Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Forever Love

My Forever Love

Dugong_Bughaw
Sa murang edad ni Clariza ay natutunan nyang umibig. Subalit ang una niyang pag-big ay hindi katulad ng pangkaraniwan sapagkat hindi niya nakita si Joseph. Sa pamamagitan lamang ng text sila nag-usap at sa ganoong paraan niya ito minahal. Nagpakilala si Joseph kay Clariza bilang pump attendant ng isang gasoline station. Lingid sa kaalaman ng dalaga na nag-iisang tagapagmana ang binata ng pamilya Villa Fuente at Monreal. Itinago ng binata ang kanyang estado sa buhay upang sukatin ang pag-ibig sa kanya ng dalaga. Naging tapat naman ang pag-iibigan nila pero isang araw ay nagbago iyong lahat. Dahil sa isang mabigat na dahilan ay nakipaghiwalay si Joseph kay Clariza. Labis na ikinadurog ng puso ng dalaga ang biglaang pakikipaghiwalay sa kanya ni Joseph. Mula noon ay nangako si Clariza sa sarili niya na hindi na siya iibig pang muli. Mabilis na lumipas ang sampung taon. Lingid sa kaalaman ni Clariza ay matagal na siyang nagtatrabaho sa lalaking nanakit sa kanya. Si Engr. Joseph Kristian Monreal Villa Fuente. Isang kilalang inhinyero at isang multi-billionaire. Tatlong taon siyang hindi umuwi sa Pilipinas dahil sa kagagawan ni Venus, ang babaeng sumira ng maganda nilang relasyon ni Clariz. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay dumeretso siya sa resort na pag-aari niya. Nakilala niya nang personal ang supervisor na laging ipinagmamalaki sa kanya ng kanyang assistant. Sa unang pagtatama ng paningin nila Joseph at Clariza at sa simpleng ngiti ng dalaga ay agad na nahumaling ang binata. Dala ng kuryusidad ay natuklasan ng binata na ang babaeng napupusuhan niya ay siya rin ang babaeng iniwan at sinaktan niya sampung taon na ang nakalipas. Pano makukuhang muli ni Joseph ang puso ni Clariza? May pangalawang pagkakataon pa ba ang kanilang magmamahalan gayong hindi na handang muling umibig ang dalaga?
Romance
10856 viewsOngoing
Read
Add to library
Dalawang Nakanselang Kasal

Dalawang Nakanselang Kasal

Sa gabi ng aking kasal, nasagasaan ako ng kababata ng aking fiancé. Nilagay nito sa panganib ang aking buhay. Sinubukan ng aking best friend na tawagan ang aking fiancé, pero agad niyang ibinaba ang tawag. Pinadalhan niya rin ito ng isang text message. “May sakit si Ruth. Wala akong oras para riyan.” Tinawagan ng aking best friend ang kaniyang boyfriend na isang artista na may malawak na koneksyon. Pero sinabi nito na, “May sakit si Ruth. Kailangan niya ako sa tabi niya ngayon.” Pagkatapos ng isang gabi ng resuscitation, tiningnan namin ang isa’t isa sa ward bago kami sabay na magsalita. “Ayaw kong magpakasal.” Pero nasurpresa kami nang mawala sa sarili ang aming mga fiancé nang ikansela namin ang aming mga kasal.
Short Story · Romance
481 viewsCompleted
Read
Add to library
Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Mhiya Anne, 17 years old, is a hardworking high school student juggling studies and work in the public market just to survive. Wala na siyang pamilya — mag-isa na lang siya sa buhay. Pero isang gabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis siya ng kaklase niya matapos ang isang gabing di niya maalala—isang gabing lasing siya at walang matandaan. Pinatira siya ng pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Sa una, mabait. Pero nang mailabas ang anak niya, nagsimula ang totoong hirap. Pinilit siyang magtrabaho muli dalawang buwan pa lang ang nakakalipas mula sa panganganak, para raw “makabawi.” Ang mas masakit, ang ama ng kanyang anak may iba na — at never siyang pinanindigan. Hanggang sa isang araw, tumanggap siya ng text na bumasag sa puso niya: *“Dinala na namin sa ospital ang anak mo. Mataas ang lagnat. Maghanda ka ng malaking pera. Hindi kami magbabayad pang hospital ng anak mo. Kulang pa ang binibigay mo kada linggo.”* Luhaan siyang tumakbo sa ospital kahit walang-wala. Pero huli na ang lahat. Hindi na niya inabutan ang anak niya nang buhay. Doon gumuho ang buong pagkatao niya. Ang nag-iisa niyang dahilan para mabuhay… nawala. At sa araw ding ‘yon, wala na rin siyang dahilan para lumaban — hanggang sa isang hindi inaasahang babae ang lumapit sa kanya. Si Lorainne Montemayor. At isang alok ang magbabago sa buhay niya **Lorenzo Montemayor**, 30 years old. Gwapo. Matalino. Mayaman. Kilala sa mundo ng negosyo. Pero sa likod ng tagumpay ay isang pusong sugatan — iniwan ng kanyang long-time childhood fiancée, na nag loko pa at hindi kayang panindigan ang kanilang anak. Ayaw ng babae sa responsibilidad, iniwan ang lahat kay Lorenzo. Dalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang sugat. Pero iisang dahilan kung bakit sila natutong lumaban — **ang kanilang anak.**
Romance
120 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
789101112
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status