Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Sa Ngalan Ng Pag-ibig

Sa Ngalan Ng Pag-ibig

artatesleslie
Si Ayumi ay isang mabuting anak, na gusto lang ng simpleng buhay, kasama ang kaniyang pamilya. Kaya mas lalo niya itong itaguyod sa pamamaraan ng mabuting hangarin, dahil para sa kaniya ang pamilya niya lang ang nagpapalakas ng kaniyang loob para mas lalo siyang maging matapang. Hanggang sa makilala niya si Chester Perez, na makakapagbago ng kaniyang buhay. Si Chester, na gagawin ang lahat upang siya'y 'di mapahamak, sa masasamang hangarin lamang ang alam. Para kay Ayumi ay ipaglalaban niya ang kaniyang mahahalaga sa kaniya, ay wala ng iba do'n kundi ang taong nagpapatibok sa kaniyang puso. Dahil wala na itong mahihiling pa. Ginawa nila ang tama upang wala silang matapakang tao, subalit hindi mawala sa buhay nila ang isang babaeng walang Ibang ginawa kundi guluhin ang kanilang buhay walang iba kundi ang ex-girlfriend ni Chester na si Chloe, para sa kaniya ay babawiin niya ang dapat kaniya. Bilang si Chloe ay kukunin niya ang lahat kay Ayumi at pahirapan siya hanggat 'di niya hinihiwalayan si Chester. Kahit masama ang kaniyang hangarin, alam naman niya sa kaniyang sarili ay makuha lang ito. Ginawa ni Chester ang mas makakabuti, upang hindi madamay ang taong mahal niya. Kahit masakit para sa kaniya ang pakikipag-sundo para sa kinamumuhian niya, malayo lang si Ayumi sa masasamang balak nila. Ipinaglaban nila ang isat-isa, at 'di sila bumitaw sa lahat ng pagsubok sa kanilang hinarap. At naging challenge para sa kanilang lahat ang mga nangyari, lalo na para kay Ayumi at kasabay ng pagtaguyod ng kaniyang pamilya.
105.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Para Sa Walang Magawa

Para Sa Walang Magawa

the1999cut
Kwento ni Calcifer at kung bakit gusto niyang mamatay.Si Calcifer ay isang kalahating demonyo at kalahating mortal. Buong buhay niya ay naghahasik na siya ng kasamaan at ang tanging nais niya lamang ngayon ay ang mamatay na dahil nagsasawa na ito sa kaniyang buhay. Ngunit malakas ang dugo ng kaniyang ama kaya siya ay naging isang immortal at ang tanging makakapatay lamang sa kanya ay ang kanyang tiyuhin at lolo, na si Hesus at ang Diyos Ama. Dahil sa kasamaan nito siya ay nakatanggap ng isang matinding parusa na nagpahirap sa kanyang buhay bilang isang demonyong walang sinasamba at ito ay ang magmahal sa isang babaeng handang makipagkita sakanya kung siya ay makikipag bible study sakanya.
104.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

NIKKYOCTAVIANO
Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa. Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito. Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa. Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na. Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?
104.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's First Love Has a Secret Child

The Billionaire's First Love Has a Secret Child

Kapwa may inililihim ang magkasintahang Diana at Ryan sa isa't-isa. Si Diana, ang napipintong arranged marriage nito sa isang mayamang binata sa kanilang bayan. Si Ryan, ang pagtatago nito ng kanyang pagkatao bilang unico hijo ng bilyonaryong angkan. Isang taon ng pagmamahalan at kinailangan na ni Diana na umuwi upang tuparin ang pangako sa pamilya. Sa gabi ng kanilang hiwalayan, nagpakalasing ang binata at inakalang may nangyari sa kanila ni Jade, ang kaibigang matalik ni Diana. Punong-puno ito ng pagsisisi sa nangyari. Pitong taon ang lumipas at nagkrus muli ang kanilang landas. Paano na lang kung malaman ni Ryan na hindi pala si Jade ang kanyang nakasama nang gabing iyon kundi si Diana? Ano kaya ang mangyayari kapag napagtanto nito na ang isang gabi ng kalasingan at kahinaan ay nagbunga pala ng isang bibo at matalinong bata?
Romance
104.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Playdate

