Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy

Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy

Naiwan si Senna na mag-isang lumalaban para sa apat na taong gulang na anak niyang si Ashley na may leukemia, matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Mavix at ng matalik niyang kaibigan na si Natalia. Ngunit lalo pang nadurog ang puso niya nang malaman niyang hindi pala tunay na ama ni Ashley si Mavix. Nabaon sa utang si Senna nang mapilitan siyang umutang ng isang milyon sa loan shark para lang mabayaran ang hospital bill ng anak niya. At kinabukasan, bigla naman siyang tinanggal sa trabaho. Sa desperasyon at takot na hindi mabayaran ang utang at mapagamot si Ashley, napilitan siyang tanggapin ang trabaho bilang assistant ng malamig, dominante, at bilyonaryong CEO ng Ellington Biopharm Corporation—si Lucien Ellington. Isang lalaking kinatatakutan ng lahat at literal na allergic sa bata. Sa loob ng sampung taon, walang gamot ang nakapagpagaling sa rare condition niya kahit pa kumuha siya ng pinakamahusay na scientists at sariling research team. Ngunit isang araw, si Ashley ang biglang lumapit sa kanya… at sa unang pagkakataon, hindi siya inatake ng allergy. Doon niya naalala ang teorya ng scientist niya noon—na kung may batang hindi magti-trigger ng allergy niya, posible raw na may malalim itong koneksyon sa kanya. Dahil doon, pinaimbestigahan niya si Ashley. Nang malaman niyang minsan na pala niyang nakasama ang ina ng bata sa isang one night stand, agad niya itong pina-DNA test at nag-positive ang result. “Billionaire Daddy, please marry my mommy before I die,” inosenteng sabi ng bata. Tumango si Lucien at humarap kay Senna. “Senna, let's get married. I’ll make sure Ashley gets treated by the best doctors I know. And if you give me another child… half of the Ellington family’s assets will be yours.”
10452 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as best banat
Read
+Library
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
8.6110.9K viewsCompletedAdded to Library 2.9K Times as best banat
Read
+Library
My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby’s Daddy Is My Ruthless Boss (SPG) Matapos mahuli ni Arch. Alex Reyes ang fiancé niyang may relasyon sa sarili niyang best friend sa mismong engagement party nila, isang gabi ng alak, galit, at kahinaan ang tuluyang sumira sa maayos niyang buhay. Sa gabing pilit niyang kinakalimutan, nakilala niya ang isang delikadong estrangherong nagdala sa kanya sa isang gabing puno ng init, tukso, at padalos-dalos na desisyon. Akala ni Alex, mananatili na lang iyong isang pagkakamali na hindi na niya muling babalikan. Pero ilang linggo matapos ang gabing iyon, natuklasan niyang buntis siya. Takot na muling masaktan at iwan, pinili niyang mawala nang tahimik at palakihing mag-isa ang batang dinadala niya. Anim na taon ang lumipas, muling nagkrus ang landas nila nang matanggap si Alex sa pinakamakapangyarihang kompanya sa bansa. Ngunit sa unang araw pa lang niya sa trabaho, parang gumuho agad ang mundo niya. Dahil ang ruthless billionaire CEO na haharap sa kanya ay walang iba kundi si Azrael Laurent. Ang lalaking nakasama niya sa gabing hindi niya malimutan at ang ama ng kanyang anak. Hindi alam ni Alex na matagal nang hinahanap ni Azrael ang babaeng nakasama niya six years ago. Kaya nang matuklasan nitong si Alex pala ang babaeng iyon at ang batang kasama nito ay sarili niyang anak, hindi siya nagdalawang-isip na angkinin ang dalawa. Handa siyang pakasalan si Alex, protektahan ito, at tulungan sa paghihiganti laban sa mga taong sumira rito. Ngunit higit pa roon, determinado si Azrael na gawin ang lahat para tuluyang mahulog sa kanya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Pero hindi ganoon kadaling magtiwala si Alex. Lalo na sa isang lalaking kilala sa pagiging malamig, dominante, at mapanganib. Magiging sapat kaya ang pagmamahal para paghilumin ang sugatang puso ni Alex?
101.4K viewsOngoingAdded to Library 28 Times as best banat
Read
+Library
The Revenge Girl

The Revenge Girl

Thep13
Ang pangarap lang ni Chandria, na makaahon sa hirap at makatulong sa magulang sa pamamagitan ng pagtulong Niya bilang maid, sa lugar na pinagtatrabahuan ng kanyang mga magulang. Wala rin siyang oras makipag-boyfriend o magpaligaw, dahil kailangan niyang tumulong sa kanyang mga magulang. Isa pa, iaarange merraige Siya sa anak ng amo ng magulang Niya, dahil nga ito sa buo o malaking pagtitiwala sa kanila ng mga amo ng kanyang mga magulang. simula nun Nagbago ang lahat o Ang Buhay niya Nung pumayag Siya I arrange merraige sa anak ng amo ng kanyang mga magulang. Buhay prinsesa na siya at 'di na kailangang magpakatulong para kumita ng pera. Pero hindi niya inaasahan na magiging mahirap Pala Ang sitwasyon Niya sa anak ng mga amo ng magulang Niya, dahil tutol ito sa arrange merraige na desisyon sa kanila ng magulang nito na amo ng mga magulang ni chandria. tutol ito dahil mahal Niya lang si chandria bilang kababata Niya. Subalit sa paningin ng magulang Nung lalake, isa lang itong madaling sitwasyon para Kay chandria doon sa anak nila. Hirap si chandria na umakto na sosyal, dahil 'di naman siya lumaking mayaman. at ni Hindi manlang nagawang iappreciate Nung lalake Ang ginagawa sa kanya na pakikisama ni chandria sa kanya. Siya si loyd, ang best friend at love interest ni chandria na ipinagkasundong ipakasal kay chandria ng mga amo ng magulang Niya. guwapo, matalino, pero malamig ang pakikitungo nito Kay chandria, mula nang lumaki na Sila ,dahil napabarkada ng sobra SI Loyd. Paano makaka-survive si Chandria kung ang pagiging asawa Niya Kay loyd ay hindi tanggap ni loyd,at ano ang alam niyang paraan para tanggapin sya ni loyd. Magugustuhan pa kaya siya ni loyd? Mamahalin din kaya Siya ni loyd tulad ng binibigay na pag mamahal Niya Kay loyd.
107.3K viewsOngoingAdded to Library 159 Times as best banat
Read
+Library
PREV
1
...
252627282930
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status