Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora? ----- Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord. Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway. May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan? ---- Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito. Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya? ---- Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo. Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?
Romance
107.5K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire

Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire

Isang pagkakamali ang naghatid kay Yanna del Valle sa isang di-inaasahang gabi. Isang estranghero ang napag-alayan niya ng kanyang sarili. Nang magising ay saka niya napagsino ang lalaking umangkin sa kanyang pagkabirhen. Walang iba kundi ang batang Banking Magnate na si Alessio Vann Dimarco, matipuno ngunit ubod ng lamig kung makitungo. Nais man niya itong iwasan ngunit tila ang kilalang bato at isang malamig na CEO ay hindi siya tinatantanan. Hanggang sa dumating ang araw na siya naman ang lumapit dito upang makipagkasundo. Isang kasunduan na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Inalok niya ito ng kasal upang makuha ang bagay na nararapat para sa kanya, ang yaman na pilit inaangkin ng pangalawang pamilya ng kanyang ama. Ngunit ang kasunduang ito ay higit pa sa kanyang inaasahan. Naroon ang bukas na walang kasiguraduhan at mga tagpong nagpapasabik nang husto sa kanyang puso. "Marry me, Mr. Dimarco. After a year, let's file an annullment. Iyon lang ang hinihingi ko." "Hmm... Sa tingin mo ba'y gano'n lang kadali ang hinihingi mo? Dimarcos don't do that, my butterfly." Agad na lumapit ang si Alessio kay Yanna hanggang sa makulong siya sa pagitan ng desk at ng matipunong katawan nito. "I make the rules here. That includes the time when to dispose of you..." bulong nito.
Romance
104.7K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Contract and Promises

Contract and Promises

When assertive and alpha heiress Clara Ardiente is forced to marry a dominant and cold businessman Damon Barreto, she'll have the almost but quite life. Hindi niya pa nakikilala ang businessman na magsasalba sa kanila. With their empire falling, she is desperate enough to marry that man just to save their name and wealth. Ayaw niyang mawala ang lifestyle na nakasanayan niya. Damon is a ruthless businessman and he doesn't want to have a nosy wife. Everything should be part of agreement and contract. But beneath that contract, there's an unspoken affection he can't recognize... and secrets. Hindi naman totoong pusong bato si Damon. Ang totoo ay nang makita niya si Clara ay nagandahan siya sa dalaga. Talagang pasok sa kanyang tipo kaya niya inalukan ng partnership ang pamilya Ardiente. It was easy for him to get what he wanted. Damon and his ways. Well, not for Clara. Nang makilala niya ang kanyang mapapangasawa, nagdadalawang isip siya kung talagang worth it nga ba ang pakikipagkasundo niya para lang isalba ang kanyang karangyaan. To be the wife of a ruthless business and arrogant tycoon? Medyo dehado ata siya. Pero wala na siyang takas. Lalo na noong ibinigay ni Damon lahat ng gusto ng kanyang mismong pamilya. Lalo na't may kontrata. "Go... run away. But you'll never escape me," bulong ni Damon sa kanya. "Leaving me, abandoning that contract won't save you. Kahit saan ka magpunta, you will always be Mrs. Barreto. My last name will mark you wherever you go." Gusto niyang alisin sa utak niya 'yon at magtrabaho nalang para isalba ang pangalan niya, but it was too late. Hindi na siya makakatakas pa... so she needs to live with only rule; no attachments. No falling in love. Just a contract and promises. Or that was she thought so.
Romance
8423 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.1K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
My Sweet Karma

My Sweet Karma

Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story
Romance
1025.6K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Nagunaw ang mundo ni Odessa Gabriel nang mahuli niya ang boyfriend na si Samuel na nakikipagtalik sa kaniyang best friend na si Mila. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kasintahan sa mismo niyang kaibigan, at dahilan pa nito, nagawa niya lang iyon dahil hindi pumapayag ang babae na makipagtalik sa kanya. Lubos na pinahahalagahan ni Odessa ang pagkababae, kaya naman inilalaan niya ang una nilang gabi kapag ikinasal na sila, ngunit hindi nakapaghintay ang nobyo. Dumagdag pa sa problema ni Odessa ang utang ng yumaong ama na kailangan niyang bayaran. Wala siyang pamilya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Agad siyang nag-apply bilang sekretarya sa malaking kompanya. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero likas siyang matalino kaya naman pinalad siya at natanggap. Huli na niyang nalaman na ang boss niya pala ay walang iba kundi si Nicholas Romero, tiyuhin ni Samuel, ang itinuturing ng ama at taong tinitingala ng dating kasintahan. Guwapo, matipuno, at matalino, ngunit mailap sa mga tao si Nicholas. May pumasok na hindi magandang ideya sa isip ni Odessa… Ang akitin si Nicholas. Maganda siya at maganda rin ang katawan kaya naniniwala siyang kaya niya iyon. Alam niyang nilalagay niya sa panganib ang sarili sa gagawin, ngunit desperada siyang makaganti sa dating nobyo. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin ni Nicholas. Madalas na siyang mag-ayos at magsuot ng magagandang damit. Ngunit tila bato ang amo dahil hindi ito nadadala sa mga pang-aakit niya. Pero lahat ay may hangganan, isa na roon ang pagtitimpi ni Nicholas.
Romance
10489 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Madalas nga ay nagpa-practice na siya sa pagsusulat at idudugtong ang apelyido ni Vaughn na Lopez sa kanyang buong pangalan na Samantha Santos. Inspirasyon din niya ito sa kanyang pag-aaral para maipagmalaki siya nito. Samantalang ang binata ay may nobya sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. At nangako na pagkatapos ng sampung taon nito sa modelling career ay magpapakasal na silang dalawa at iiwanan ni Yvonne ang modelling para sa bubuuin nilang pamilya. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Hindi naman siya nagtagumpay dahil nahulaan agad ng binata ang kanyang masamang balak. Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang kasal nila Vaughn at Yvonne. Sinamantala naman ni Samantha ang pagkakataon na ligawan si Vaughn. Wala siyang pakialam kung siya ang humabol sa binatang CEO. Walang nakapigil sa kanya kahit ultimo ang sariling pamilya dahil katwiran niya ay nasa tamang edad na siya at tapos na sa pag-aaral. Ngunit, tila naging bato na yata ang puso ng binatang Bilyonaryo dahil kahit anong panunuyo niya rito ay hindi talaga siya nito pinapansin. Igi-give up na ba niya ang pagmamahal kay Vaughn at ibabaling na lamang ang atensyon sa nakababatang kapatid nito na matagal nang may gusto sa kanya? O maghihintay pa rin siya na mapansin ni Vaughn kahit mayroon na ulit itong bagong nobya?
Romance
10198 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
1234
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status