Nang malaman ni Celeste na ipinagbili siya upang ikasal sa isang mayaman na matandang lalaki ay tinanggap niya na lang na iyon na ang kapalaran. Comfortable and luxurious life, handa ulit siyang maranasan ang lahat ng iyon. Ngunit paano kung malaman niyang anak ng kanyang pakakasalan ang kaisa-isang lalaki na kanyang minahal?
View MoreAbot langit ang kaba ko habang pinakikiramdaman ang pag-andar ng sasakyan na sinasakyan ko.
Ilang taon na mula nang makita ko ang mundo sa labas ng farm kung saan ako nanirahan ng ilang taon. I was in second year college when a group of men entered our home. Binawian nila ng buhay ang mga magulang ko tapos ay kinuha ako, mula noon ay doon na ako sa farm na iyon nanirahan. Maraming naninirahan roon. Ang ilan ay halos ka-edad ko, karamihan ay mas bata pa sa’kin, bihira ang mga mas matanda sa’kin. Ang sabi nila ay dinala sila sa lugar na iyon dahil wala silang tirahan, hindi ko masabi na dinala ako roon matapos ang ginawa nila sa mga magulang ko. Pumikit ako ng mariin. Parang dinudurog pa rin ang puso ko tuwing naaalala ang mga nangyari ng gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang motibo ng gumawa niyon sa pamilya namin, at ang dahilan kung bakit binuhay nila ako at dinala sa farm na iyon para maging alipin. Kasama ang mga iba pa. Somehow, I think it’s all because of our family’s wealth. My father was one of the richest men around. I have lived in luxury since I was born. Nag-aaral ako noon sa prestihiyong paaralan, may sarili akong kotse, sariling bodyguard, personal maid at kung anu-ano pa. Kahit kailanman ay hindi ako nagkaroon ng problema sa pera. Ngunit wala na akong naging balita sa mga kayamanan na iyon. Huminga ako ng malalim habang mahigpit na nakahawak sa pinagpapawisan kong kamay. Mas mabuti sana kung hindi ako naka-blindfold ngayon, mas magiging panatag siguro ang loob ko. Ngunit ayaw yata nilang malaman ko kung nasaan kami. “Saan niyo ako dadalhin?” tanong ko sa namamaos na boses, nanunuyo ang lalamunan ko. Walang sumagot. Alam kong may mga tao sa loob ng sasakyan na ito dahil naririnig ko silang nag-uusap. I cleared my throat. “Saan niyo ako dadalhin?” “‘Wag kang maingay!” Napaigtad ako sa sigaw na iyon at nagtawanan silang lahat. “Gago, ‘wag mong takutin. Mahal ang bili riyan!” Mahal ang bili? Ibig sabihin ay may bumili sa’kin? “Oo, tiba-tiba na naman si boss!” Naramdaman ko ang mga pares ng mata sa’kin, nakaramdam ako ng kilabot. “Sabagay… kung ako ang mayaman baka ako pa ang bumili. Bihira ang ganyan kaganda at kakinis sa farm na ’yon, hindi ko nga alam bakit doon siya dinala.” Nakakabastos ang mga sumunod pa nilang mga sinabi, na akala mo’y wala ako rito upang pagpyestahan nila ng malalaswang mga salita. Nasilaw ako sa liwanag nang tanggalin ng isa sa kanila ang blindfold ko nang makarating kami sa isang hotel. Mabilis kong nilibot ang tingin sa paligid. Maraming tao ngunit hindi ko na nakita ang mga mukha nila dahil nakatalikod na sila upang lumabas ng kwarto. Lumipat ang tingin ko sa isang nakaupo sa upuan. Isang lalaki na sa tantsa ko ay nasa mid-sixties. Halatang ginugulan ng oras ang pagplantsa sa suot nitong suit, ang relo at mga singsing ay may mga tatak na nanggaling sa mga mamahaling brands. Kung titingnan mabuti, makikita mong maganda itong lalaki noong kabataan niya. Ngumiti siya at iminuwestra ang isa pang upuan. “Umupo ka.” Sumunod na lang ako dahil sa takot, may bilog na lamesa sa pagitan namin. “Anong pangalan mo?” tanong niya. “Isolde…” mahina kong sagot. “Apelyido?” “Formentera..” Huminga siya ng malalim. Ilang segundo siyang hindi nagsalita habang pinagmamasdan ako. “B-bakit ako nandito?” lakas-loob kong tanong. “Binili kita...” Nilapit niya ang papel at ballpen sa’kin. “Pirmahan mo ito.” Pinagmasdan ko ang papel. Marriage Certificate. Nakalagay ang dalawang pangalan… “Simon Kastelanos…” Tumango siya. “That’s me.