Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night Mistake Of True Love

One Night Mistake Of True Love

Nalasing. Pumasok sa maling kwarto ng gabing iyon si Aliah na naging dahilan para maranasan niya ang isang gabing pagkalimot kasama ang isang estrangherong lalaki. Ngunit hindi niya ipinagkaila sa sarili na nagustuhan niya iyon at inisip na isa na lang iyong magandang panaginip na pagkawala ng kanyang virginity. Pero hindi niya akalain na magbibigay iyon sa kanya ng malalang sakit sa katawan kaya nagpasya siyang magpatingin sa doktor sa pag aalalang may makuha siyang sakit sa lalaking nakaniig niya. Gayunpaman, tila ang liit ng mundo na sa pag aakalang hindi na niya makikita ang estrangherong lalaking iyon. Dahil ang lalaking nakaniig niya ng gabing iyon ay ang mismong doktor na titingin sa kanyang kalagayan. Gusto sana niyang umatras at umalis na lang, ngunit nakita naman niyang walang pagpalatandaan na nakikilala siya nito. Kaya nanatili siya at hinayaan na suriin siya ng doktor. Pero hindi niya akalain na ang pagsusuri sa kanya ng doktor ay magbibigay daan pala para tuluyang mahulog ang loob niya dito at matali sa isang kasunduan dahil hinihingi na nito na panagutan niya ito. Pero teka! Sandali lang. Baliktad yata. Hindi ba dapat siya ang panagutan nito dahil ito ang lalaki?
Romance
10215 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Casa El Mafia: Isiah Jade Stuart

Casa El Mafia: Isiah Jade Stuart

   He is Isiah Jade Stuart, a businessman, gwapo, matalino, misteryoso. Kinakatakutan, walang sinasanto, walang kinatatakutan.     Paano kung iwan siya ng babaeng mahal niya, dahil na rin sa kagagawan niya. Kaya, kaya niyang mabuhay na wala si Amber sa kanyang tabi?    Nathalie Amber De Luca, one of the twin of De Luca Clan. Paano kung isang araw ay magising na lang si Amber na di na siya si Amber? Siya na pala si Abby Cullen na walang maalala sa nakaraan at nasa kamay siya ng kanyang pinsan na si Niccolo De Luca.    Makakawala pa kaya si Amber  sa kamay ni Niccolo lalo na't malalaman niya na ginagamit lamang siya bilang pa-in, para sa pamilya niya at para din kay Isiah? Ano ang mangyayari sa dalawang taong nagkawalay ng matagal na panahon? Ano ang mangyayari sa dalawang puso na nasaktan sa matagal na panahon?   May pag-asa pa kaya na maibabalik nila ang kanilang pagmamahalan? May pag-asa pa kaya na magkita silang muli. Kung sa bawat pagkikita nila ay laging may napapahamak? Kung sa bawat pagkikita nila ay palaging may balakid.
Romance
104.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Wild Heiress (tagalog)

The Wild Heiress (tagalog)

Para takasan ang obsess na ex-boyfriend sa Manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera maikakasal naman sa nerd at boring pero may 6 pack abs na binata! Magawa kayang i-tame ng binata ang wild na dalaga? O Magawang wild ng dalaga ang isang nerd na binata?
Romance
4.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
ILLICIT AFFAIR

ILLICIT AFFAIR

(SPG) Nang malaman ni Celeste na ipinagbili siya upang ikasal sa isang mayaman na matandang lalaki ay tinanggap niya na lang na iyon na ang kapalaran. Comfortable and luxurious life, handa ulit siyang maranasan ang lahat ng iyon. Ngunit paano kung malaman niyang anak ng kanyang pakakasalan ang kaisa-isang lalaki na kanyang minahal?
Romance
741 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Veil of the Billionaire's Child