The Billionaire's Playdate

sybth
Natuklasan ni Jaxson na ang inaakala niyang kanyang anak sa sinapupunan ng fiance, ay anak pala ng kapatid niya sa ama. Nilunod niya ang sarili sa alak dahil sa paghihignapis nang magawa siyang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Nagkataon naman na sa club kung saan siya naroroon, ay siya ring kinaroroonan ni Cattleya upang punan ang raket na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Nang sandaling mag krus ang mga landas nila, isang hindi inaasahang plano ang nabuo kay Jaxson. Inalok niya si Cattleya ng isang trabaho, at ito ay ang magpanggap bilang bagong girlfriend niya at ipamukha sa pamilya at ex-fiance na hindi siya apektado at agad nang nakalimot, dahil sa takot maging isang katatawanan. Nag-alinlangan man ay nakumbinsi rin si Cattleya na pumayag sa alok ni Jaxson dahil sa kabayaran nito. Magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral niya at pang-suporta sa pamilya. Kahit na hindi magkakilala at walang alam sa isa't isa ay dumalo ang dalawa sa dinner ng pamilya Madrigal bilang bagong magkasintahan. Ang hindi nila inaasahan, ay ang agarang utos ng ama ni Jaxson na pakasalan niya si Cattleya sa isang kondisyon na hindi nila matatangihan.
Romance
4.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Lady Mortis
Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
4.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ANG SENYORITONG BILYONARYO

ANG SENYORITONG BILYONARYO

Si *Amilia Guerrero* ay isang ulila na lumaki sa simpleng bayan ng San Rafael. Dahil sa kabutihan ni *Don Manuel San Sebastian*, isa sa pinakamayayamang tao sa bayan, nakapag-aral si Amilia bilang iskolar. Kilala siya sa paaralan bilang maganda, matalino, at palaban sa mga patimpalak, ngunit kahit marami ang humahanga at nanliligaw sa kanya, wala siyang pinapansin. Samantala, si *Daniel San Sebastian*, ang kaisa-isang apo ni Don Manuel, ay isang 32-anyos na binatang kilala sa kanyang yaman at kakisigan. Bagaman maraming kababaihan ang nahuhulog sa kanya, wala pa ni isa ang nakasungkit ng kanyang puso—hanggang sa makilala niya si Amilia. --- Please Read With your own risks.. Story written by: Dwivirain02
Romance
103.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A NIGHT OF DECEPTION

A NIGHT OF DECEPTION

Si Luna Natividad ay ang nag-iisang anak ng kilalang negosyante sa bansa, bilang nag-iisang anak ay lahat ng bagay ay nakukuha. Ngunit hindi ang pag-mamahal na kay tagal na niyang pinapangarap. Sa kabila nang lahat ay naging mabuting anak pa rin ito,at nagsisikap upang maabot ang pangarap at mapansin din ng kanyang mga magulang. Sa isang gabi na hindi inaasahan na mangyari ay mababago ang lahat. Si Luna ay na buntis ng isang sikat na Volleyball Captain ng kanilang Unibersidad. Isang lalaki na nangarap upang maitaguyod ang buhay, at upang magkaroon ng magandang trabaho, dahil walang mga magulang na kinalakihan ito. Tanging siya lang ang bumuhay sa kanyang sarili, gamit ang talino, kasipagan, at tiwala sa sarili, at higit sa lahat sa Maykapal. Takot man sa nangyari ay walang balak si Luna na ipa-abort ang bata na kagustuhan ng binata. Nang malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon ay pinalayas ito. Nasaktan niya ng labis ang kanyang mga magulang kaya labis din ang dismayado niya sa kanyang sarili. Ngunit nag-patuloy pa rin si Luna sa pag-aaral. Ayaw ni Luna na huminto dahil alam niya sa sarili niya na kaya niya kahit may dinadala na siyang baby sa sinapupunan niya. Hindi iyun magiging hadlang na makapag tapos, at kahit papano ay magiging proud ang kanyang mga magulang na tinapos niya pa rin,kahit na dudumugin siya ng media kapag nalaman ng buong school ang kanyang sitwasyon. At ganun din si Kyro,na may paninindigan, at tiwala sa sarili.
Romance
104.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
SIRENS OF ATARGATIS  ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

AiriiTheCoffeeCat
Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
104.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sudden Marriage with my Boss

Sudden Marriage with my Boss

Ms. RED
An Unexpected Marriage with My Boss? Veronica works as a secretary for YJ Corporation's young CEO. After a fight with her mother, she decided to go clubbing alone one nite, got drunk, and woke up naked in his boss's bed. The CEO of YJ Corporation, Felix Cortezano, is the sole heir of the Cortezano Clan. Kilala ang angkan nila bilang perpekto, sobrang pinapahalagahan ng mga Cortezano ang lahi nila. Hindi maaaring may maisilang na bastardo ang isa sakanila. Kaya nang magbunga ang isang gabing pagkakasala ni Veronica at Felix, wala silang nagawa kundi ang magpakasal kahit wala naman silang katiting na nararamdamang pagmamahal sa isa't-isa.
Romance
103.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status