The Billionaire's Seventh Wife
Naging katatawanan ng buong sambayanan si Zarayah Del Valle nang kumalat ang balitang nakipagrelasyon siya sa isang magsasaka matapos siyang hiwalayan ng asawa. Desperada na raw siya at kung kani-kanino na lang pumatol. Sa galit at kahihiyan na dulot niya sa kanilang pamilya ay itinakwil siya ng mga magulang.
Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay parang asong ulol na naghahabol ulit sa kanya ang dating asawa. Halos magkanda-dapa ito at magmakaawa para lang makuha ang atensyon niya.
"Please, Zarayah. Bumalik ka na sa akin. I'll do anything. Gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ulit ako."
Pumayag ang dalaga sa kagustuhang makaganti dito at sa kanyang kapatid sa ginawa nitong pang-aagaw kay Ethan. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay malalaman ng bago niyang asawa ang kanyang mga pinaggagagawa!
At isang gabi nga, sa loob ng mahabang panahon ay bigla itong lumitaw sa kanyang tirahan ng walang pasabi, wala ng pang-itaas na damit at nagbabaklas ng sinturon. Madilim ang mukha nito at nag-iigting ang panga sabay sabing...
"Get your hands and knees on the bed, my lovely wife. You need to be punish."
•• THIS STORY CONTAINS A LOT OF MATURE SCENES | PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK. ••