Veil of the Billionaire's Child

Dahil gusto niyang tulungan ang kanyang pamilya at gamutin ang kanyang may sakit na ama, napilitan si Lia na sumali sa isang lihim na fraternity. Akala niya na ito ay isang mas mahusay na paraan upang kumita ng pera, ngunit hindi pala. Lalo na nang kinaladkad siya sa isang hindi pamilyar na kubo dahil sa paglabag sa initiation ng fraternity. Nakapiring siya. Gusto niyang pagsisihan ang lahat, ngunit huli na. Nakuha ng isang estranghero ang kalinisan na pinaka-inaalala niya. At ang tanging bagay na magagawa niya nang gabing iyon ay tumakbo at takasan ang lahat ng maling desisyon na nagawa niya sa buong buhay niya. Ngunit ang gabing pinabayaan niya ang kanyang sarili ay nagbunga. Hanggang sa nalaman niya na ang batang dinadala niya ay anak ng isang milyonaryo.
Romance
101.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
CEO's Love Redemption

CEO's Love Redemption

Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa loob ng tatlong buwan na ito? Paano kung, alipin parin ito sa isang masamang kasaranan? Matatanggap parin ba niya o tuluyang wakasan ang totoong nararamdaman?
Romance
104.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle

A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle

Sobrang mahal na mahal ni Maxene ang kanyang nobyo na si Joseph at sa pitong taon nilang magkasintahan ay kahit kailan ay hindi siya nagawang lokohin nito at talagang napapag usapan na rin nila ang pagpapakasal. Pero hindi inaasahan ni Maxene na darating ang araw na lolokohin siya ni Joseph kaya naman sa sobrang sama ng kanyang loob ay sa isang bar siya napadpad. Dahil sa labis na sama ng loob ay nagpakalasing si Maxene at doon siya matatagpuan ni Bernard. Naibigay ni Maxene ang kanyang sarili sa binata dahil sa ang buong akala niya ay ito ang kanyang nobyo pero isang pagkakamali pala iyon. Kaya naman pagkagising niya ay agad niyang tinakasan ang lalaking kanyang nakaniig. Lumipas ang araw at doon na nalaman ni Maxene na nagbunga ang isang gabi na pakikipagtalik niya sa hindi niya kilalang lalaki. Halos gumuho ang kanyang mundo dahil kasabay noon ay isang masamang balita ang bumungad sa kanya dahil sa pagkalugi ng kanilang kumpanya. Isang offer ang darating kay Maxene pero ganon na lamang ang gulat niya ng makita niya na kamukhang kamukha ng kanyang ex boyfriend ang mag aalok sa kanya at doon na niya malalaman na tiyuhin pala ito ng kanyang ex-boyfriend na si Joseph. At doon na rin niya napagtagpi tagpi na ang lalaking ito ang kanyang nakasama sa isang mainit gabi. Tatanggapin ba ni Maxene ang offer na iyon ni Bernard gayong alam na niya na tiyuhin ito ng manloloko niyang ex boyfriend? Sasabihin ba niya rito ang tungkol sa pagdadalantao niya gayong hindi niya alam kung tatanggapin ba ito nito? O iiwas na lamang siya rito dahil parang hindi niya kaya na makasama ito lalo na at kamukha ito ng kanyang ex-boyfriend na si Joseph?
Romance
108.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night, One Mistake

One Night, One Mistake

Soju
Ang masayang pagsasama ng mag-asawang Celeste at Elijah ay nabahiran ng pagdududa nang maramdaman ni Elijah na tila niloloko siya ni Celeste. Pagdududa na nauwi upang sumiping siya ng isang gabi kay Selena na isang estranghera. Ngunit nagsisi si Elijah nang malaman niya na mali siya ng hinala kay Celeste. Inakala ni Elijah na tapos na ang kabanata ng buhay niya kay Selena dahil one night stand lamang ang nangyari sa kanilang dalawa. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang malaman niya na lumipat si Selena ng bahay na malapit sa bahay nilang mag-asawa. Doon na nagsimula ang pamba-blackmail ni Selena upang makuha ang gusto nito sa kaniya. Si Elijah nga lang ba ang pakay ni Selena o meron pa siyang mas malalim na dahilan kaya nais niyang masira ang pagmamahalan nina Celeste at Elijah?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
Romance
8.819.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2324252627
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status