Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)
Marriage is sacred and must be because of love…but in our family it is all about business and connections. I don’t want to get married and the last time that I let cupid in my heart I was left alone, like a girl who lost her favorite doll.
Miss Michin. Ang bansag sa pinakamasungit sa mga apo ni Don Leano—si Frederica Liora Leano, panganay sa pamilya at sa mga magpipinsan, strikta, mahigpit, at prangka kung magsalita. Parang walang pagmamahal sa katawan. Matandang dalaga kung umasta at manamit. Hindi gusto na magpakasal, dahil hanggang ngayon ay may mga nakabaon pa ring tinik sa kan’yang puso mula sa nakaraan. Ngunit…sa isang iglap lahat ng iyon ay nawala.
Aksidente. Dahil sa isang aksidenteng halik ay magpapakasal siya at kanino? Sa estrangherong hardinero nila na si Noel. Si Noel, palasagot, matapang, at hindi siya inuurungan. Napunta si Frederica sa sitwasyong iniiwasan niya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa buhay na iginuhit na ng kan’yang Lolo.
Pero paano kung sa gitna ng pagtakbo niya ay madapa siya sa maiinit na bisig ng kanilang hardinero? Anong mangyayari kung unti-unti na niyang pinapapasok si kupido sa sarado niyang puso? Panibagong sakit? Panibagong tinik? O mas babaon ang tinik ng kan’yang nakaraan? Paano kung sa mga maiinit na bisig ay may madiskubre siyang malamig na katotohanan? Makakatakbo pa kaya ang kan’yang mga paa? O tulad noon ay magiging batang nawalan ng manika?