Crown Prince Proposal
Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital.
Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family.
Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod.
Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana.
Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa.
Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat.
Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya.
Pero nagkamali siya.
Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa.
Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe?
Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya?
O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?