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa papel. Kastelanos. Tandang-tanda ko ang apelyido na iyon, ngunit maaaring coincidence lang ito. Tumikhim ako at binasa ang isa pang pangalan na nandoon. “Diana Valencia?” Muli siyang tumango. “That will be your name from now on.” “Bakit?” “I’ve made a background check on you. Nalaman ko ang nangyari noon sa pamilya mo, kaya’t mas mabuting magpalit ka ng pangalan.” “P-pero…” “Sa pagkakaalam ko ay hindi nahuli ang mga gumawa no’n sa pamilya mo, kapag nalaman nila kung nasaan ka ay hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin.” Hindi na ako nakapagsalita. So, I will marry this man and live with another name? Binili niya ako para pakasalan? Para saan? “Bakit ako?” sinalubong ko ang kanyang tingin. “Pwede ko bang malaman kung bakit mo ako pakakasalan?” He smiled. “You know, I am getting old now. I need someone that could manage my wealth..” “Ngunit wala akong alam sa gano’n!” “Sa narinig ko ay nakapag-aral ka?” “Hindi ko natapos dahil sa nangyari..” “I heard you are smart, you will be easy to train.” Nagtiim-bagang ako at umiwas ng tingin, pinipigilan ang nagbabadyang luha. “Ayoko pang magpakasal…” “Mas gugustuhin mong manirahan sa farm na iyon?” Hindi ako nakasagot. Grabe ang hirap sa lugar na iyon. Simula alas-kwatro ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi ay nagtatrabaho kami. Binibigyan nila kami ng pagkain sa tanghali na hindi kailanman naging sapat, kaya’t pagdating ng hapon ay gutom na gutom na naman kami. Pagkatapos ng lahat ng trabaho ay saka lang kami pakakainin sa gabi. Doon lang kami nagkakaroon ng oras upang maligo sa batis at matulog sa kubo. “I will give you a comfortable and luxurious life. You can do and buy anything you want..” Sa huli ay pinirmahan ko ang certificate. Hindi ko kailanman naisip na sa isang lalaki na lagpas doble ng edad ko ako ikakasal. Pero tulad ng sinabi niya, mas gugustuhin ko ito kaysa sa farm na iyon. Matapos ng pirmahan ng maraming mga papel ay hinayaan niya akong maligo. Hinandaan niya ako ng isang kulay blue na flowy dress na umabot sa gitna ng aking mga binti. Ngayon na lang ako nakapagsuot ulit ng ganito kaganda, hindi ko mai-alis ang tingin sa salamin. Hindi na ako nilagyan ng takip sa mata nang lumabas kami ng hotel. Maraming bodyguard na nakapalibot sa’min hanggang sa makasakay kami sa limousine. “I would like to introduce you to my son, Diana.” Naninibago ako sa tawag niya sakin pero kailangan kong masanay. Natigilan ako. “You have a son?” “Yes, only one,” aniya at umiling-iling. “He’s as rich as me, so he does not have any interest in my businesses.” Natuyo ang lalamunan ko. “Pwede ko bang malaman kung ilang taon na siya?” Napatitig siya sa’kin saglit bago sumagot. “Two years older than you.” Mabilis na kumabog ng malakas ang dibdib ko, naramdaman ko ang pamamawis ng mga kamay ko. There is no way. Hindi pwedeng ang anak niya at ang taong iniisip ko ay iisa. Kung totoo ang hinala ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. “We’re here.” Wala sa sarili na tumingin ako sa labas ng bintana. Papasok na kami sa isang malaki at mataas na gate, sa hindi kalayuan ay ang magarbo at malawak na mansyon. Sobrang ganda. Ganitong lugar ang kinagisnan ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng limousine. