang sitwasyon sa pagpasok ni Jaxen Valviero. Isang lalaking makapangyarihan, mapanganib, at matagal nang lihim na nagmamahal kay Zoila. Para mapalapit kay Zoila ay nagtago siya sa pangalang Rico De Larna at nagtrabaho siya bilang personal driver nito. Sakanilang palagiang pagsasama mabubuo ang isang pag-ibig na tunay at dalisay. Subalit isang nakatagong sikreto ang nagpabago sa lahat. Isang lihim na kasangkot ang pamilya ni Zoila na naging dahilan upang dumanas siya ng masakit na nakaraan noong bata pa lamang. Namuo ang galit sa puso niya na nagtulak upang iwanan niya sa ere si Zoila, nang hindi man lang niya nalamang nagdadalang-tao ito. Sa paglipas ng limang taon, bumalik siya dahil hindi niya na makayanan ang nalamang kaawa-awang kalagayan ni Zoila sa kamay ng asawa nito. Sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaan pang mawala sakanya ang babae. Gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang babaeng pinaniniwalaan niyang sakanya lamang. Ano ang mangyayari sa muling pagpasok ni Jaxen sa buhay ng mag-asawa? Magiging masaya ba talaga si Genesis kung tuluyang mawawala si Zoila sa buhay niya? O gagawa siya ng paraan upang maibalik ang asawang natutunan niyang mahalin kung kailan huli na ang lahat? Maibabalik pa rin ba sa dati ang pagmamahalan nina Zoila at Jaxen na minsan nang winasak ng lihim at masakit na nakaraan? Sa magulong buhay pag-ibig na kinasangkutan ni Zoila, ang kasal ba sa lalaking walang pagmamahal o ang lalaking iniwan man siya pero hindi siya magawang pakawalan… SINO ANG PIPILIIN NIYA?
View MoreZoila's POV"Hi. Nice to finally meet you... Genesis's wife." sarkastikong bati ng babae, saka tumayo mula sa pagkakaupo.Nakataas pa ang kilay niya."I'm Arianna Monteluz, Genesis's girlfriend. The woman Genesis truly loves... and the wife he was supposed to marry."Tinaasan ko rin siya ng kilay.Infairness, maganda rin siya, maputi, kulot ang mahabang buhok, at may cola-cola body pero kahit na, unang tingin ko pa lang halatang demonyita na ang ugali niya.At hindi kami magkakasundo nito.Tinignan niya ako mu
Zoila’s POVHindi ko sinabi agad kay Rico ang nabasa ko, basta pinauwi ko na siya pagkapasok niya sa kotse sa may parking lot.Kinakabahan ako sa pagpasok sa mansion. Alam kong nariyan si Genesis. Pero hindi ko alam kung paano siya haharapin.Ano ba ang dapat maramdaman ng isang babae sa muling pagbabalik ng asawa niya pagkatapos ng isang buwang hindi pagkikita? Hindi ba dapat pagkasabik?Pero…Kabaligtaran ang nararadaman ko ngayon.Ayaw ko siyang harapin. Galit ako sakanya.Akma ko nang pipihitin an
Jaxen’s (Rico) POVNakaramdam ako ng masamang impresyon sa ginang na pumasok. Bago lumabas ang ginang na si Mrs. De Sandoval, tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa saka tumingin ng mapang-insulto.Mga mayayaman talaga, madalas matatapobre.Maya maya nakarinig ako ng mahinang paghikbi. Nagmumula sa kusina.Nakita kong umiiyak si Zoila, Nakaupo siya sa sahig. Agad ko siyang nilapitan. Nanikip ang dibdib ko habang nakikita siyang umiiyak.Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya, at inihilig ko ang mukha niya saaking dibdib. Wala akong naramdamang pagtutol mula sakanya.“Tingin nila saakin, wala akong kuwenta, pangalan ko lang ang sumasalba saakin. Kung hindi ako Cortez, saan ako pupulutin?... yan ang gustong ipamukha saakin ng mga tao,” hagulgul niyang wika saakin.Banayad kong hinaplos ang kanyang likod para i-comfor siya.Hinayaan ko lang siyang magsalita at ibuhos lahat ng sama ng loob.“Siguro nga ang respetong natatanggap ko sa mga tao ay dahil isa akong Cortez, pero
Jaxen’s (Rico) POVHuminga ako ng malalim bago ko clinick ang link. Pagkaclick ko ay pumunta ito sa isang video.Sa una isa itong simpleng video lang nang madilim na mountain road na may plastic water-filled barricades na may reflector bilang babala na may sirang guardrail hanggang sa… ilang segundo lang ang lumipas, isang krim*n ang nakuhaan nito.Isang puting truck na sinadyang harangin ang isang kulay asul na kotse kung saan nakasakay ang isang pamilya.Sinubukang lumihis ng kotse ngunit hinarang at sinadya ng truck na banggain ang kotse sakto sa bahagi ng may sirang guardrail. Sa lakas ng impact ay nayupi ang nabanggang bahagi ng kotse. Hanggang sa ang kotse ay mag-isang bu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.