Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
10958 viewsOngoingAdded to Library 35 Times as alexander helios
Read
+Library
Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle

Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle

Nang ikasal si Alexandra sa kaniyang asawa ay iniwan niya ang kaniyang trabaho. Pinili niyang manatali sa bahay at asikasuhin lamang ang kaniyang asawa. Ngunit unti-unti niyang nalaman na niloloko siya ng kaniyang asawa. Agad siyang nakipaghiwalay dito. Dahil sa sobrang sakit, nagpakalasing siya at pumunta sa iba’t ibang bar para maghanap ng lalaki. Ngunit nang matapos ang nangyari sa kanina, paggising nila sa umaga, nalaman niyang ang lalaking kaniyang katabi ay ang tiyuhin ng kaniyang asawa. Si Lorence Tyron Mendez, is one of the most feared corporate lawyers, handling high-stakes divorces, business lawsuits, and criminal defense cases. Pareho lang silang lasing ng gabing iyon kaya pinampas nila ito. Umaasang walang nabuo ang kanilang pagsasama sa isang gabi lamang. Dahil iniwan ni Alexandra ang kaniyang asawa, nawala ang lahat sa kaniya. Kaya naman naghanap agad siya ng trabaho. Nagkataon na naghahanap ng secretary si Tyron, at siya ang nakuha para sa posisyon. Akala ni Tyron, ay ginagamit lamang siya ni Alexandra para mawala ang bisa ng kasal. Akala niya ay nagpanggap itong buntis para tuluyang mapawalang bisa ang kasal sa dating asawa. Kaya naman nagalit si Tryon kay Alexandra, pero hindi niya ito kayang sisantihin sa trabaho. Lalo pang lumala ang sitwasyon nang magkamali ng akala si Tyron tungkol kay Alexander, iniisip na may masamang balak ito sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, ang tanging nais lang ni Alexandra ay ang makalaya sa lason na kasal at mabawi ang buhay na isinuko niya noon para sa pag-ibig. Ngunit paano siya makakaalis sa kamay ng traydor niyang asawa, lalo na’t ginagawa nito ang lahat upang pigilan ang kanilang hiwalayan? At sa gitna ng lahat ng ito, paano nila haharapin ang damdamin nilang unti-unting nabubuo para sa isa’t isa? Paano kung sila talaga ang nakatadhana?
108.1K viewsOngoingAdded to Library 219 Times as alexander helios
Read
+Library
The Billionaire Who Watched me Die

The Billionaire Who Watched me Die

Sa loob ng limang taon ng kasal, buong puso at kaluluwa na ibinigay ni Theariza Huston ang sarili upang maging karapat-dapat na asawa ng makapangyarihang si Alexander Huston. Tiniis niya ang malamig na tingin ng pamilya nito, ang mga bulong sa likod ng kanyang likod, at ang sakit ng paulit-ulit na tanong—“Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang anak?” Araw-araw niyang pinilit maging perpektong asawa. Nagdasal. Umiyak nang palihim. Umasa na balang araw ay muli siyang titingnan ng kanyang asawa tulad ng dati—na may pagmamahal. Ngunit habang lumilipas ang mga taon, unti-unting naging malamig ang lalaking minsang nangakong siya lamang ang mamahalin. Hanggang dumating ang araw na tuluyan siyang sinukuan. Sa utos ng pamilya Huston, napilitan siyang tanggapin ang isang surrogate mother—ang perpektong si Althea Montoya. Maganda. Elegante. At may kakayahang ibigay ang tagapagmanang hindi niya kayang ibigay. Ngunit ang babaeng iyon ang naging simula ng kanyang pinakamadilim na bangungot. Sa kanyang unang buhay, ninakaw sa kanya ang lahat—ang kanyang dignidad, ang kanyang asawa, at maging ang kanyang karapatan bilang legal na asawa. At sa huli, pinatay siya ng mismong mga taong pinili niyang mahalin at pagkatiwalaan. Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang kwento. Nagising siyang muli… sa nakaraan. Sa kanyang ikalawang buhay, sinubukan niyang baguhin ang kapalaran. Naging maingat siya. Lumayo. Nanahimik. Ngunit kahit anong gawin niya, tila nakatakda pa rin ang kanyang kamatayan. Muli siyang pinatay. Ngayon, sa kanyang ikatlong buhay, bumalik siya na may dalang galit, alaala, at katotohanan. Hindi na siya ang mahina at umiiyak na babae na umaasa sa pagmamahal ng isang lalaking hindi marunong magmahal. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magmamakaawa. Gaganti siya. Makakamit nga ba niya ang paghihiganting matagal niyang inaasam? O ang kanyang ikatlong buhay ang magiging huling pagkakataon para sa isang pagmamahal na matagal na niyang inilibing?
104.1K viewsOngoingAdded to Library 101 Times as alexander helios
Read
+Library
PREV
1
...
345678
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status