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko’y nanlalata ako, at para bang dumidikit ang mga paa ko sa sahig. Kinakabahan ako... at natatakot. “My son is inside, we need to act that we’re inlove,” bulong sa’kin ni Simon kaya’t lalong namawis ang mga palad ko. Huminga ako ng malalim at kumapit sa braso ni Simon, habang papasok kami ay nililibot ko ang tingin sa paligid. “There he is,” sambit ni Simon. Sinundan ko ng tingin ang taong tinitingnan niya sa taas ng hagdan. Para akong tinakasan ng dugo at nawalan ng lakas nang makita ang taong nakatayo roon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Simon, na animo’y doon ako kumukuha ng lakas para makatayo ng maayos. May kausap ang binata sa phone at hindi pa kami nakikita, at nang lumingon siya ay kitang-kita ko ang pagkalito sa mukha niya. Napatigil siya sa pagsasalita at unti-unting kumunot ang noo. “Son, this is my wife, Diana,” pakilala sa’kin ni Simon. Pareho pa rin kaming hindi gumagalaw kaya’t nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko, hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko. Sa loob ng ilang taon, isa siya sa madalas na sumasagi sa isip ko. Minsan ay napanaginipan ko pa siya. Years ago.. when I don’t have a single problem in the world. Men around me would line up to court and charm me. Ngunit iisang lalaki lang ang tanging nagustuhan ko, it is Gideon Kastelanos. “This is my son, Gideon Kastelanos.” I know, I know him well. I even used to call him Eon, ako lang ang tumatawag ng gano’n sa kanya. Nang magkasalubong ang mga mata namin, naramdaman ko ang init na namuo sa aking tiyan. Parang nakalimutan kong huminga. Nakasandal at nakatingin lamang siya sa’kin ng walang emosyon. He had always been intimidating. He always looked intense and serious. Hindi iyon nagbago sa kanya. Ngunit kahit sa sitwasyon ko ay hindi ko maiwasang mamangha sa itsura niya. Gideon had always been handsome, gwapong-gwapo ako sa kanya noon pa kaya’t kinukulit ko pa siya noon kahit masungit. But now, he’s godly. He always had these emotionless obsidian black eyes, his nose was pointed and proud. And his naturally red lips, na hinahanap-hanap ko. His face was manlier, more defined and sculpted. Nakasuot siya ng kulay puting long sleeves, ang dalawang butones sa itaas ay nakatanggal at ang necktie ay maluwag. Even though he looks messy, it’s obvious that he has a well-toned body. Kitang-kita ko ang muscles sa hita at binti niya kahit nakasuot pa siya ng pantalon. “I told you that you will meet your step-mother today,” ani Simon. “You didn’t even fix yourself before coming here!” Nag-igting ang panga ni Gideon at binasa ng dila ang labi bago uminom sa hawak na wine habang nakatingin sa’kin, pinanood ko siyang lumagok at nang matapos ay pinatong niya ang baso sa lamesa. “Seems like you fancy young women,” aniya sa baritonong boses at walang ganang nilingon ang ama. “Are you sure she didn’t just marry you for your money?” “Gideon!” sigaw ni Simon kaya’t napapikit ako dahil sa gulat. “Respect my wife!” Nagdilat ako ng mata at nang mag-angat ako ng tingin ay nakitang nakatingin si Gideon sa’kin, ni hindi man lang siya nag-abala na itago sa ama. Hindi ko maintindihan ang tingin niya. Galit, nalilito at dismayado. Halo-halo iyon. Dismayado ba siya sa’kin dahil ama niya ang pinakasalan ko? O dahil akala niya ay pera ang dahilan? “We married each other out of love!” sigaw pa ni Simon. Parang piniga ang puso ko nang makita ang dumaan na kirot sa mata ni Gideon, ngunit mabilis iyon napalitan ng matinding galit. Hindi ko alam kung tama ba ako ng nakikita. Yumuko ako at nararamdaman kong pinapanood ako ng binata. Ilang sandaling natahimik bago padabog na tumayo si Gideon kaya halos mapatalon ako sa gulat. “Bullshit,” saad niya bago niya kami iniwan sa salas. