Behind Her Innocence
“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital.
Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan.
“Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata.
“Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong