The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me
May karapatan pa ba ang lalaking itinapon ka noon na bawiin ka ngayon?
Sa ika-25 linggong pagbubuntis, nahuli ni Gaile Enriquez ang sarili niyang asawa, hindi sa kama, kundi sa ospital, habang siya’y nagpapa-check up para sa anak nilang ipinagbubuntis niya. Tinawag pa siyang “Aunt” ng bata at magandang babaeng na kabit ng asawa niya.
Ang mas masakit, walang makikitang kahit kaunting hiya, ni katiting na awa sa mga mata ni Kaiden Montelvar, isang ruthless trillionaire CEO na sanay mangwasak hindi lang sa negosyo, pati na ng puso. Para sa kaniya, si Gaile ay isang babaeng social climber, isang babaeng handang gawin ang lahat para umangat, kahit gamitin ang kama upang itali siya sa isang kasal. Ang hindi niya alam, walong taon na siyang lihim na minamahal ni Gaile. Kaya sa isang iglap, walang paliwanag. Walang awa. Divorce papers ang inabot niya. Sa araw na iyon, gumuho ang mundo ni Gaile. Walong taon ng pagmamahal, sakripisyo, at pananahimik, lahat binura sa isang pirma.
Nanganak siya. Umalis. At tuluyang naglaho. Limang taon ang lumipas. Bumalik si Gaile, malayo sa dating babaeng minamaliit. Isa na siya ngayong makapangyarihang negosyante. Elegante, matalino, at hinahabol ng mga lalaking handang ibigay ang mundo sa kanya.
Ngunit... hindi pa pala sila tuluyang na-divorce ni Kaiden.
At nang ipinahayag ni Gaile ang kanyang engagement sa ibang lalaki, tuluyang nawala sa kontrol si Kaiden.
“Marry another man?” aniya, mapait at puno ng sakit ang boses habang kinukulong sa kaniyang bisig si Gaile nakadantay sa pader.
“Over my dead body, Gaile. I’ll take you back, kahit sa anumang paraan. You’re still my wife. Sa akin ka lang.”