Flash Marriage with the Mad Genius Doctor
Dalawang taon nagdusa si Caitlyn Salvante sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Akala niya ay wala ng pag-asang makabalik pa sa kanyang pamilya at dating buhay…
Ngunit nailigtas siya.
Sa muling pagbabalik ay binigla siya ng balitang ikakasal na ang lalakeng iniibig sa kanyang kapatid na si Fiona.
Napagtanto niyang marami ang nagbago, maging ang pakikitungo ng kanyang mga magulang at dalawang kapatid.
Pinandirihan at kinasuklaman sa isang bagay na hindi naman niya ginusto.
Pakiramdam ni Caitlyn, isang malaking pagkakamali ang muling bumalik sa kanyang pamilya kaya umalis siya at palihim na pinakasalan si King Ezekiel Sanchez, isang doctor at tiyuhin ng dating nobyo na si Jude Gonzales.