That Gigolo Turned Out to be a Billionaire
Plano lang ni Helga Louisse Palma na ipamukha sa ex niya na okay na siya — kaya nag-hire siya ng escort para plus one sa party. Simple, di ba?
Pero hindi niya inasahan na ang “escort o gigolo” ay si Damian Caius Avelino, isang bilyonaryong CEO na hindi lang gwapo, kundi sanay din sa drama at sinabayan pa ang plano niya.
Bigla rin silang naging trending online bilang new couple, at kahit ang pamilya ni Damian kumbinsido na sila nga. Wala na si Helga choice kundi sumabay sa palabas at maging fiancée ni Damian.
Ang problema? Habang tumatagal ang palabas, hindi na acting ang kilig na nararamdaman ni Helga. Pero handa ba siyang magtiwala ulit, o isa na namang heartbreak ang naghihintay sa kanya?