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paglandas ng mga luha. Parang pinipiga ang puso, halos hindi ako makahinga dahil sa pagpipigil ng luha. Bumuntong-hininga si Simon. “I would like to apologize, medyo masama yata ang timpla ng anak ko.” Pinilit kong ngumiti kahit na parang pinipilas ang dibdib ko. Mukhang mahihirapan ako sa buhay na ‘to.“Kamusta ang paninirahan mo rito, Diana?” Napalingon ako kay Simon nang tanungin niya ako pagkalabas ko ng banyo. Katatapos ko lang maligo at siya ay nakahiga sa kama. Tipid akong ngumiti habang tinatanggal ang tuwalya sa basa kong buhok. “Maayos naman, minsan lang ay wala akong maisip na gawin..” Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya. Nakapikit lang pala siya, akala ko ay pinapanood niya ako. Gideon looks a lot like him, only Gideon is taller and with a better body build. Siguro ay dahil matanda na siya. May iilang strands ng puting buhok sa kanyang ulo ngunit malakas pa siya. Kaya niya pa ngang magbuhat ng mga mabibigat. Sa ilang linggo ko rito, hindi kami kailanman nagtabi sa higaan. Dito ako sa malapad na sofa natutulog, sapat na ito para sa’kin kumpara sa tinutulugan ko dati. Simon is very respectful. Hindi niya ako kailanman hinawakan kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Minsan ay kailangan niyang hawakan ang kamay ko, o kaya ay ako ang kakapit sa kanya tuwing
Kinabukasan ay nalaman kong umalis na si Gideon nang gabi. Inabala ko ang sarili ko sa mansyon na ito, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Noong una ay pinagagalitan ako ni Simon ngunit wala na rin siyang nagawa. Hindi ako sanay nang wala akong ginagawa kaya’t pinilit kong abalahin ang sarili ko. Paminsan-minsan ay lumalabas ako at nagpupunta sa hardin nila. Hanggang sa hindi ko namamalayan na lumilipas na pala ang mga araw. “Madame, ako na ho ang bahala riyan,” sabi ni Elena at kinuha sa’kin ang basket ng mga mansanas para hugasan. Hinayaan kong kunin niya iyon at pinanood na lamang siya. Sa dalawang linggo ko rito ay naging malapit ang loob ko sa mga kasambahay. Madalas ay nakakakwentuhan ko sila. Sinabi nila sa’kin na hindi pala sa mansyon na ito nakatira si Gideon. He has his own house and barely goes here, maybe ten times a year. Tapos ay hindi pa nagtatagal. Sinabi rin nila na kasing yaman ni Simon ang anak, at siguradong mas magiging mayaman pa sa mga susunod na taon dahil
Abot langit ang kaba ko habang pinakikiramdaman ang pag-andar ng sasakyan na sinasakyan ko. Ilang taon na mula nang makita ko ang mundo sa labas ng farm kung saan ako nanirahan ng ilang taon. I was in second year college when a group of men entered our home. Binawian nila ng buhay ang mga magulang ko tapos ay kinuha ako, mula noon ay doon na ako sa farm na iyon nanirahan. Maraming naninirahan roon. Ang ilan ay halos ka-edad ko, karamihan ay mas bata pa sa’kin, bihira ang mga mas matanda sa’kin. Ang sabi nila ay dinala sila sa lugar na iyon dahil wala silang tirahan, hindi ko masabi na dinala ako roon matapos ang ginawa nila sa mga magulang ko. Pumikit ako ng mariin. Parang dinudurog pa rin ang puso ko tuwing naaalala ang mga nangyari ng gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang motibo ng gumawa niyon sa pamilya namin, at ang dahilan kung bakit binuhay nila ako at dinala sa farm na iyon para maging alipin. Kasama ang mga iba pa. Somehow, I think it’s all because of o
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments