Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire Soldier and the Heiress Doctor

The Billionaire Soldier and the Heiress Doctor

The Billionaire Soldier & The Heiress Doctor Dalawang bilyonaryo. Isang maputik na bundok. Isang malaking kasinungalingan. Si Dr. Seraphina Villaraza ay ang nag-iisang prinsesa ng pinakamalaking medical empire sa bansa. Para takasan ang isang arranged marriage, nagtago siya at nag-volunteer sa isang liblib at mapanganib na military outpost sa kabundukan ng Lopez, Quezon. Ang kwento niya sa lahat? Isa siyang dukhang iskolar na baon sa utang. Si Captain Niguel Arandia ay ang kinatatakutang lider ng Special Forces. Ang hindi alam ng kanyang mga tauhan, siya ang "black sheep" at tagapagmana ng bilyun-bilyong halaga ng Arandia Conglomerate. Ang kwento niya sa kampo? Araw-araw siyang nagbubuwis ng buhay sa mga delikadong misyon para may maipakain sa kanyang pamilya. Nang magkrus ang landas nila sa gitna ng digmaan at putik, sumiklab ang isang laro ng asaran at pagpapanggap. Nagtitiyaga sila sa sardinas at instant noodles para mapanatili ang kanilang mga sikreto, habang pilit nilalabanan ang nakakapasong tensyon sa tuwing magsasara ang flap ng kanilang medical tent. Sa gitna ng ulan, panganib, at mga nakaw na sandali, tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Nangako silang aahon sa "kahirapan" nang magkasama. Ngunit pinaghiwalay sila ng isang madugong trahedya. Dalawang taon ang lumipas, muling nagtagpo ang kanilang mga landas—hindi sa isang madungis na kampo, kundi sa isang marangyang VIP Charity Auction sa Maynila. Wala nang mga pekeng utang at butas na uniporme. Dalawang bilyonaryong puno ng pride, galit, at matagal nang naipong pagnanasa ang maghaharap. Handa na ba silang isuko ang kanilang mga ego, o ang paghihiganti ba ang magiging bagong laro nila sa ibabaw ng kama?
104.2K viewsCompletedAdded to Library 122 Times as captain hook
Read
+Library
MAFIA'S BLOODY LOVE

MAFIA'S BLOODY LOVE

WARNING! Read at your own risk! Contains scenes and languages that is not suitable for young readers.. Adam Nicollai Evans, isang tanyag na architect sa buong mundo, isang jet fighter pilot captain ng airforce at isang secret agent ng isang organisasyon na tumutugis sa mga halang ang bituka. Pero ang hindi alam ng lahat, isa s'yang mafia successor ng kanilang pamilya sa father side- ang pamilya Devochë - Evans mula sa Italya. Lumaki si Nicollai sa karahasan mula sa mga kamay ng kan'yang lolo na ama ng kan'yang ina. Maagang namatay ang kan'yang ama dahil sa aksidente, kung kaya ang lolo nila ang kasa-kasama nilang tatlo ng ina at kapatid na lalaki. Ginagamit nito ang kan'yang ina para mapasunod s'ya sa gusto ng matanda. Sa murang edad isa na s'yang halimaw dahil sa kagagawan ng kan'yang lolo. Along the way of his revenge to his grandfather, he meet Michelle Antonette, isang simpleng nurse na nagtatrabaho sa isang hospital sa Cebu. Nagkaroon sila ng ugnayan at naging magkasintahan. Naging masaya, ngunit dumating sa punto na kailangang iwan ni Nicollai si Michelle para sa kaligtasan nito. Binalaan s'ya ng kan'yang lolo na papatayin nito si Michelle kapag ipinagpatuloy n'ya ang pakikipag relasyon dito. Iniwan n'ya ang dalaga ng walang pasabi. Pero paano kung ang babaeng pilit n'yang iniligtas mula sa kan'yang lolo ay s'ya pala ang may malaking kaugnayan sa kan'yang nakaraan? Paano nila mapapatawad ang isat-isa kung masyado nang malalim ang sugat na idinulot ng nakaraan. Mangingibabaw kaya ang pagmamahal sa galit nila sa isat-isa? Ano ang mga pagsubok na haharapin nilang dalawa.
10220.5K viewsOngoingAdded to Library 7.9K Times as captain hook
Show Reviews (77)
Read
+Library
Romary Nepunan
come on guys basahin nyo to kung gusto nyo ng sakit ng ulo..i have mine already lso how about you.............ssama kna ba smin mg pa admit s mental dhil sa otor na to??? we have unlimited slots.ma iihi ka sa kktawa im sure ma iiyak kdin s sakit lalo nat virgin ka...choss lng.basa na guys u gonna love it
Xhymich25
hi guys sa katong Wala pa naka basa Ani na story please basaha intawon ni ninyu ... dri mo makabalo why sikat ang neon green color... ... kudos otor... . bitaw highly recommend this story and sa otor namin na kulot ang ubos aw buhok diay ...️... basa and follow na guys ...... peace otor bisaya ta now
Read All Reviews
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
1027.2K viewsOngoingAdded to Library 789 Times as captain hook
Read
+Library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status