Mamamatay Na Ako... Bukas!
Maja Rocha
Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako âsi Bianca. Sa maniwala kayoât sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo, o kung ano ang magiging career mo in the future, kundi ang petsa ng kamatayan mo at kung paano ka mamamatay.
Sundan ang kuwento ni Bianca. Makatakas kaya siya sa kamatayan niya, o magaya rin kaya siya sa mga barkada niya? âBUKASâ na... Nakahanda ka na ba?