Carrying the Child of a Billionaire
Isang espesyal kung ituring ang taon na ito para kay Liam Caspian Delacroix, dahil ikakasal siya sa kanyang pinakamamahal nyang babae. At sa nalalapit na ang kasal ay hindi mawawala ang bachelor’s party na inihanda ng kanyang mga kaibigan.
At sa kabilang banda, napilitan si Seraphina Acosta na maging substitute dancer sa isang Bachelor’s party. Dahil sa maganda, kaakit-akit, maganda ang hubog ng kanyang katawan, at higit sa lahat ay birhen pa. Kaya talaga namang kahali-halina siya at talagang nililingon sya ng mga kalalakihan.