My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2023-05-06
โดย:  claudellaireยังไม่จบ
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 การให้คะแนน. 5 ความคิดเห็น
6บท
1.4Kviews
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

คำโปรย

Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Comic-con

Magulo, Maingay, Mainit, Masikip.

"Salamat sa pagtangkilik, sana magustuhan nyo," malawak kong pagkakangiti habang iniaabot ang isa sa mga likha kong comics na ilang linggo ko ring pinag-puyatang gawin.

Napakaraming tao ang dumalo ngayon sa comic-con at napuno ang isang malawak na covered venue ng mga anime die-hard fans, mga item sellers, cosplayers at tulad kong nagsusulat ng mga manga comics at ibinibenta sa mga iilan kong mga taga subaybay ng aking mga gawa. 

"OH MY GOD! Ayan na si Logan! Dali! Papicture tayo, inday!"

Isang matalim na tingin agad ang ginawa ko habang pinapanood ang isa sa pinaka mahigpit kong rival na si Logan Silva, na kung tutuusin ay overqualified na sa mga event na ganito dahil isa na itong international illustrator at author.

"Harmy, ok ka lang? Parang kulang na lang magliyab itong lamesa sa tindi mong makatitig kay Logan ah?" 

Pasalampak akong naupo sa upuan at iniayos ang salamin sa aking ilong, "That guy shouldn't really go into this kind of event, Cindy. He's already too popular to sell his books here," reklamo ko kay Cindy na isa sa mga kaibigan ko mula pa noong elementary days. 

Tumango-tango naman ito bilang pagsang-ayon sa akin. "You're right. But I guess the management let him do his thing here because he attracts more people knowing na narito sa event ang pinakasikat na comic artist sa bansa.“

Bigla namang  napuno ng hiyawan ang lugar habang nagtipon na parang langgam ang mga babaeng gustong magpakuha ng litrato kay Logan. Minabuti ko na lamang na gawing busy ang sarili habang inaayos sa lamesa ang ilang kopya ng aking libro nang namataan kong bigla itong naglakad papunta sa direksyon namin ni Cindy na may nakalolokong ngiti sa mga labi.

Huminto ito sa tapat ng lamesa namin at dumampot ng isa asa mga kopya ng aking gawa. I snatched it away from his hand, a little panicky dahil for sure ay lalaitin nito ang napaka simple kong illustrations.

“So this is what made you soo busy this past weeks?“ puna nito sa nang-uuyam na tinig habang tumitig ng malamig sa akin. Hindi ko mawari ngunit biglang nanginig ang mga tuhod ko nang nanlaban din ako ng titig sa kanya, a sign na hinding hindi ako uurong sa kung ano mang trip niyang pang gugulo sa spot namin ni Cindy.

“Just go away, Mr. Silva. Gumagawa ka ng eksena sa tapat ng lamesa ko,” masungit kong sabi sa kanya na nagpataas ng kanyang kilay.

“So you really push this thing, Miss Harmony Rio?“

I sighed, “Kung anuman ang nasa isip mo, Sir Silva, please spare me from it. Gusto ko lang ng mapayapang espasyo dito para sa mga mambabasa ko kaya please, can you go away?“ malumanay kong pakiusap na nagpadilim naman sa mukha niya dahil malinaw na hindi nito gusto ang pagpapalayas ko sa kanya sa harap ng kanyang fans na kulang na lamang ay buhusan ako ng mainit na tubig sa sobrang pagkairita sa mga sinabi ko sa kanilang 'Oppa'.

“Fine,” he smirked, his eyes turned luscious for seconds and I caught his hand slipped a small piece of paper sa gilid ng mga magkakapatong kong na libro. Sabay talikod at lumakad palayo habang nagtititiling nakasunod sa kanya ang kanyang mga fans na kanina pa halos tumambling makapagpa-picture lamang sa kanya.

I have no idea why that Logan Silva began paying interest in me. We just met two weeks ago sa isang convention at halos nilangaw ang gawa sa mga karamihan sa mga kasama kong artists dahil hindi namin sukat akalain na pati ang mga ganitong kaliit na event ay papatulan pa ng isang sikat na illustrator na gaya niya.

I have a feeling na he knows me well enough para sabihin ang mga katagang iyon. Besides, sino ba ang hindi makakakilala sa isang Rio?

Hindi ako nag sisi na lumipat mula sa malapalasyong mansyon nina mommy at daddy. Sa loob ng dalawamput limang taon ng buhay ko, ngayon lamang ako nakaramdam ng matinding satisfaction na sa wakas ay nakamit ko rin ang aking inaasam na pangarap.

Ang mapag isa at mamuhay ng malaya mula sa nakakasakal na pagmamahal ng aking mga magulang na minsan, pakiramdam ko ay nakakalimutan na nilang isa akong normal na indibidwal na gusto ring mamuhay ng naaayon sa aking gusto. Buong buhay ko ay halos pakiramdam ko'y wala akong masyadong nagawa dahil kaliwa't kanan ba naman akong hindi tinatantanan ng mga katulong na lagi na lamang nakabuntot sa akin sa kada kilos na ginagawa ko, noong nasa mansyon pa ako nakatira. 

At ngayon ay kailangan kong panindigan ang buhay independent at ang tanging inaasahan ko sa pang araw-araw ko ngayong gastos ay ang pinagbentahan ko ng aking mga libro. Pilit kong pinipigilan ang sarili na huwag gamitin ang pera nina mommy at daddy dahil pinangako ko sa aking sarili na kailangan kong masanay na mag isang hinaharap ang mga problema ngayon, na pinili ko ang buhay na ayaw nila para sa akin.

Naiinis na sinundan ko ng tingin ang papalayong lalake na iyon. Kahit na matindi ang disgusto ko sa ugali niyang may pagkamayabang ay hindi maikakailang napakagwapo naman talaga niya. Buti na lamang ay hindi ako ganoong kabilis na magpadala sa bugso ng damdamin ko dahil ayokong makita ang satisfaction sa mukha niya kung malalaman niyang attracted din ako sa kanya. Kahit na minsan gusto ko siyang ibala sa kanyon.

“Huy, girl. Are you ok? You look so pale,” nag-aalalang tanong ni Cindy  sa akin na ngayon ay nagliligpit na ng mga natirang kopya dahil bahagya nang madilim sa labas at kailangan naming magmadali dahil need naming maabutan ang tren ng alas sais.

“Yup, pagod lang ako, girl.“ sabi ko naman sa kanyan at bahagyang ngumiti. Labis na ang tulong na ginawa ni Cindy para sa akin ngayong araw na ito at pakiramdam ko kapag kasama ko siya ay hindi ako natatakot na gawin ang mga bagay na hindi ko nakasanayan noon.

She smiled at minabuti ko na rin na iligpit ang mga gamit na dinala namin upang mas maaga kaming makapwesto sa train station. Naalala ko bigla ang papel na isiningit ni Logan sa mga libro at matapos kong silipin kung ano ang nakasulat doon ay hindi ako makapaniwala sa nabasa.

Logan Silva's inviting me for dinner tonight.

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ความคิดเห็น

user avatar
Cohen07
interesting story to read
2022-12-16 16:23:12
4
user avatar
Jana
waiting for the other chapters pls.
2022-12-15 03:18:12
4
user avatar
Chems
more chapters pls!
2022-12-13 05:09:14
3
user avatar
Jerida Ruiz
A delicious treat for readers who enjoys Mafia-Romance. Highly recommend!
2022-12-10 13:07:09
2
user avatar
ColaPrinsesa
Patambay po ...
2022-12-10 07:55:59
2
6
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status